Chapter 47

741 6 0
                                    

Nevelle Alexander's PoV

I was right here with the girl I loved the most. Hindi ko na itatanggi pa, this time sigurado na kasi ako na hindi na biro itong nararamdaman ko. I really love her, I do.

"Wake up sleepy head." I kissed her forehead. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya. "Good morning." I greeted her.

"Good morning." She said then smile.

Ang gaan sa pakiramdam na kasama ko siyang matulog kagabi. Hindi ko na pinauwi si Noreen, dito na siya naghapunan at natulog sa tabi ko.

Nag-usap na rin kami tungkol kay Vanessa kagabi. Pagbalik niya, iuurong ko na ang engagement. Hindi ko naman talaga gustong pakasalan si Vanessa eh, buti sana kung noon. Eh iba na ang mahal ko ngayon. At marami nang dahilan para umatras.

Kakausapin ko rin si mommy at dad tungkol sa mga desisyon ko. Gusto kong maayos ang lahat para makapagsimula na kami ni Noreen.

Nahiga ako sa tabi niya. "Noreen?"

"Hmm?"

"Do you really want me?" I asked. Baka kase ako lang pala ang may gusto sa mga plano ko eh, edi masasayang lang din ang efforts ko.

"I don't want you Alexander, I love you."

I want to cry, but that's gay. Natutuwa ako dahil parehas talaga kami ng nararamdaman sa isat-isa. Sana siya na lang. Siya na lang sana ang makatuluyan ko in the near future.

"I love you too." I said then kiss her forehead. "Pero paano si Aeron? Ayokong saktan ang kaibigan ko."

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Aeron. Oo nga pala, may relasyon sila. Ayoko namang magmukhang kontrabida at mang-aagaw. Bestfriend ko si Aeron, at alam ko kung gaano niya kamahal si Noreen.

Hindi ko alam kung paano ko ito ieexplain sa kanya. Ayokong masaktan ang kaibigan ko.

"Si Aeron? Bakit naman?" Naguguluhan niyang tanong.

"I mean...ayoko namang masira ang relationship niyo." I said. Mukhang imposible na talaga kami ni Noreen.

"Wala kaming relasyon. Kaibigan ko lang si Aeron at ganon din siya sakin. Inexplain ko naman na lahat sa kanya at alam niya naman yun."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero kase sabi niya sakin dati na naging kayo na daw. I thought that was true kaya nga iniiwasan din kita, kase nasasaktan ako sa isiping kayo na."

"Huh? Eh hindi naman naging kami ah." Halatang nagulat din siya. Siguro nasabi lang yun ni Aeron dahil mahal niya rin talaga si Noreen.

"Okay, ngayong wala na akong iisipin parang bigla akong nagutom. Gusto mo bang ipagluto kita?" I asked at bigla siyang tumawa. "What?"

"Akala mo naman marunong magluto HAHAHA!"

I pouted dahil sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman? Umorder pa naman ako kanina tapos kunyari ayun yung niluto ko. Psh!

"Magbibihis lang ako tapos tuturuan kitang magluto. Okay ba yon?" She asked saka tumayo.

"Yeah that's great. Pero parang mas okay yata kung sasama ako sayong magbihis." Kinindatan ko siya na naging sanhi ng pamumula ng pisngi niya.

"Alexander! Napaka-manyak mo talaga!" Sigaw niya sakin saka siya dumiretso ng banyo.

Sabay na kaming dumiretso sa kitchen at nagsimulang magluto. I can imagine our future like this. Kasama siyang gigising sa araw-araw, at maghahanda ng breakfast ko. How I loved this girl.

Habang busy siya sa paghahalo ng fried rice ay niyakap ko siya patalikod then I kissed her neck.

"Alexander...mamaya makita tayo ng mga katulong eh." Sita niya sakin habang patuloy sa ginagawa niya.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon