Chapter 42: Let's get Married

866 12 2
                                        

Everleigh Noreen's PoV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Puting paligid at maliwanag na kapaligiran ang tumambad sakin.

Patay na ba ako?

"You're awake."

Isang gwapong lalaki ang nagsalita at tumingin sakin. Binigyan niya ako ng halik sa noo na sanhi ng biglaang pagwawala ng mga alaga ko sa tyan.

"Alexander..."

Sigurado akong siya yon.

"Take a rest Noreen. I'll see you some other time." Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit saka lumapit sa tenga ko. "I love you."

Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay nawala na si Alexander. Pero nandito si nanay at Aeron.

"Noreen? Buti naman at gising kana." Niyakap ako ni nanay. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at nasa hospital pa rin ako.

Pero wala si Alexander.

Panaginip lang pala yon. Akala ko totoo. Pero syempre, bakit siya magaaksaya ng oras para pumunta dito? Mas kelangan siya ni Vanessa.

Teka! Si Vanessa!

"Do you want something?" Tanong sakin ni Aeron.

Umiling lang ako. Wala naman akong ganang kumain dahil kumikirot yung tagiliran ko.

"Noreen, anak, bukas ililipat kana nila sa hospital sa Maynila para mas malapit sa atin. Para narin mabantayan kita araw-araw." Sabi ni nanay.

Tumango lang ako at sinabing gusto ko nang magpahinga muna. Pinikit ko na yung mga mata ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nadidismaya yata ako at nalulungkot dahil wala man lang si Alexander dito.

Hindi ko rin akalain na mabubuhay pa ako sa sitwasyon ko. Hindi ko na nga matandaan kung sinong nagdala sakin dito eh. Hindi ko rin alam kung nahuli na ba yung mga tauhan ni Vanessa.

Basta kapag gumaling nako dito, hahanapin ko ang babaeng yon. Hindi niya pwedeng takasan yung pagpapahirap na ginawa niya sakin.











Vanessa Barquin's PoV

"Tita, may gusto sana akong sabihin sa inyo."

Nandito kami ngayon sa kitchen ng mommy ni Alexander. May gusto kasi akong ipakiusap sa kanya.

"What's that, hija?" Sabi niya habang hinahalo yung niluluto niya.

"I wanna marry Lex, next week."

Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin sakin.

"What's with the rush?" Tanong ng mommy niya na nagtataka.

"Nothing, narealized ko lang kase tita na mas maaga dapat kaming ikasal ni Lex. Iniisip ko lang yung baby, gusto kong ikasal na kami bago ko pa maisilang yung first baby namin ni Lex." I explain.

"Well, you have a point pero ayokong madaliin ang kasal niyo. I want it to be perfect! To be the most memorable moment for the both of you." Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya.

"Kase tita, aalis na ako next week or next month. Gusto kasi ni mommy na doon ako manganak sa Europe, she really miss me."

"Lex, must go with you. Para naman may mag-aalaga sayo habang nagtatravel ka pabalik sa Europe."

Napailing agad ako.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon