Chapter 11: Got Caught

1.3K 15 1
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Dahil sa katangahang naisip ni Alexander ay nanatili akong nakatayo dito sa closet at hindi gumagalaw. Sobrang ngalay na ngalay na ako pero syempre hindi ko parin napigilang kumurap.

Pagbabayaran mo to Alexander! Ngawit na ngawit na ako rito oh!

"I'll just fix and clean her." Turo sakin ni Alexander.

"Sure. Pero bakit naka-nighties yung robot mo?" Tanong ng lalaki saka ngumisi.

"Don't ask too much."

"Okay fine."

Parang kakambal ni Alexander tong lalaki. Kung di lang dahil sa dimples nitong lalaki na to, baka napagkamalan ko siyang si Alexander.

Wala naman siyang nababangit na may kakambal siya eh.

"I think your robot won't mind if I'll be naked infront of her."

Teka, ano daw?

Biglang nanlaki yung mata ko nang biglang tinanggal ng lalaki yung towel na nakatakip sa ibabang parte ng katawan niya.

Shanggala! Kitang-kita ng dalawang mata ko yung...yung brief niya. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon. Nakakailang kaya! At talagang naniwala siyang robot lang ako ah?!

Talagang pagbabayaran mo to, Alexander!

Parang lalo akong pinagpawisan sa view na nakita ko ah! Base sa tantsa ko, parang mas mahaba pa rin yung kay Alexander kesa sa lalaking toh.

Engot! Ang bastos mo Noreen! Kala mo nakita mo yung loob eh. Anong pinagsasabi mo?!

Kitang-kita ko si Alexander na napapakamot na lang ng ulo niya. Kasalanan niya to!

"Let's go?" Tanong niya kay Alexander nung nakapagpalit na siya ng damit. "Luto na yata yung breakfast natin." Tumango lang si Alexander saka binaling yung atensyon sakin. Nilapitan niya ako saka sumenyas na para bang sinasabi niyang "stay here". Isasara na sana niya yung closet nang pigilan siya nitong lalaki.

"I told you that we should introduce your toy to mom." Sabat pa ng lalaki. Halatang naiinis na si Alexander sa lalaking to.

At teka! Toy talaga ah?

"She needs to change clothes."

Napatango na lang yung lalaki saka ito lumabas. Sinarado naman ni Alexander yung pinto saka naghalungkat ng damit sa closet na pinagtataguan ko.

"Sino yon?" Pabulong kong tanong saka ako lumabas ng closet. Pawis na pawis pa ang noo ko kaya pinunasan ko na rin.

"That's my twin brother, Nicollo." Sabi niya habang busy sa paghahanap ng damit.

Ahh kaya pala magkamukha sila at parehang may pagka— alam niyo na.

"Hoy! Anong robot ka jan? Mukha ba akong robot ha?! Kala mo ba maniniwala sila sayo?" Pabulong ko ulit na sumbat sa kanya.

"Wala na akong maisip na alibi. You should act like a robot dahil hindi ka pwedeng magtago sa closet ko forever, besides nakita kana ni Nico. Pero act normal pa rin, kasi kunyari robot ka na may human feature." Pabulong din niyang sabi.

Dapat pala umalis muna ako eh. Nalagay pa tuloy ako sa alanganin! Kokotongan talaga kita Alexander!

"Ano bang hinahanap mo jan?" Pagtatanong ko dahil naghahalungkat pa din siya sa loob ng closet.

"Dress. You should wear a dress, para magmukha kang doll na robot."

"Doll na robot? Ano yon?"

"Basta! Don't ask too much!Napapanood ko lang yon." Iritableng sigaw niya.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon