Chapter 46: Flashdrive

759 5 0
                                    

Nevelle Alexander's PoV

"Thank you sir!" Paalam sakin ng hinire ko na private investigator. Tumango lang ako saka siya umalis. Tinago ko na sa loob ng cabinet ko yung brown envelope na naglalaman ng lahat ng katotohanan.

In-explain na sakin ng private investigator ko lahat ng nalaman niya at lahat ng nahalungkat niya tungkol kay Vanessa.

Ang weird lang kase hindi man lang ako nakaramdam ng sobra-sobrang galit. I mean, oo galit ako dahil sa pagsisinungaling niya pero, ewan ko ba. Parang kulang pa yung mga nalaman ko para magalit ng todo.

Napag-alaman ko lang naman na hindi pala buntis ang fiancée ko. Tama nga si Noreen. Si Vanessa ang mastermind sa pagkawala niya noon. Sabi naman ng private investigator ko na selos daw ang nakikita niyang dahilan para gawin niya yun kay Noreen. I didn't know that she was that damn desperate.

Bakit pa siya magseselos eh, siya naman ang gusto ni mom na pakasalan ko.

Ay teka! Tignan lang natin kung matutuwa pa si mommy sa ginawa ni Vanessa na pagpapanggap.

Minamadali pa nila akong pakasalan yun, little did they know that the angel they've always wanted had grown a horn and a tail. Lalo lang siyang lumala. Hindi ko na makita sa kanya yung Vanessa na minahal ko noon. 

Nakarinig ako ng katok mula sa labas.

Hinayaan ko na lang yung maid na magbukas ng pinto. Kung si mommy yan, edi good timing siya. Malalaman na rin niya lahat ng baho ng paborito at ng kinakampihan niya.

"Sir nandito po si Sir Nico." Tawag sakin ng maid. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman talaga siya ini-expect.

Pagtalikod ko ay kakapasok lang ni Nicollo, pero agad akong napatayo nang makita ko kung sinong kasama niya. It was Noreen.

"Bro, sorry. Pinipilit kasi ako ni Noreen na samahan ko siya dito." Sabi ni Nico na pakamot-kamot pa ng ulo niya. Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya. 

I was staying here in Laguna, sa biniling bahay nila mommy na gagawin na lang sigurong vacation house. May inaasikaso din kase ako ditong mga papers. Saka ayokong malaman ni mommy na kumuha ako ng private investigator para kay Vanessa, malalagot ako dun. Isa pa, gusto ko munang lumayo para masanay akong hindi nakakasama o nakikita si Noreen. Although, hindi naman talaga kami nagkikita sa bahay o kaya sa office pero ramdam ko kasi ang presensya niya. Yung tipong nasakanayan ko ng andyan lang siya kahit wala.

But there she is, standing infront of me.

"Alexander, sorry kung pinilit ko si Nicollo na samahan ako dito. May gusto ako sayong ipakita." Sabi ni Noreen.

"I think I need to go." Sambit ni Nico. "And Noreen, tawagan mo na lang ako if you need a ride."

"Thank you Nicollo." Sabi lang Noreen saka umalis si Nicollo.

"What makes you go here?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin saka siya may hinalungkat sa shoulder bag niya. Pinakita niya sakin yung flash drive na kinuha niya sa bag niya.

"Alam kong sinabi mo sakin na wag na tayong magkita, pero may dapat ka pa palang malaman. Ito, nakita ko ito sa kwarto ni Vanessa noon." She handed me the flashdrive.

"What's that for? Importante ba 'to at napasugod ka pa dito?" I asked.

"Hindi 'to importante sakin, pero baka sayo oo." Seryoso niyang saad habang inaabot sakin yung flashdrive.

Inabot ko yung kamay niya instead of the flashdrive. I hold it tight.

"Okay, let's see what you've got." Niyaya ko siya sa bedroom ko saka sinara yung pinto. Kinuha ko yung laptop ko saka sinalpak yung flash drive na dala niya.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon