Everleigh Noreen's PoV
Nandito ako sa may coffee shop. Guess why?
Hinihintay ko lang naman si Alexander. Oo! Tinawagan ko siya nung nakaraang gabi na magkita kami dahil may gusto akong sabihin sa kanya.
Tuwang-tuwa nga ako dahil pumayag siya eh. Ewan ko ba! Si Keisha nainis sakin dahil para daw akong naghahabol kay Alexander, pero at the end, sinuportahan niya rin naman ako.
Kung siya ba naman kase nasa kalagayan ko diba? Tignan lang natin kung hindi siya mabagabag ng konsensya. Gabi-gabi akong di makatulog! Knowing na kasama ng pinakamamahal kong lalaki ay isang fake!
Hindi ko alam kung bakit ko narinig ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung pagkakataon lang ba yon. Pero sigurado akong may dahilan ang lahat kung bakit ko nalaman ang maitim na plano ni Vanessa.
"Noreen." Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko na matagal ko nang hindi nararamdaman. Paglingon ko sa likod ay bumungad sakin ang gwapong mukha ni Alexander...kasama si Vanessa.
"Hope you don't mind my fiancé bringing me here with your little chit chat." Nakangiting sabi ni Vanessa saka sila naupo. Fiancé your face! Napaka-plastic!
Bakit ba kase sinama yan ni Alexander eh! Paano ko masasabi yung mga nalalaman ko?!
"So, what's up Noreen?" Sabi ni Alexander na kakatapos lang umorder ng coffee.
"Uhm...meron sana akong sasabihin sayo..." Diko alam kung masasabi ko ba ito sa kanya ngayong nandito si Vanessa.
"Ano naman yon?" Sabat ni Vanessa. Gusto ko sanang kunin yung cellphone ko tapos pasakan ko yung bibig ni Vanessa ng mga kasinungalingan niya eh!
"Alone." Dugtong ko.
"You can't talk to my fiancé alone. Malay natin baka mamaya kung ano pang sabihin mo sa kanya para ma-brain wash ang soon-to-be husband ko."
Magsasalita pa lang sana ako kaso dumating yung waiter at nilapag yung order nilang dalawang black coffee.
"Funny Vanessa. Hindi ikaw ang inimbita ko dito." Napatingin ako kay Alexander na mukhang di-mapakali. Wag siyang mag-alala dahil di naman ako naghahanap ng away. Unless simulan ni Vanessa.
Inirapan lang ako ni Vanessa saka ininom yung coffee niya. "Bakit hindi mo masabi kay Lex yung mga sasabihin mo?" Tumawa siya ng mahina. "I knew it! Baka naman magmamakaawa ka na ikaw na lang ang pakasalan ng fiancé ko instead of me."
"Talaga? How can you be so sure?" Tinignan ko yung tiyan niyang malaki na. Kung hindi ko lang nalaman yung kapekean niya ay malamang maniniwala ako jan sa peke niyang tyan. "Bakit coffee ang order mo instead of milk? Baka naman makasama yan sa BABY." Diniin ko talaga yung salitang baby.
"Pwede ba? Sabihin mo na lang yung mga gusto mong sabihin para maka-alis na kami! Mamaya magmana pa sa panget mong mukha yung magiging baby ko eh!" Nayayamot na sabi ni Vanessa.
"Sana hindi rin siya magmana ng kapangitan ng ugali mo!" Sumbat ko.
"Please! Wag nga kayong gumawa ng eskandalo dito. Mahiya naman kayo. Noreen, kung ano man yung sasabihin mo, spill it." Sabat ni Alexander.
"Nevermind. Ang usapan kase, ikaw lang ang kakausapin ko. Eh sinama mo pa yang Vanessa na yan, which is, hindi ko naman inimbita. Excuse me, I'll go ahead." Kinuha ko na yung bag saka dumiretso sa comfort room para mag-retouch at makaalis na.
Pagbalik ko ay naabutan kong paalis na rin sila Vanessa At Alexander. Hinila ni Vanessa yung braso ko.
"Wag na wag mo nang tatawagan ang fiancé ko lalo na kung hindi naman importante, you're just wasting our time." Mahinahon pero bakas ang galit na sinabi ni Vanessa.
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...
