Chapter 20: Aeron's Secret

962 13 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Palabas na ako ng restaurant nila Alexander at bitbit ko yung mga gamit ko na nakalagay sa kahon.

Wala na akong trabaho. Pinag-utos ng mommy ni Alexander na wag na akong babalik sa restaurant nila.

Saan na ako pupulutin nito?!

Pagpunta ko sa nag-ooperate ng cctv ay wala akong napala, aksidente daw niyang na-off yung cctv kaya walang record na lumabas. Pwede ba yun? I-off nila yung cctv?

Galit na galit sakin yung mommy ni Alexander. Kung sino man talaga ang gumawa non, bwisit siya, maghaharap kami sa impyerno!

"Noreen!"

Paglingon ko ay sinalubong ako ni Aeron.

"What's that?" Tanong niya sa bitbit kong kahon.

"Wala na akong trabaho..." Naiiyak kong sabi sa kanya. Kinuha niya yung kahon saka nag-insist na ipag-drive ako pauwi sa amin. Kakain daw sana siya saka kakamustahin si Alexander pero naudlot nang dahil sakin.

"Ayoko munang umuwi. Anong mukha ang ihaharap ko kila nanay? Magagalit yun panigurado." Kinakabahan kong saad.

"Pwede ka namang sa bahay muna."

"Eh? nako, wag na Aeron. Sa sementeryo mo na lang muna ako ihatid. May dadalawin din ako."

"Sure. But you can always stay on our house." Sabi niya ng may ngiti. Ewan ko ba, ang laki ng pasasalamat ko sa lalaking to. Lagi siyang anjan kapag kelangan. Buti nga at hindi siya nagbago lalo na nung na-reject ko siya.

Sinimulan niya na yung pagdadrive. Sobrang laki na ng utang na loob ko sa taong to. Kung mas nauna ko lang sigurong makilala si Aeron kesa kay Alexander baka mas pinili ko pa siya. Pero iba talaga ang epekto sakin ni Alexander eh. Saka isa pa baka hindi rin matanggap ni Aeron na....basta.

"Ano bang nangyari? Lex told me na bumalik na daw yung ex niya, for sure masakit yun para sayo, diba may gusto ka sa kanya?" Tanong ni Aeron habang focus sa pagdadrive.

"Oo at dun pa siya nagi-stay sa mansyon nila Alexander. Alam mo kung anong masakit? Pinakilala ako ni Alexander na girlfriend niya sa family niya pero parang wala lang sa Vanessa na yon. Mas gusto kasi ng mommy niya si Vanessa. Ano namang laban ko dun diba? Tapos kanina, na-fired ako sa resto at feeling ko dahil sa kanya. Yun pala yung mas masakit."

Pag-naaalala kong wala na akong trabaho, nanghihina ako. Hays!

"Paano mo naman nasabi na dahil kay Vanessa?"

"Eh kase siya yung huling pumasok sa office ko saka ewan ko ba, parang galit siya sakin eh. Eh di isa na rin yun sa main reason incase na siya nga yung gumawa non. Saka paano mo nga pala nakilala si Vanessa?" Tanong ko.

Bigla siyang natahimik. But he continue.

"I was crazy inlove with her noon."

Eh? Di nga? "Talaga? Paano nangyari yun, kung si Alexander ang ex-boyfriend niya?"

"Long story."

"Edi i-kwento mo. Makikinig ako, tutal lagi mo rin akong pinapakinggan noon. Saka hindi mo nakwento sakin na kilala mo pala si Vanessa."

"Okay..."








Aeron Paul's PoV

Pinipilit ako ni Noreen na ikwento sa kanya ang tungkol samin ni Vanessa. Do I have to tell her?

"Pero promise me na hindi mo to sasabihin kay Lex?" Paniniguro ko.

"Huh bakit naman?"

"You'll know why."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon