{WARNING: R18• SPG}
Aeron Paul's PoV
Pagbaba namin sa kotse ay malamig na klima agad ang sumalubong samin. Niyaya ko agad si Noreen sa Ferris wheel. Bakas sa labi niya ang ngiti at excitement.
"Wow!" Aniya habang nakamasid sa lugar mula sa itaas nang makasakay na kami sa Ferris wheel. "Grabe! Ang ganda!" Nakangiti siyang parang bata habang pinagmamasdan ko siya.
"Ang ganda nga." Sambit ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Ewan ko ba, pero gandang-ganda talaga ako sa babaeng toh. Sobrang nakakaakit ang kagandahang meron siya. Medyo may kaputian ang kanyang balat, yung mata niyang nakakaakit pagmasdan, yung mamula-mula niyang labi na ang para bang ang sarap halikan, matangos niyang ilong at yung mahaba niyang curly na buhok. Kung tititigan mong maigi, hindi siya mukhang anak mahirap. Nakakapagtaka lang na namemaintain niya yung ganyang ganda. Pero siguro namana niya rin yun sa nanay niya. Maganda rin yung nanay niya eh, parang dun nga ata niya nakuha yung ilong at mata niyang magaganda.
Dati kasi hindi siya masyadong nag-aayos ng sarili. Hindi rin pansin yung ganda niya dahil nga di naman kagandahan yung suot niya. Ewan ko ba, pero ngayon, parang kahit sinong lalaki papangarapin siya eh.
Nginitian niya lang ako saka siya bumalik sa ginagawa niya. Pinagmamasdan niya yung tanawin sa ibaba at amaze na amaze siya. Nilabas ko yung phone ko at pasimple siyang pinicturan.
Really perfect!
After namin sa ferris wheel ay niyaya ko siyang mag-picnic. Wala naman kaming dalang pagkain kaya dumaan muna kami kanina sa isang restaurant at nagtake-out. Yun yung kinain namin.
"Grabe! Ang ganda ng Taal no?" Aniya habang kumakain kami. Kitang-kita mula dito ang bulkang Taal. It was peaceful and calm. Napakaganda talaga at di nakakasawang balik-balikan ang lugar nato.
"Ngayon ka lang ba nakapunta dito? Malapit lang naman to satin ah." Tanong ko. Tumango naman siya.
"Alam mo, gustuhin ko man, eh wala din naman kaming pera. Imbis na ipanggala ko, ipangtatawid gutom na lang naming pamilya." Nginitian niya uli ako. "Gusto kong ipasyal dito si Michelle, yung kapatid ko. Matutuwa yon kapag nagkataon!"
"Gusto mo isama natin siya sa susunod? I'll treat you both, promise." I already know Michelle, her half-sister na nabanggit niya sakin kanina lang. Nagliwanag yung mukha niya sa sinuggest ko pero bigla din siyang nalungkot.
"Natin? Ibig sabihin..."
"Yep! Wag ka mag-alala, sagot ko lahat. Para naman ma-experience niya rito at makilala ko rin si Michelle."
"Salamat na lang Aeron, pero sa tingin ko wag na." Nag-iwas siya ng tingin.
"Ba't naman? Ayaw mo bang isama dito si Michelle?" Kunot- noo kong tanong.
"Hindi, hindi sa ganon. Pwede siguro tayong bumalik dito kapag may pera na din ako. Ang akin lang kase, ayoko lang nang may masabi pa yung ibang tao. Baka isipin ng mga nakakakita o kaya ng magulang mo na ginagamit lang kita, na nakikisama lang ako sayo kasi may pakinabang ka sakin. Pero hindi ganun yon Aeron ah, sa totoo lang gusto kitang kasama dahil ang bait mo sakin saka ang saya mo rin kausap at kakwentuhan..."
"Hindi naman ganon ang iniisip ko kapag kasama ka eh." Seryosong sabi ko. "Sobrang saya ko nga kapag magkasama tayo. Pwede naman nating hindi pansinin yung mga sinasabi nila, dahil unang-una, buhay natin toh. Tayo lang ang may karapatang magpasya sa sarili natin. Kung saan natin gustong pumunta, kung sinong gusto nating makasama..."
Tinapik niya ako sa balikat. "Wow! Ang lalim." Bigla siyang tumawa. "Diko lubos maisip na yung Aeron na kilala ng lahat bilang cool, hot at isa sa mga Swentlemens ay may side pala na ganito."
![](https://img.wattpad.com/cover/198535022-288-k556748.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
قصص عامةWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...