Chapter 24: Love or Infatuation?

895 7 0
                                    

Loving You Mr. Pervert
Written by Psycho_kween

Chapter 24

Nevelle Alexander's PoV

"Si Noreen...sinugod sa hospital." Sabi niya sa kabilang linya na talagang kinabahala ko.

"What?! When? Where?!" Patakbo akong lumabas ng bar para magkarinigan kami ni Nard saka dumiretso sa sasakyan ko.

"Nasan kaba?" Tanong niya.

"Sa bar. Now, Anong nangyari kay Noreen?" I asked. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko kasabay ang sakit ng ulo ko.

"Nabunggo siya sa may pedestrian lane kanina. Lasing daw yung driver ng kotse. Sa UMH siya sinugod." Sabi niya sa kabilang linya.

Damn!

"She was hit? Paano mo naman nasabi na si Noreen yon?!" I said habang nagmamaneho papuntang UMH.

"Nandoon ako kanina at naka-stop yung kotse ko. Huli na nang nakita kong may naaksidente at nalaman kong si Noreen yun. Saka ako rin nagdala sa kanya sa UMH that's why I call you."

"O-Okay, thanks Nard. Im on my way." Binaba ko na yung tawag at yung pintig ng puso ko ay pabilis ng pabilis. Kinakabahan ako.

It's all my fault. Dapat hindi ko ginawa sa kanya yon. Hindi ko dapat sinabi yun sa kanya. Pinagsisisihan ko na lahat!

Pagdating sa hospital ay pinagtanong ko agad kung saang room naka-admit si Noreen.

"Noreen De Ocampo."

"Sa emergency room, that way po sir." Tinuro yung nurse yung daan.

Napatakbo agad ako. Pagdating ko sa may ER ay andon si Aeron at Nard. "Nard...Aeron!"

Isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ko.

Hindi ko napaghandaan yung ginawa sakin ni Aeron. Nabigla ako sa ginawa niya. "Fuck! What's wrong with you?!" Hinigit ko siya sa kwelyo at agad na pumagitna samin si Nard.

"Damn you, Lex! Kasalanan mo kung bakit nandito si Noreen!" Ramdam ko yung galit ni Aeron.

"Bakit? Anong alam mo ha?!" Akmang susuntukin ko siya nang pigilan ulit kami ni Nard.

"Stop this! Sa tingin niyo ba mapapabuti yung kalagayan ni Noreen sa ginagawa niyo?!" Sigaw ni Nard. "Parang kayong mga bata."

Binigyan ko lang ng matalim na titig si Aeron na binalik niya din sakin.

"Tinawagan ako ni Noreen kanina. Umiiyak siya at dahil sayo yun Lex! This is all your fucking fault!" Galit na galit niyang sabi saka umalis na at iniwan kami.

"What happened? Ngayon lang nag-act ng ganyan si Aeron. What did you do?" Mahinahong tanong sakin ni Nard habang nakatingin sa pasilyo na dinaanan ni Aeron.

"Napagsalitaan ko ng hindi maganda si Noreen." Napasabunot ako sa buhok ko saka yumuko.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ni Nard.

"She just...she shouted at me. Alam mo namang nag-iinit ang dugo ko kapag nasisigawan ako. Wala akong sinasanto. Pero...nagsisisi ako. I don't know what to do sakali mang may mangyari sa kanya. I'll blame myself forever."

"Umuwi kana muna kaya. You look miserable. Amoy alak ka. Let's just hope na hindi gaanong napuruhan si Noreen. Bumalik ka na lang siguro kapag okay na siya, I'll update you."

"No! Hindi ko iiwan si Noreen. I'll stay here hanggang maging okay na siya." Matigas kong sabi.

"Lex ano bang nangyayari sayo? Kung ikaw lang si Aeron maiintindihan ko pero hindi eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nard. Ano bang pinagsasabi niya?

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon