Vanessa Barquin's PoVKinuha ko yung lighter sa bulsa ko saka sinindihan yung sigarilyong hawak ko. Sakto namang dumating si Aira at hinablot sakin yung sigarilyo.
"Ano ba Aira?!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Tandaan mong buntis ka talaga Vanessa. Hindi yan kunyari lang, nakakasama yan sa baby mo!" Sermon niya.
Inirapan ko lang siya. Andito kami sa bagong condo unit niya. Kasama niya akong nakatira dito dahil wala naman akong mapupuntahan, kaya nga tinigil ko naring yung pananakit sa kanya eh. Baka mamaya itakwil na talaga ako ni Aira, edi natapos ang buhay ko? Minsan na lang siyang umuuwi sa mansyon nila. Saka sasamahan niya lang muna ako dito for now.
"Eh ano naman kung mapasama tong dinadala ko? After all, ayoko sa batang toh! Buti sana kung si Lex ang ama diba?" Kinuha ko ulit yung sigarilyo saka sinindihan yun at hinithit.
"Hayaan mo na, malay mo may maganda ka ring mapala sa pagpapabuntis mo kay Aeron noh." Sabi niya saka hinandaan ako ng makakakain at kinuha yung sigarilyo at pinatay yung sindi. "Kainin mo yan. Wag na ngang matigas ang ulo mo, kung nagmamatigas ka umalis kana lang."
Inirapan ko siya. "Okay!" Sinimulan ko na ring kumain.
Kainis! Di ako makapalag kay Aira ngayon, parang kinakarma tuloy ako. Once na umalis kasi ako dito sa unit niya ay wala na akong mapupuntahan, malamang galit sakin ang nanay ko tapos wala pa akong pera. Eto namang nanay ni Lex, punyeta! Wala pa ring ginagawang kilos hanggang ngayon. Binlock na ako at saka nirereject lahat ng calls ko kay pagtitiisan ko munang alagaan ako nito ni Aira.
Thankful parin ako sa kanya dahil supportive paren siya sakin gaya ng dati.
"Oo nga pala, malapit nang ikasal si Noreen at Lex dahil sa dinadala niya." Napalingon ako kay Aira na nagbibihis.
"Alamin mo kung saan sila ikakasal, guguluhin ko ang maliligayang araw ng mga yan. Baka akala nila, porket di na ako nagpapakita eh tapos na ako sa kanila? Lalo na sa Noreen na yan? Punyeta siya! Gusto kong laslasin ang leeg niya!" Marahas kong tinusok ng tinidor yung karneng nasa plato ko.
"Sa Australia sila ikakasal, doon sa hometown ng lola nila Lex. Doon na rin siguro manganganak si Noreen." Kwento ni Aira.
"Bwisit naman! Saan ako kukuha ng pera para masundan sila sa Australia? Bwisit na Noreen yan! Ako dapat ang pakakasalan ni Lex! Ako! Argh!" Pagmamaktol ko. Shet talaga! Ako dapat ang ikakasal sa kanya, ako dapat ang nanay ng mga anak niya! Argh!
Napahilamos na lang ako ng mukha. Hanggang dito na lang ba ako? Wala na bang igaganda itong buhay ko?! Bwisit!
Lagi na lang pumapabor ang lahat kay Noreen! Hindi naman siya karapat-dapat ah!
"Oh nagmessage si Aeron sayo." Iaabot na sana sakin ni Aira yung phone pero tinanggihan ko.
"Isa pa yang Aeron na yan! Wala rin siyang kwenta! Magsama sila ng kaibigan niya." Mangiyak-ngiyak kong sigaw sa sobrang inis.
"Okay, wala palang kwenta ah. Hmm...Vanessa, papanagutan ko na ang magiging anak natin. Please take care of your self and our baby. With heart emoticon." Napatingin ako kay Aira na binabasa yung message. "Aba! Take care daw oh, ang sweet naman nitong si Aeron. Papabuntis din kaya ako sa kanya, tutal ayaw naman ng iba jan..."
Agad kong hinablot yung phone ko saka binasa yung message ni Aeron.
Sender: Aeron Paul
Vanessa, papanagutan ko na ang magiging anak natin. So please, take care of yourself and our baby <3
![](https://img.wattpad.com/cover/198535022-288-k556748.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
Ficción GeneralWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...