Chapter 55

698 6 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Walang engagement party na magaganap!" Sigaw ng mommy ni Alexander.

Hinawakan ko yung braso ni Alexander kaya napatingin siya sakin. "Love, wag na lang kase. Okay lang naman kahit wala eh." Alinlangan kong sabi sa kanya.

Plan kase ni Alexander na magkaroon kami ng engagement party dahil mukhang mapapaaga ang kasal namin dahil sa baby namin.

Ang kaso lang tutol ang mommy niya.

"Mom naman, gusto ko ngang makilala ng lahat ang mapapangasawa ko eh." Saad ni Alexander.

Nagulat ako nang biglang hampasin ng mommy niya yung table. "Yan ang ayoko! Tandaan mong pinakilala mo na sa relatives at friends naten si Vanessa noong nagkaroon kayo ng engagement party. Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nilang iba na naman ang na-engaged sayo?! Ha?!"

"But mom! Wala akong pake sa sasabihin nila, all I want ay makilala nila si Noreen as my wife." Giit ni Alexander. Pinaningkitan kami ng mata ng mommy niya.

"No! Hindi pwede! At ang kasal niyo? Gusto kong maging private wedding lang ito! I'm done here Alexander." Umalis na yung mommy saka dumiretso sa taas. Naiwan kami dito ni Alexander na problemado, nakahawak siya sa sentido niya.

"Love? Hayaan mo na. Sundin na lang natin ang mommy mo, may point din naman kase siya eh at saka okay lang sakin ang secret wedding. Kahit hindi magarbo basta mairaos lang." Napailing siya sa sinabi ko.

"But I want to give you the best, gusto ko ring ipakilala ka sa lahat. Gusto kong maging special yung kasal naten."

Niyakap ko na lang siya. Sa totoo lang wala naman talaga kaming magagawa kung ayaw ng mommy niya sa mga plano ni Alexander eh.

Kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko at nagsusuka na naman ako. Hindi muna ako pumasok ngayon dahil parang tinatamad akong kumilos.

Tumawag ako sa intercom para magpadala ng gatas, strawberry at mangga. Mukhang masarap kasi yun na agahan eh.

This past few days ay nahihilig ako sa mga weird food combinations, lalo na yung hilaw na mangga na sinasawsaw sa gatas o kaya naman strawberry na dinip sa milk.

Ewan ko ba. Basta yan ang mga pagkaing di pwedeng hindi ko matikman sa isang araw.

"Hi baby, Breakfast in bed." Nagulat ako dahil si Alexander yung nagdala ng pagkain ko sa kwarto. May hawak siyang tray at nilapag yun sa table.

"Love? Bakit dika pumasok?" Takang tanong ko.

"I want to be with you for the whole day." Nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa tray dahil sa kakaiba kong naamoy. "Love, alisin mo yang kape. Di naman ako humingi niyan." Feeling ko babaliktad yung sikmura ko dahil sa amoy ng kape. Agad naman niyang nilabas yun.

Pagbalik niya ay niyaya ko na siyang kumain. Heavy meal siya kada umaga dahil dun siya sanay, ako naman minsan pandesal lang bago pumasok.

Habang kumakain siya ay napapatingin ako sa bawat sinusubo niya.

"Hmm? Why baby?"

Napalunok ako saka nagsalita. "Gusto ko rin niyan Love. Hehe!" He smile at me saka siya tumayo. "Saan ka?" I asked.

"Kukuhanan kita ng fried rice, bacon and luncheon meat para makakain ka din baby."

Napailing ako sa sinabi niya saka ko tinuro yung plate niya. "Pero gusto kong kumain tayo sa iisang plato love, okay lang ba?" Alinlangan kong sabi. Shemay! Ano ba namang pinagsasabi ko? Pero kase, gusto ko talagang ka-share siya sa iisang plato eh. Wala lang, ewan ko ba.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon