Chapter 53

673 6 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Nors, dali! Mag-ayos kana ng gamit!"

Dahan-dahan akong tinulak ni Keisha para kunin yung bag ko. "Ano bang meron? Sabi ko naman sayo, 9 pm pa ang out ko. 8:50 pm palang." Tinignan ko yung relos ko saka humarap kay Keisha.

"Ay nako! Nors, pwede ba makinig kana lang sakin. Saka 10 minutes na lang out narin tayo. Lakad na kunin mo na yung bag mo tapos magretouch na tayo sa cr."

Napapakamot na lang ako ng ulo dahil sa pagpapanic ni Keisha. Napagpasyahan kong puntahan sa office niya si Aeron para magpaalam at para narin kunin yung bag ko. Kaso lang wala siya dun sa table niya. Maaga rin kaya siyang nag-out?

Lumabas nako matapos kong makuha yung bag ko at sinalubong naman ako netong si Keisha at may inabot na paperbag.

"Ano to?" Nagtataka kong sinilip kung ano yung laman at mukhang damit yata to.

"Pinaabot yan sakin. Basahin mo yung letter sa gilid." Utos niya. Binasa ko yung nakalakip na letter na nakadikit sa paperbag.

  Wear this my baby, I'll see you tonight. I love you.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko. Shemay naman! Bakit may pa-surprise pa? Wala naman siyang sinabi sakin eh.

"So ano? Tara? Samahan na kita magbihis?" Nakumbinsi nako ni Keisha na sumama sa kanya sa banyo.

Sinuot ko na yung binigay na dress ni Alexander. Blood-red french-laced na dress ito, above the knee at sakto dahil nakahigh-heels din ako na red.

Naalala ko kaninang umaga bago ako pumasok, nagtalo pa kami ni Alexander kung anong susuotin kong shoes. Yung peach sana na stilettos kase favorite ko yun, pero pinipilit niya akong suotin yung high-heels ko na red.

Lumabas nako ng cubicle at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Grabe! Ang perfect mo talaga Nors! So pretty!" Puri sakin ni Keisha. Napangiti ako sa sinabi niya. Mukha akong aattend ng isang formal party. Bagay na bagay yung blood-red na kulay ng dress sa skin-tone ko. "Halika, ayusin natin ng konti yung hair mo. Tapos magretouch-retouch kana jan." Utos niya sakin saka inayos yung buhok ko. Sinimulan ko na ring magretouch ng konti at yung pang-simpleng make-up lang.

"Yan! You look so gorgeous talaga as always! So ano? Halika na?" Yaya niya sakin. Sumama nako sa kanya saka kami pumara ng taxi. May inabot na papel si Keisha sa taxi driver, yun yata yung address ng pupuntahan namin.

Kinakabahan ako na masaya. Ewan ko ba! Basta magkahalo tong nararamdaman ko ngayon.

Pagbaba namin ng taxi ay andaming staffs ang nakahilera sa bawat gilid ng entrance ng restaurant.

I forgot to mention, restaurant pala ito nila Alexander.

Paglingon ko sa likod ko kung saan nandoon si Keisha ay nawala ito. Hala! San naman kaya napunta yon? Bakit niya naman ako iniwan? Jusko! Kinakabahan tuloy ako.

Dumiretso nako maglakad sa entrance at habang papasok ako ay isa-isa akong inaabutan ng pulang rosas ng mga staff na nakahilera.

Totoo ba to?

Nakakatouch naman. Para san ba toh?

"Thank you." Sambit ko sa huling nag-abot sakin ng bulaklak. Isang dosena na yata mahigat yung hawak ko red roses.

Pagbukas ko ng pinto ng restaurant ay bumungad sakin sila nanay at Mich, si Keisha, ang parents ni Alexander at si Nico, kumpleto din ang mga Swentlemens at sabay-sabay silang napalakpak.

Napatakip ako ng bibig nang makita ko si Alexander na nakablack formal suit at may hawak na gitara. Dahan-dahan niyang ini-strum yon saka tumingin sakin at ngumiti.

"Hi Noreen, my baby. This song is dedicated for you."


[Now Playing: Out Of The Blue (MLTR)]

I was almost about to lose my faith
Was still dreaming
but feared it was too late
But then you came along to my surprise
And stole my heart before my very eyes

Tinignan niya ang mga mata ko saka muling ngumiti.

[Chorus:]
You took me right out of the blue
Simply by showing that you love me too
Only by giving me your everything
With a love so true
you took me out of the blue

Yang lalaking yan, na nakatayo habang kinakanata ang paboritong kanta ni tatay sa harap naming lahat ay ang parehong lalaki na nakilala ko mahigit isang taon na ang nakalipas. Ang lalaking akala kong dadagdag pa sa mga problemang kinakaharap ko noon, pero heto siya ngayon buong puso parin akong tinanggap sa kabila ng lahat.

I was wondering what love was all about
I was trying but couldn't work it out
But then you came along to my surprise
And made my frozen mind come alive

[Chorus:]
You took me right out of the blue
Simply by showing that you love me too
Only by giving me your everything
With a love so true
you took me out of the blue

You let me out of the darkness
You brought me out in the sun
I think you must be the only one for me
'cos you took me

[Chorus:]
Right out of the blue
Simply by showing that you love me too
Only by giving me your everything
Breathing air below my wings
You took me right out of the night
Simply by filling my heart with light
Only by giving me your energy
With a love so true
you took me out of the blue

After niyang kumanta ay nagpalakpakan lahat ng andon, including the guests sa restaurant ay napukaw ang atensyon niya.

Binaba niya yung gitara saka ako nilapitan. "Baby? Happy birthday." Nakangiti niyang bati sakin.

Alam niya palang birthday ko ngayon, actually muntik ko na ring makalimutan na birthday ko pero nakapagsimba parin ako kahit saglit para magpasalamat sa buong taon na puno ng blessings at regalo at sobrang sweet nitong hinanda niya sakin. Haranahin ba naman ako sa harap ng maraming tao? Shemay! Sobrang nakakatouch! Gusto ko tuloy maiyak.

"Thank you." Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Gulat parin ako sa mga nangyari at sa ginawa niya.

"I have a very special gift for you, sana magustuhan mo..."

Very special gift? Bakit? Hindi pa ba special tong ginawa niya?

Lalo kong kinagulat nang lumuhod siya sa harap ko at itinapat sakin yung red-velvet box na hawak niya.

"Alexander..." Wala na akong masabi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pati yata mga bulate ko sa katawan, nagwawala.

He open the box at naglalaman yun ng diamond ring na kulay silver, kumikinang ito sa sobrang ganda. Naitakip ko na lang sa bibig ko yung palad ko.

"Just like the lyrics in the favorite song of your father, baby ko, I think you must be the only one for me at sigurado akong ikaw na nga yon. I love you for loving me and for being who you are." I saw his tears fall. Feeling ko maiiyak narin ako. "Everleigh Noreen, my everything, will....will you marry me?"

Wala na akong dapat pang pag-isipan, hinihiling ko lang ito dati pero ngayon eto na. Nangyayari na. "Yes." I answered.

Sinuot niya yung singsing sa daliri ko saka ako niyakap ng mahigpit. Tuluyan na ngang tumulo yung luha ko.

Palakpakan at hiyawan ang natanggap namin mula sa mga tao.

"I love you Noreen, thank you for accepting my proposal." He whisper habang nakayakap parin sakin.

"This is the best gift I ever receive. Sobrang nagpapasalamat ako sayo, love ko."

Kumalas siya sa yakap ko saka tumingin sakin. "Endearment mo ba sakin yan? Love ko?"

"Aish, wag mo nakong pansinin. I love you."

"I love you too baby ko."



A/N: I do not own the video.
         Plagiarism is a crime!

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon