Chapter 26: Burst Out

899 8 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

First day ko dito sa kumpanya nila Aeron. Ilang weeks ko ding inayos lahat ng mga papeles ko sa restaurant nila Alexander dahil nakikipag-matigasan pa sakin yung nanay niya. Ayaw ba namang ibigay yung iba kong mga dokumento? Eh siya nga tong tinanggal ako sa trabaho eh. Kaya naman masaya akong makakapagsimula na ako sa trabaho.

Dalawang magkaibang kompanya ang tumawag sakin mula sa inapplyan kong online job. Pero lahat yun pina-cancel na ni Aeron. Wag na daw akong makulit at pakinggan ko na lang daw siya.

Willing naman akong magtrabaho dito, pabor pa nga sakin kase di na ako mahihirapan, kaso lang baka kase isipin ng ibang nakakakilala samin na gold-digger ako kaya ginagamit ko lang si Aeron. Basta mga ganon ganon.

"Good morning Noreen. You look so beautiful." Napatingin ako sa pinto kung saan galing si Aeron. Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko sa pagpuri niya. Sinuot ko kase yung binigay niyang backless plain fitted na pink dress. Partner non yung stilettos ko at black na suit. Ayoko pa ngang tanggapin noong una pero pinilit niya ako. Thank you gift niya daw dahil tinanggap ko yung offer niya. Di naman kailangan ng mga ganito eh, ako pa nga dapat ang magpasalamat sa kanya.

Nakakalaglag-panga din ang kagwapuhan niya! Nakasuot siya ng formal. Black suit, white long sleeves and tie. Lakas ng din ng dating nito ni Aeron eh. Ang gwapo!

"Good morning sir Aeron." Bati ko saka ngumiti.

"Sir? Aeron na lang. Mas komportableng pakinggan."

"Huh? Pero ikaw ang boss ko." Tanggi ko.

"No. I mean, don't be formal kasi naiilang ako." Napakamot siya ng ulo. Tumango lang ako saka siya naupo sa tapat ng table niya. Andito kase ako sa office niya dito sa kompanya nila. Nung nakaraang linggo, tinrain na niya ako kaya medyo alam ko na rin ang mga gagawin ko pati na rin ang mga pasikot-sikot sa kumpanyang ito.

"Noreen, yung pinapagawa ko sayo? Pakilagay mo na lang sa flash drive para naman organize tignan kapag ipapasa ko kila daddy."

"Sige. Walang problema." Sabi ko saka sinimulan ko narin ang trabaho ko. Yung sinasabi niya sakin? Yun yung mga files at documents na pinagawa niya sakin which is inumpisahan ko na last week, na ipapasa niya yata sa daddy niya.

Pagtapos ko sa mga gawain ko ay nag-out nako. Pupunta muna ako sa mansyon nila Alexander. Naiwan ko kase yung flash drive ko sa kwarto na tinutulugan ko. Kesa naman bumili ako ng bago. Saka may mga files din ako doon.

Maaga pa naman. Pag gantong oras wala pa doon yung mommy nila saka si Alexander. Ayoko muna siyang makasalubong o makita. Mabigat ang loob ko sa kanya. Nasa isip ko pa rin yung mga nasabi niya sakin eh.

Wala na rin akong naging balita sa kanya. Maigi yun dahil atleast nagkakalimutan na kami. Pati yung nararamdaman ko sa kanya? Siguro iwawaksi ko na rin kahit paunti-unti. Alam ko namang hindi kami para sa isat-isa. Asa naman ako!

Inabot ko na yung bayad sa taxi driver saka bumaba sa tapat ng mansyon ng mga Chavez. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hays! Bat ko ba to nararamdaman?! Pinindot ko na yung door bell at agad din akong pinapasok dahil kilala naman ako ng guards at mga katulong nila. Buti na lang hindi ako na-ban dito. Ilang araw na rin mula noong umalis ako sa malaking mansyon na'to.

Dumiretso ako sa taas sa tinutulugan kong kwarto noon. Pagbukas ko ay may mga kalat. Sa tingin ko mga gamit ito ni Vanessa. Good thing at wala siya. Binuksan ko na yung mini drawer kung saan ko iniwan yung flash drive ko noon. May mga laman na ito, mga brassieres ni Vanessa. Maingat ko itong hinalungkat. Masama kung tinapon na niya yung flash drive ko.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon