Chapter 29: Let Go

814 10 0
                                    

Aeron Paul's PoV

"Lex, pasensya kana sa office ko, medyo makalat. You know? Paper works and such stuffs." Niyaya ko si Lex sa loob ng office ko. Gusto niya daw akong makausap eh, nabanggit na sakin to ni Nard na may pag-uusapan daw kami ni Lex. Hindi naman ako pwedeng umabsent kaya dito na lang sa office ko.

"That's fine. My office looks like this too." Tumawa siya ng mahina. I can see from his eyes na problemado siya.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kaya hanggat maaari ay kinakalma ko ang sarili ko. Alam kong nagkaroon kami ng konting alitan nung nasa hospital si Noreen. Pero mukhang hindi naman siya naghahanap ng away eh.

"Do you want anything? Coffee? tea? milk?" Alok ko sa kanya.

"Honestly, I'll be needing a beer after this." Natawa naman ako sa sinabi niya. That means problemado nga si Lex. "Aeron, magiging tatay na'ko." Seryoso niyang sabi.

"What? Seriously?" Nagulat ako sa sinabi niya. Alam kong hindi mahilig magbiro ng ganyan si Lex. Pero kung totoo nga, sino naman kayang nabuntis niya?

Shit!

Hindi kaya si...Noreen?

"Vanessa is pregnant."

Nakahinga ako ng maluwag. "How come? May nangyari sa inyo?"

"It was an accident. Nagising na lang ako na magkatabi kami sa kama and worst is, she's naked. After a few days , bigla siyang nag-vommit at sinabi kila mommy na buntis siya. Damn! Aeron, di pa ako handa." He explain saka napahawak sa sentido niya.

Naalala ko dati nung college days namin ni Lex, yung classmate naming lalaki nakabuntis din. Sinabi sakin ni Lex na hanggat maaari ay ayaw niya daw tumulad doon. Dahil gusto niyang bigyan ng anak ay ang babaeng pinakamamahal niya pagkatapos ng kanilang kasal.

"What's your plan? Kelangan mo pa ring panagutan si Vanessa."

"Kilala mo naman kung sino talaga ang mahal ko, Aeron." Sabi niya. Yeah! I know. Mahal niya si Noreen. Mahal na mahal. Yan ang sabi sakin ni Nard.

"Pero paano si Vanessa?"

"I'm going to marry Vanessa. Aeron...I want you to take care of Noreen. Alam kong hindi mo siya pababayaan. Tulad ko, mahal na mahal mo din siya. Nakikita ko yun sayo. Kahit mahal na mahal ko si Noreen, wala akong magagawa, huli na ang lahat. Sigurado akong mahal ka rin ni Noreen." Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang sabihin niya yon.

Kung alam mo lang Lex, na pareha kayo ng nararamdaman ni Noreen. Pero wala eh, naging pabaya ka.

"Aeron, eto na pala yung..." Pagpasok ni Noreen ay natigilan siya nang makita niya si Lex. Saglit silang nagkatitigan at tinuon din ni Noreen ang atensyon niya sakin. "Ah..may kausap ka pala. Mamaya na lang." Lalabas na sana siya pero pinigilan siya ni Lex.

"Aalis na rin ako." Humarap sakin si Lex. "Ron, ikaw nang bahala. Mauuna na ako."

"Sige Lex. Salamat sa pagbisita." Tumango lang siya saka umalis. Napatingin ako kay Noreen na nakatitig lang sa pintuan kung saan lumabas si Lex.

"Noreen, yan na ba yung pinapaprint ko sayo?" Basag ko sa katahimikan niya. Humarap siya sakin saka inilapag yung puting folder.

"Ah, eto na nga. Pasensya na kung natagalan." Palingon-lingon pa rin siya sa pintuan.

"Okay lang. Si Lex nga pala, ikakasal na kay Vanessa." Sabi ko sa kanya. Kelangan niya ring malaman yung totoo para naman tumigil na siya kakaasa kay Lex.

"Ikakasal? Ah...ahh talaga? Wow." Wala sa sarili niyang sabi. Biglang nalungkot yung expression ng mukha niya.

"Yeah. Gusto mo bang umattend sa kasal niya? I can be your escort."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon