Chapter 17: Long Time No See

1K 14 0
                                    

A/N: Hi readers! :) Gusto kong ipakilala sa inyo ang bumubuo ng Swentlemens. 

Burn McNard (Nard)
Aeron Paul (Aeron)
Nevelle Alexander (Lex)
Joniel Joseph (Nell, Joniel)
Kevin Carlos (Kevin, Kevs)
Fernan Arthur Nicolas (Fernan)

:although hindi sila masyadong nababanggit ay ipapakilala ko pa rin sila.

Happy Reading babies :)




Everleigh Noreen's PoV

Mag-aalas kwatro na ng umaga nang makabalik ako sa mansyon nila Alexander. Nakatulog na ako kagabi sa ganoong posisyon, puno ng lungkot at kung ano-ano bagay ang pumasok sa isip ko, nagising na lang ako na naka-kumot at wala na si Alexander. Nalaman ko rin na binayaran niya na yung bill sa hotel at iniwanan pa ako ng 10k na nagkalat sa hinihigaan ko.

"You useless slut!"

Paulit-ulit ko itong naririnig magmula pa kanina. Pilit kong inaalis pero tila pinapakain ng salitang iyon kung ano ang talagang silbi ko kay Alexander.

"Bakit ngayon ka lang?" Nasalubong ko si Nicollo na pababa ng hagdan. "Diba, kanina pang 9 pm ang out mo?" Tanong niya sakin.

"May pinuntahan lang ako." Hanggang ngayon ay naiilang pa rin akong kausapin siya dala ng mga nangyari noong nakaraang araw.

Didiretso na sana ako sa pag-akyat nang hawakan niya yung kamay ko at tinitigan ako ng seryoso.

"Sorry sa mga inasal ko sayo. Di na yon mauulit. Isa pa, wala kang dapat ipag-alala about sa contract thingy niyo ng kapatid ko. Your secret is safe with me." Sabi niya saka ngumiti.

Mukha naman siyang sincere sa apology niya.

"Thank you." Sabi ko na lang saka yumuko. "Si Alexander ba? Anjan na?" Nag-aalinlangan ko pang tanong.

"Yeah. He's drunk kaya baka di siya papasok mamaya."

"Lasing?" Tumango lang siya saka dumiretso na pababa.

"One more thing, his room is locked." Paalala niya pa. Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Hindi naman ako pinagsasaraduhan ng pinto non eh.

Dumiretso ako sa room ni Alexander at paghawak ko ng door knob ay naka-lock nga. Ewan ko ba kung anong masamang kaluluwa ang sumapi sakin para hindi pakinggan yung sinabi ni Nicollo.

Gusto ko kasing kausapin si Alexander at tanungin kung anong problema at nagalit siya kagabi. Para naman makahingi ako sa kanya ng pasensya sa kung ano mang nagawa ko.

Kumatok ako ng ilang beses pero hindi niya binuksan yung pinto. Napagdesisyunan kong ilapit yung tenga ko sa pinto para alamin kung may tao nga o wala, naririnig ko yung mahinang music mula sa loob. So it means, na nasa loob si Alexander pero diko lang sure kung gising.

"Alexander?" Mahina kong saad. Kumatok pa ako ng ilang beses bago ko narinig yung mga yabag niyang papalapit sa pinto.

Natuwa ako nang pagbuksan niya ako ng pintuan pero nawala yung saya ko nang mapansin kong iba ang mood niya.

"Leave!"

Sigaw niya sakin, amoy na amoy ko yung hininga niyang amoy alak saka malakas na sinara yung pinto. Halos manginig ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan iyon.

Ano yun? Anong nangyari sa kanya? Ano bang nagawa ko?

Dumiretso ako sa guest room na tinutuluyan ko. Agad akong nagsara ng pinto at sumubsob sa kama.

Hindi talaga maalis sa isip ko yung ginawa ni Alexander kanina sakin. Usually kase kapag didiretso ako sa kwarto niya na madalas ko namang gawin dahil andon yung mga gamit ko ay binubukas niya agad yung pinto saka ako papasadahan ng tingin at papapasukin.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon