Chapter 33: Caught

762 7 0
                                    

Vanessa Barquin's PoV

"Girl, tignan mo! Sayang! Kung babae lang sana ang BABY niyo edi sana binili na natin ito oh!" Pinakita sakin ni Aira yung mini-dress na nakita niyang pambaby.

We're here at the mall. Kelangan na naming mag-shopping ng mga kailangan ng magiging baby namin ni Lex.

"What can I do? Eh lalaki ang gustong maging anak ni Lex diba? Dagdag points narin yung gender ng bata." I said saka nilagay yung mga baby bottles sa cart.

"Eh kamusta naman kayo ni Lex? Okay naman ba ang trato niya sayo?"

"Yeah. Sometimes may topak siya at sometimes sweet din. Okay na yun atleast alam kong sakin lang siya naka-focus." I said saka pumila na sa cashier. After that ay kumain muna kami sa restaurant at nag-relax.

Sinabihan ako noon ni Lex na pwede na akong makitulog sa tabi niya kaso he keeps on holding my tummy. Eh hindi naman ako komportable na suot yun pag tulog ako , I mean yung fake tummy dahil, favorite position ko ang nakadapa. Since that, sinabihan ko si Lex na wag na muna kaming matulog sa iisang kwarto hanggat di pa kami kasal. Wala na rin naman itong tyan ko kapag kasal na kami eh. Saka nagdodoble ingat din ako lalo na sa lock ng kwarto na tinutulugan ko dahil masyadong maimbestiga at pakealamero si Nico.

Nasabi ko na rin sa mom ko yung mga nagaganap dito. But, she keeps on saying na dali-dalian ko pa daw dahil atat na atat na siyang lumustay ng pera ng mga Chavez and hindi na talaga maganda ang lagay ng business niya. I blocked her phone number. I know from the start na yun yung plano kaya ako bumalik dito pero as long as I'm with Lex, hindi ko gustong isipin yun. Gusto ko lang ibalik namin yung dati naming relationship and not his family money.

I can picture out myself na bumuo ng pamilya kasama si Lex. Ayokong maulit pa yung dati.

After naming kumain ay dumiretso muna kami ni Aira sa comfort room dahil feeling ko matatanggal na yung strap ng fake tummy ko.

Habang nasa comfort room kami ay pinaayos ko kay Aira yung strap. Good thing at walang masyadong tao.

"Girl, pwede mo naman itong hindi suotin eh."

"Boba ka ba? Paano kung may makakita sakin? Paano kung matulad yung dati na nakita ako ni Noreen sa bar? Edi lagot na?" Sumbat ko sa kanya.

"Ay! Oo nga noh."

"Hoy Aira, 2 months na lang at manganganak na ako. Ano na? May nahanap kana bang pwedeng maging baby namin? Bilis-bilisan mo naman. Alam mo na, dapat lalaki ah, saka dapat gwapo naman para naman hindi masyadong magtaka si Lex sa itsura nung bata."

"Don't worry girl. Nakausap ko na yung babae na kinausap natin noon. Pumayag na siya. Kaya Kapag manganganak siya ay sasama ako doon para makuha yung baby at doon na rin iabot ang bayad sa kanya. Pero wag kang mag-expect na magiging kamukha niyo yung baby ah. Haha!"

"Okay na yon basta may maipakita akong baby sa fiancé ko. Buti pumayag na. Kung hindi siguradong babalik ako sa ibang bansa na walang napapala."

"Okay. Basta yung bayad mo girl ah. 50k ang hinihingi nung nanay kapalit nung anak niya. Malaki-laki rin yon."

"Don't worry about the payment Aira. Meron na ako niyan. Nanghingi na ako kay Lex at sinabi kong i-dodonate ko yun sa Charity."

Nag-apir kami ni Aira. Plantsadong-plantsado na ang lahat ng plano namin kaya confident ako sa bawat araw na dumadaan.

Naalala ko noon, nanghingi ako ng pera kay Lex at sinabi kong magdodonate ako sa charity at saka sa mga bahay-ampunan. Hindi man lang siya nag-hesitate na bigyan ako ng malaking halaga. Pero syempre palabas lang lahat ng yon. Kelangan ko kaya ng pera para bayaran yung babaeng buntis na sinasabi ni Aira.

Ewan ko kung saan niya yun nakilala pero nakausap na namin yun at sinabi niya na ipapaampon niya daw ang bata kapalit ng malaking halaga dahil kapos sila sa pera at hindi pa din siya handang sabihin yun sa mga magulang niya. Well, Iniwan kase siya ng boyfriend niya kaya kelangan niyang magpaka-layo layo mula sa mga parents niya at itago ang baby. Boy din naman ang gender ng magiging anak niya eh. Basta wag lang siyang umurong sa napag-usapan namin dahil sinabi ni Aira na idedemanda niya daw ito.

Pero panakot lang naman yun para hindi na umatras yung babae sa napag-usapan namin. Dahil kapag umatras yon, panigurado ako naman ang iiwan ng fiancé ko!








Everleigh Noreen's PoV

Pagkarinig kong sumara na ang pintuan ng banyo ay lumabas narin ako mula sa cubicle. Humarap ako sa salamin saka nagpunas ng pawis at nag-retouch ng kaunti. Nandito kami ngayon ni Keisha sa mall, at diko naman inaasahan ang mga malalaman ko.

Nanggigigil ako ngayon!

Kanina, after kong umihi ay lalabas na sana ako nang may marinig akong dalawang babaeng nag-uusap. Hindi lang yon! Narinig ko pa ang pangalan kong binanggit nila kaya napag-desisyunan kong silipin ng kaunti yung nasa labas na nag-uusap at nakita ko nga si Vanessa na may kasamang babae na inaayos yung damit niya sa likod. Kaya napagpasyahan kong manatili muna sa loob ng cubicle at makinig sa kanila.

At syempre! Dahil mautak ako ay kinuha ko yung phone ko at nirecord lahat ng pinag-uusapan nila mula doon sa sinabi ni Vanessa na 2 months na lang daw ay manganganak na siya.

Napaka-peke ng babaeng yon! Bakit niya sinabing buntis siya kung hindi naman pala! Bakit kelangan pa nilang bumili ng sanggol mula sa ibang babae?! Hindi ba nila naisip yung baby?!

Haaa! Nanggagalaiti ako sa mga narinig ko! Hudas na babaeng yon! Niloloko lang pala si Lex?!

"Noreen! Huy! Kala ko na-flush mo na yung sarili mo sa inidiro! Haha! Infairness ah, ang tagal mong mag-cr kaya pinuntahan na kita dito."

Niyaya ko nang lumabas si Keisha. Saka kinwento ko sa kanya lahat. Syempre, tulad ko nagulat din siya.

"So, anong balak mo? Nako, ang galing naman niya magpanggap." Hirit pa ni Keisha.

Tumingin ako sa kanya. "Kiesh...kelangang malaman ni Alexander na niloloko lang siya ni Vanessa."

"Hoy! Nababaliw kana ba? Paano kung hindi maniwala sayo yon ha? Edi pinagtawanan ka nila jan? Tulad nung dati? Diba nag-attempt ka na rin na sabihin sa Alexander na yon yung mga nalalaman mo? pero ano? Hindi ka pinaniwalaan. Hay nako, Noreen. Wag ka ngang padalos-dalos jan."

Napabuntong-hininga ako. Tama nga si Keisha.

Teka?

Nilabas ko yung phone ko. "Na-voice record ko nga pala lahat! Keisha, eto ang paparinig ko kay Alexander! Maniniwala na siya sakin oras na marinig niya lahat ng mga kagagahan ni Vanessa." Napapangiti ako sa mga naiisip ko.

"Nors? Baka naman mali ka lang ng pagkakarinig? Baka hindi sila yon?" Nag-aalangang sabi ni Keisha.

"Kitang-kita ng mga mata ko at rinig na rinig ko lahat ng plano at kapekean niya! Concern lang ako kay Alexander, ayokong itago lang yung nalalaman ko."

"Hay...ikaw ang bahala. Kung ako ikaw? Mananahimik na lang ako. Kase ikakasal na sila at magkakahappy ending, hahayaan ko na lang sila saka yung babae na yun? Kakarmahin din yun sa mga kasinungalingan niya."

Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang pag-iisip. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon