Chapter 48

758 9 0
                                    

Vanessa Barquin's PoV

"Hi tita! I missed you so much!" Bati ko kay tita saka siya bineso. Mukhang hindi naman maganda ang mood niya ngayon dahil hindi man lang niya ako bineso at binati.

May inabot lang siya saking brown envelope. "What's this tita?"

"Just read it." Seryoso niyang sabi.

"Mas importante pa ba to tita kesa sa gown ko? I'm really excited to see the gown."

"Basahin mo na lang yan." She commanded me. Wala na akong nagawa kundi buksan yung envelope at ilabas yung mga papel.

Bigla akong pinagpawisan nang nabasa ko yung unang papel. Tungkol ito sakin at sa fake pregnancy ko. Gosh!

This can't be!

Binasa ko pa yung iba at halos malunok ko na lahat ng laway ko dahil halos tama lahat ng nakasulat. Lahat ng tinatago ko ay andito. Para bang inimbestigahan ako at nilagay nila lahat dito.

"So? Peke pala talaga to." Nagulat ako ng hawakan ni tita yung tyan ko kaya agad akong lumayo.

Shit! I'm doomed!

"Tita, this is all a lie! Halata namang gawa-gawa lahat ng ito! Sino nagbigay nito?" One fucking person comes in my mind. "Si Noreen ba? Wag kayo maniwala sa kanya tita, sinisiraan niya lang ako kase ayaw niyang makasal ako kay Lex!"

"Lex hand it to me. Hindi naman siguro gagawa ng kasinungalingan ang isang private investigator diba?" Naka-crossed arms niyang sabi. "You know how much I hate liars Vanessa, nagtiwala kami sayo."

Masakit man sa ego ko ay lumuhod ako sa kanya. "Tita...please." I cry. "I'm begging you. Forgive me, wala naman talaga akong balak na lokohin kayo. Alam ko naman kasing hindi na ako mahal ng anak niyo...but I swear tita, I love Lex more than anything in this world. I don't need money. Handa akong makipagpatayan, makuha lang siya."

Dahan-dahan niya akong itinayo. "I'm begging you tita. Pagbabayaran ko lahat ng mga kasalanan ko sa pamilya niyo at yung mga plans ko? Hindi ko naman talaga balak ituloy eh, just let me marry your son..."

"Shh..." Nagulat ako dahil niyakap niya ako. "I believe you Vanessa. I'll do everything para kayo ni Lex ang magkatuluyan, basta tulungan mo rin ako."

"Thank you tita! I'll do everything."

Bigla akong napangiti habang pinupunasan ang mga luha ko. I can't believe na ganito pala siya kadaling utuin. Pero nagsasabi naman ako ng totoo eh, I really loved her son, Lex. Kaya di ako susuko, ngayon pa ba na mas lamang ang alas ko? No way.

And one more thing, I need money. Ayokong bumalik dito si mommy tapos sa squater na lang kami titira noh! I can't imagine myself with that!







Everleigh Noreen's PoV

"Take care. I love you." Paalam sakin ni Alexander habang pababa na ako sa kotse niya. Sinara ko na yung pinto saka kumaway sa kanya.

Ilang sandali pa ay umalis narin siya at pumasok nako sa loob ng bahay.

"Nay!" Salubong ko kay nanay saka siya niyakap.

"Saan ka ba galing Noreen? Jusko ka, kung hindi pa kita itetext eh diko pa malalaman na nagpunta ka pala sa Laguna. Ano bang ginawa mo don?" Tanong sakin ni nanay na nagluluto.

"Nay, may inayos lang po ako doon. Diko naman po akalain na aabutin ako ng ilang araw doon eh."

"Sino yung naghatid sayo? Si Lex ba yon?" Tanong ni nanay.

"Opo nay, boyfriend ko na po si Alexander." Nakangiti kong sabi. Tinitigan lang ako ni nanay at mukhang hindi naman apektado sa sinabi ko.

"Hay nako, Noreen. Baka naman paglaruan ka lang non? Tandaan mo ang estado natin sa buhay, hindi natin sila kapantay ah." Payo ni nanay.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon