Chapter 37: Update

659 10 0
                                    

Aeron Paul's PoV

"Sige po. Pakitawagan na lang ako kung may update kayo ah." Sabi ko sa police inspector. Tumango lang siya saka nakipagshake hands sakin.

Nagfile na ako ng report na nawawala si Noreen. Pinakita ko na rin sa kanila yung footage sa parking lot dahil dun daw sila kukuha ng information. Sinabi ko na rin sa kanila na maaaring dala ni Noreen yung phone niya. She was kidnapped by an unknown people.

Hindi ko alam kung anong kailangan nila kay Noreen. Iba yung kutob ko eh. Hindi ganon kayaman si Noreen para maging kidnap for ransom ang maging pakay sa kanya.

I know that there's a main reason. I just can't figure it out.

Halos mag-panic si Keisha nang ibalita ko sa kanya yung nangyari kay Noreen. Sabi niya pa nga, na gusto niya daw magalit sakin dahil ako nga yung kasama ni Noreen bago siya mawala, kaso nga lang ako daw ang boss niya. Diko siya masisisi. Kahit ako, gusto kong mainis sa sarili ko. Hindi ko man lang siya naprotektahan.

Biglang nag-ring yung phone ko. Nard calling. Sinagot ko din naman agad.

"Hello? Aeron? Where the hell are you?" Bungad niya sakin over the phone.

"Nasa police station. Why?"

"Wag mo nga akong mawhy-why jan. Nagaalala na sayo si tito. Sinabi ko na lang na dito ka nakitulog para di mag-alala. Teka? Bakit ka nasa police station? Wag mong sabihing, may nagawa kang kasalanan?!" Sermon niya.

Oo nga pala. Hindi pa kase ako umuuwi sa bahay eh. Sa kotse ko na ako nakatulog dahil sa pag-aalala. I forgot to call dad.

"Nard, calm down. Thank you at sinabi mong anjan lang ako. Nagfile kase ako ng report dito sa police station..."

"At bakit? Did something happen?" Putol niya sa sinasabi ko.

"Noreen's been kidnapped."

"What?! Bakit?! Paano?!"

"I really don't know. Naghihintay pa ko ng update ng mga police."

"Sige, update me if nakita na nila."

"Yeah." I ended the call saka napapikit nang bigla namang may tumawag ulit sakin.

Unknown Number...

I answer the call at isang batang babae ang nasa kabilang linya. "Sino to'?"

"Hello? Si Sir Aeron po ba ito?"

"Yes, speaking."

"Sir Aeron, si Michelle po ito. Yung kapatid ni ate Noreen, itatanong ko lang po sana kung kasama niyo po ba si ate? Di pa po kase siya umuuwi eh."

I sighed. Paano ko ba sasabihin sa pamilya niya na nawawala siya?

"Listen Michelle, nakidnapped ang ate mo..."

"Po?!"

"She was kidnapped. Pero nagfile na ako ng report sa mga police, as of now hinahanap na nila ang ate mo. Okay? Ikaw nang bahala magsabi sa mom mo ha? Let's just pray that she's safe. Babalitaan kita kapag nakita na nila."

I ended the call. This is all my fault!

Diko na alam kung saan magsisimula. Kung paano ko hahanapin si Noreen at kung saan. Nag-aalala na ako sa kanya.

I really hope that she's okay.








Nevelle Alexander's PoV

I open my messenger. Lots of message has been flashed and unread, it's not important kaya ignore lang. Inopen ko lang yung group chat namin to update some news from them.

Swentlemens🍻

Fernan: deads na tong gc natin ah. Ano busy sa kanya-kanyang lablayp? Haha

Joniel: di naman bro. Iwas lang sa gulo.

Fernan: anong tingin mo samin gulo? Suntukan, tara dito hahahah

Joniel: ulul gagu whahaha
: san si Kevs? At yung iba? Hahah

Nard: ang ingay niyo!

Fernan: Aba, syempre gc to. Mute mo Nard para manahimik hahaha

Nard: si Lex oh, paseen seen lang satin. Before I forgot, I have a news guys...

Me: what's the news all about?

Nard: This isn't a good one. But, For sure, you'll be interested in this.

Fernan: ano meron?

Me: Spill it.

Nard: Noreen has been kidnapped since last night.

Nanlaki yung mata ko sa mga nabasa kong message ni Nard. Nagsasabi ba siya ng totoo o nagbibiro lang?

Kevin: sinong nakidnap?

Fernan: backread din kevs. Nilamon kana yata ng dating app mo jan eh.
: Sus! Maniwala kayo kay Nard, mamaya nagloloko lang yan hahaha!

Joniel: Paano mo nasabi?

Me: Are you serious nard?

Nard: yeah. Sinabi ni Aeron sakin. Nagreport na siya sa police station kanina.

Fernan: so, hindi ka nagbibiro Nard? Nawawala talaga si Noreen???

Nard: yeah. Puro kasi kalokohan alam niyo eh.

Joniel: kaya pala hindi na nagchachat si Aeron dito. Baka mapaano si Noreen.


I turned off my phone. Kinabahan ako sa binalita ni Nard, pero mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Joniel na baka daw mapano si Noreen.

Lumabas ako ng kwarto para ma-refresh yung utak ko. Alam ko namang wala na dapat kaming koneksiyon ni Noreen dahil ikakasal na ako. Pero para akong lalamunin ng kaba sa tuwing naiisip ko yung mga posibilidad na pwedeng mangyari sa kanya.







Everleigh Noreen's PoV

Ilang araw na din mula nang ipadukot ako ng impaktang si Vanessa. Tuwang-tuwa siya kapag nakikitang nahihirapan ako sa mga pinag-uutos niya. Tulad na lang ng hindi pagbibigay sakin ng pagkain sa loob ng isang araw.

Halos manginig ako sa gutom, buti nga at binibigyan pa rin nila ako ng pagkakataon gumamit ng banyo eh. Kesa mamatay ay iniinom ko ang tubig na galing sa gripo doon. Sinubukan ko ring gamitin ang pagkakataon na yon para tumakas pero lagi lang nila akong nahuhuli at sinisikmuraan.

Paglingon ko sa pinto ay bumukas ito at tulad ng dati ay niluwa noon si Vanessa at ang dalawa niyang tauhan. May dala silang malaking garapon. Sigurado akong may ipapagawa na naman si Vanessa sa kanila.

Tinitigan niya ako saka nagsalita. "Oh, ano Noreen? Nakatulog kaba kagabi?" Tanong niya na halatang nang-iinsulto. Di ko siya pinansin at nilingon.

"Tinatanong kita diba?!" Inis niyang sabi. Bahala siya sa buhay niya.

Isang malakas na sampal sa pisngi ang binigay niya sakin saka tumawa.

"Sige na, ibuhos niyo na yan." Utos niya sa dalawang lalaki. Lumapit sila sakin bitbit yung dalawang garapon na dala nila. Binuhos nila yung laman non sa bawat gilid ng pinupwestuhan ko.

"Yan. Dika muna kakain ngayon, dahil mga langgam muna ang kakain sa maganda mong balat. Hahaha!" Pagkasabi niya noon ay lumabas na sila. Napagtanto ko na asukal pala yung binuhos nila sakin. Inihipan ko palayo yung mga asukal. Dahil kung hindi, malamang pagpepyestahan ako ng mga langgam dito. Napaka-demonyo talaga ng Vanessa na yon.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob niyang gawin lahat ng to sakin. Hindi man lang niya inisip ang kahihinatnan niya kung sakaling makatakas ako dito.

Napapikit ako mariin.

Nawawalan na ako ng pag-asang makaalis dito. Sobrang imposible dahil may mga bantay sa labas ng pinto, ang mga bintana may mga bakal.

Dito na ba ako mabubulok?







A/N: Follow me on wattpad and I'll do a followback😘

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon