Chapter 3: What made her accept the offer

1.7K 26 3
                                    




Everleigh Noreen's PoV

"Hindi na kami naghahire eh." Pagkasarado ng gate ng babae ay umalis na rin ako.

Nakapitong bahay na ata ako pero ni isa wala pang tumatanggap sakin kahit kasambahay lang. Maging mga fastfood chain at restaurants ay di man lang ako natatanggap kahit dishwasher lang.

Ayaw ba nila ng masipag? Hays!

Maga-alas dos na ng hapon.
Kumakalam na yung sikmura ko. Hindi muna ako pumasok para maghanap ng trabaho, hahabol na lang ako sa mga lectures. One week lang ang binigay saking palugit ng adviser ko para makapagbayad ng toga. Kung hindi, hindi ako makaka-graduate.

Kung kelan namang malapit ko nang maabot ang pangarap ko saka naman ako sinusubok. Diko na alam kung anong gagawin ko. Nawawalan nako ng pag-asa.

"Uy! Noreen!" Napalingon ako sa likod nang makarinig nang tumatawag sa pangalan ko. Si Aeron. Yung bestfriend yata ni Alexander, nakauniform pa siya. Nilapitan niya ako saka may inabot na paperbag na maliit. "Buti naman nakita kita."

"Bakit?" Pagtataka ko. Hindi naman kami close ni Aeron eh.

"Pinapabigay kase sakin to ni Lex. Ibigay ko daw sayo. Buti napadaan ka dito?"

"Ah oo. Ano ba 'to?" Tanong ko habang binubuksan yung laman ng paperbag. "Cellphone?" Gulat kong saad.

"Oo. Para daw macontact ka niya kapag kelangan ka niya. Bat nga pala dika pumasok?" Pagtatanong niya.

"Kailangan ko kasing maghanap ng trabaho, para may maipambayad sa toga. Baka may alam ka jan?" Pagbabakasakali ko habang nagkakamot ng ulo. Nakakahiya naman yung sinabi ko!

"Meron sana kaso, kelangan college graduate eh. Pasensya na." Napakamot din siya ng ulo.

"Ah ganon ba. Sige hayaan mo na." Ngiti ko. "Ay teka, ibalik mo na to kay Alexander. Wag na kamo. Bibili na lang ako kapag nakaluwag-luwag." Inabot ko uli yung paperbag baka kase mamaya may kapalit ito eh.

"Hindi na. Magagalit sakin yon eh." Sabi niya saka tumingin sa phone niya. "Sagutin ko lang 'to." Tumango na lang ako saka siya lumayo ng konti para sagutin yung tawag.

Kung tatanggapin ko to, di rin naman ako marunong gumamit kaya wag na lang saka baka kung ano na namang kapalit ang sabihin niya.

"Noreen, una nako ah. Ingat ka." Sumakay na siya sa kotse niya na nakaparada di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Ay! Aeron saglit!" Sinubukan ko siyang habulin para ibalik yung phone nang bigla itong magring na kinagulat ko.

Agad kong binuksan yung karton at kinuha yung phone.

Pinindot ko naman yung answer kahit diko alam kung pano to gamitin.

[where are you?] Si Alexander pala. [pumunta ka dito. Now!] bigla niyang binaba yung phone.

Hala! Parang galit siya ah. Ano kayang problema non?

Pagdating ko don ay walang tao sa malaki nilang bahay. Magsisimula na sana akong maglinis linis nang mag-vibrate naman yung phone.

From: Alexander
-Im here at my room. 2nd floor. I have something to tell you.

Pagkabasa ko non ay umakyat na agad ako sa second floor nila. Inisa-isa ko pang buksan yung mga pinto ng bawat kwarto. Malay ko ba kung saang kwarto siya diba, ang dami kayang kwarto dito. Pagbukas ko ng huling kwarto ay nandon siya at nakahiga.

Namangha naman ako sa lawak ng kwarto niya. Mas malaki pa ito sa buong bahay namin eh. May malaking higaan tapos nakatapat doon yung flatscreen na tv. May sarili din siyang desktop at cr. May study table at parang may couch pa at table sa gitna.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon