Chapter 6: Restaurant

1.5K 18 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Sige po, salamat." Paalam ko sa landlady bago siya umalis.

Nakabili ako ng maliit na apartment mula sa 20,000 pesos na perang binayad sakin ni Alexander. Nakadalawa daw kami eh, kaya 20k. Idi-discharge na mamaya si Mich kaya naghanap na agad ako ng matutuluyan nila. Sabi ng landlady ay makakalipat na kami dito mamaya.

Maganda naman tong nakuha ko eh kahit maliit. May mga furnitures narin. May isang kwarto, banyo, kusina at sala, saka maluwag na veranda. Saka isa pa, sa tapat lang to ng pinag-aaralan ni Mich kaya kinuha ko na rin.

Pinuntahan ko na sila nanay at Michelle. Pagdating doon ay nagbibihis na si Mich. "ate!" Sinalubong niya ako ng yakap na sinuklian ko din.

"Nay, dala niyo na ba yung mga gamit niyo?" Tanong ko kay nanay.

"Oo. Sinabihan ko na rin yung tatay mo kung san siya didiretso mamaya pag-uwi niya."

"Pumapasok pa po pala siya? Eh sinong nagbabantay ng gamit?" Tanong ko. Ang tinutukoy niya ay ang asawa niya. Hindi ko naman tinuturing na ama yun pero kelangan.

"Ngayon lang siya bumalik. Saka, mga damit lang yung nasalba doon, sino namang magkakainterest sa mga lumang damit aber?" Napailing na lang ako saka niyaya na silang lumabas. Pagtapos kong bayaran yung hospital bill ay dumiretso na kami sa apartment saka tinulungan ko si nanay na mag-ayos ng damit.

"Nay, bumili kayo ng mga school supplies. Pwede kayong magbenta dito, nagpaalam nako sa landlady at siya na yung aasikaso ng permit niyo." Inabot ko kay nanay yung limang libo na pangbili niya para makapag-simula na siya bukas.

"Dito ka din ba titira?" Tanong niya.

"Ah, hindi nay. Magpapadala na lang po ako dito. O kaya bibisita kapag may oras." Sabi ko. Gusto rin kase ni Alexander na dun na daw ako tumira sa mansyon niya. "Aalis nako nay." Nararamdaman kong nagbavibrate na yung phone ko. Matic na yon na may kelangan siya.

Dumiretso ako sa isang mamahaling restaurant gaya ng text niya. Naabutan ko siyang umoorder. "Alexander!" Tawag ko sa kanya. Nakasuot siya ng jacket at naka-white shirt.

"Hey! Sit here beside me. Naka-order nako." Sinunod ko yung sinabi niya. Nagpalinga linga ako sa paligid. Ang daming taong kumakain, mga mayayaman din sila tulad ni Alexander for sure. Buti na lang at pinagpalit niya ako ng dress. Bago ako pumunta dito ay dumaan muna ako sa boutique at bumili ng maroon na bestida tulad ng utos niya. "You look gorgeous, Noreen." Sabi niya saka ngumiti.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba siya ganyan? Nararamdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko sa sobrang kilig. Teka, kilig nga ba itong nararamdaman ko?

Maya-maya pa habang naghihintay ng order ay nararamdaman kong unti-unting gumagala ang kamay niya sa pagitan ng mga binti ko. "Alexander..." Sita ko sa kanya. Baka mamaya may makakita pa samin.

"Umusog ka sa tabi ko." Ginawa ko naman yung sinabi niya. Halos magkadikit na yung mga upuan namin. Saka may kinuha siya sa bulsa niya. Sa ilalim ng mesa ay ginala niya ulit yung kamay niya sa pagitan ng binti ko. Buti na lang at may mahabang table cloth yung mesa. Unti-unti niyang itinataas yung suot kong dress saka iniligay sa loob ng underwear ko yung hawak-hawak niya.

"Thank you for waiting. Here's your order ma'am, sir!" Tinapik ko agad yung kamay niya ng dumating yung waiter at agad din niyang inalis. Inayos ko yung suot ko. Hindi ko alam kung ano yung nilagay niya sa loob ko, pero para tong bilog na ewan.

Pag-alis ng waiter ay itatanong ko sana kung ano yung nilagay niya, pero nagulat ako ng bigla itong magvibrate ng tuloy-tuloy sa loob ko. Napaigtad ako, kaya nausog yung upuan at nagtinginan yung ibang costumer. Shit! Ano to?

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon