Chapter 31: Told

747 9 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa tinutuluyang condo unit ni Keisha. After nung party ay halos malasing na si Keisha kaya niyaya ko na siyang umuwi kagabi. Sinabi rin niyang dito na rin daw muna ako matulog. Tinulungan lang ako ng isa pa naming office-mate na buhatin siya.

"Lalo akong nahihilo sa ginagawa mo, Noreen." Puna niya sakin habang nakaupo siya sa higaan niya.

"Eh kase naman..."

"Eh kase nga iniisip mo pa rin yung fiancé ng boylet mo."

Naikwento ko kay Keisha ang mga pinagdadaanan ko kaya naman alam niya yung mga naganap sakin. Tinuturing ko na rin siyang kaibigan bukod kay Aeron, kahit na transgender siya. Dahil una sa lahat, wala namang mali at masaya siya kasama.

Napabuntong hininga na lang ako. "Eh kase buntis yun eh! Diba dapat ang mga buntis nagpapahinga? Hindi gumigimik at...at...."

"At nakikipaglandian sa ibang boys!" Tuloy niya sa sinasabi ko. "Maupo ka nga muna. Parang umiikot yung mundo ko kakalakad mo jan eh."

"Exactly!" Naupo ako sa may couch sa tapat ng hinihigaan niyang kama. "Kaya bakit siya nakayakap doon sa lalaki? Alam ko kung gaano niya kamahal si Alexander. Kaya nga ginawa niya ang lahat noon para lang mapaalis ako sa mansyon nila eh."

"Bakit hindi mo sabihin doon sa Alexander na yun?" Suggestion niya.

"Alam mo? Naisip ko na rin yan pero wala akong pruweba. Saka isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan ako ni Alexander kung sakali man."

"Noreen, diba sabi mo nagconfess sayo yung Alexander at sinabing mahal ka din daw niya? What if totoo yun? Tapos kapag sinabi mo sa kanya yung totoo na nakita mo yung buntis niyang fiancé sa bar ay baka sakaling paniwalaan ka niya!" Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sinabi ni Keisha. May point siya doon eh. Pero paano naman kung kabaliktaran ng mga naiisip niya ang lahat? Edi mapapahiya na naman ako and worst baka itaboy niya lang ako.

"Hays! Hindi ko na alam ang gagawin ko Keisha."

Tumayo si Keisha sa kama niya saka kumuha ng baso ng tubig at binigay sakin. "Mahal mo pa rin ba si Alexander?"

Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig. Ano nga ba? "H-Hindi na. Kase galit ang nararamdaman ko sa kanya."

Napailing si Keisha sa mga sinasabi ko.

"Talaga Noreen? Bakit concern ka? Bakit may gumugulo jan sa isip mo tungkol doon sa nakita mo kagabi? Bakit nagdadalawang isip ka kung sasabihin mo o hindi? Isa lang ang ibig sabihin niyan, mahal na mahal mo talaga yung Alexander na yon kaya ka nagkakaganyan. Gaano ba kagwapo yan para mabaliw ka ng ganyan? Kase kung hindi mo nga siya mahal, edi sana nananahimik ka ngayon at hindi nalilito."

Tama si Keisha. Pero concern lang naman ako kay Alexander. Ayoko namang lokohin lang siya ng mapapangasawa niya. Feeling ko kase nagsisinungaling lang talaga si Vanessa na mahal niya si Alexander.

"Sasabihin ko na lang ang mga nakita ko. Sana lang maniwala sakin si Alexander."

"Noreen, kung wag mo na lang kaya sabihin? Parang ako kinakabahan sayo eh."

"Keisha naman. Kanina hinihikayat mo ako, tapos ngayon pinipigilan mo ako?"

"Eh kase, wala ka namang evidence kaya baka di ka rin niya paniwalaan."

Tama nga si Keisha. Wala akong ebidensya pero sigurado naman ako sa nakita ko eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Tinakbuhan niya pa nga ako eh!








Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon