Chapter 35: Lost

722 7 0
                                    

Nevelle Alexander's PoV

Nandito ako ngayon sa kwarto.

Kanina ko pa kase iniisip kung ano ba talagang gustong sabihin sakin ni Noreen. Nung araw na nakipagkita ako sa kanya, sana pala hindi na lang ako pumayag na sumama si Vanessa.

Nalaman kase ni Vanessa na makikipagkita si Noreen sakin. Sabi niya sasama daw siya dahil wala siyang tiwala kay Noreen. At kapag diko naman siya sinama baka kung anong isipin niya.

Alam ko na!

I dialed Aeron's phone number.

"Ron? You busy? May itatanong lang sana ako sayo."

"Go ahead, what's that Lex?"

"About Noreen. She told me na may kelangan daw akong malaman at may sasabihin daw siya. Baka alam mo kung ano yon? Hindi niya kase nasabi sakin eh."

"I really don't know Lex. Hindi ko rin alam na nakikipagkita pa pala siya sayo."

"Don't get me wrong. Kasama ko si Vanessa nung nakipagkita ako sa kanya. Sorry, akala ko alam mo kung tungkol saan yung gusto niyang sabihin."

"Ah sige sige. I'll try to talk to her about that, and then sasabihin ko na lang sayo."

"Good. Thanks Ron." I ended the call.

Lumabas muna ako ng kwarto at dumiretso sa pool. Kelangan kong mag-relaxed. I take off my shirt saka lumusong sa pool.

Pumwesto lang ako sa gilid to relaxed saka tumingala at pinikit ang mga mata ko.

Noreen's presence suddenly appears. Nakatayo siya habang nakatingin sakin.

"Remove your clothes." I said. Nagsalubong yung kilay niya saka ako tinitigan ng masama.

"Ano?"

"I said remove your clothes." Pagmamatigas ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She's so perfect.

"Dito talaga?" Nag-aalangan niyang tanong.

"You'll remove your clothes or you'll pay me 20k?" Nilapitan niya ako saka hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Hoy Alexander. Ikalma mo yang..." Tinitigan niya lang ako. "Basta! Kumalma ka. Kung ayaw mong may makahuli satin."

Minulat ko yung mga mata ko. Naalala ko nong nag-sex kami dito ni Noreen sa pool. Napaka-inosente niya pa non.

Yung mga alaala namin ni Noreen, madalas kong dugtungan sa imahinasyon ko. Ang saya sana kung siya ang nagdadala ng magiging anak ko. Panigurado, lagi siyang nasa kusina at tinutulungang magluto yung mga maids.

What if siya ang makikita ko kada umaga na imumulat ko ang mga mata ko? What if siya ang nakakasama kong matulog sa gabi? What if siya ang kasama kong mag-celebrate ng engagement party namin at ng gender reveal ng magiging anak namin sa harap ng maraming tao. My life would be similar to heaven kung ganon nga. Pero hindi. Nakagawa ako ng isang bagay na ngayon ay pinagsisisihan ko.

How I miss her touch. I want to embrace her and kiss her so bad.

All I can do, is to see her from afar. Happy and inlove with my bestfriend. Yun naman talaga ang dapat na mangyari. Yun din ang gusto ko para sa kanya. Less pain yet more happiness with Aeron.

Sakit at pagpapasakit lang ang mararamdaman niya kung sakali mang siya ang papakasalan ko. Hindi naman kase ganon kaganda ang trato sa kanya ni mom. Saka yung ginawa ko sa kanya noon, ginawa kong nightmare ang buhay niya at dinungisan ang pagkababae niya. Kaya tama rin siguro ang naging desisyon ko...

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon