Chapter 43: Beat as One

742 10 0
                                    

Loving You Mr. Pervert

Written by Psycho_kween


Chapter 43

Everleigh Noreen's PoV

"Nak! Andito si Alexander!"

Napatingin agad ako sa labas kung tama nga yung sinasabi ni nanay.

Oo nga pala, na discharge nako sa hospital. Ayoko nang magtagal don dahil sobrang boring, pero hindi pa ako nirequired ng doctor na pumasok kaya dito lang muna ako sa bahay. Bukod sa peklat ko ay kumikirot parin yung braso ko at yung tahi ko sa tagiliran. Hindi naman yun ganon kalalim kaya buhay pa ako hanggang ngayon.

Pinapasok na agad ni nanay si Alexander at pinaupo.

"Noreen, aalis muna ako ah. Mamamalengke muna kami ng kumare ko jan." Paalam ni nanay saka ito umalis.

"Good afternoon, Noreen." Bati sakin ni Lex.

"Good afternoon den...uh, gusto mo ng juice? Tubig? Tsaa? Kape?" Alok ko.

"Ah water is enough." Kumuha agad ako ng tubig sa kusina at binigay sa kanya.

"Bakit ka nga pala napadalaw dito?" Tanong ko.

"Gusto ko lang sanang kamustahin ka..."

Gusto ko sanang kiligin o kaya magwala, dahil kahit papano concern pa rin siya sakin. Alam ko namang walang nakakakilig doon pero syempre, babae lang din ako 'no. Pero nanatili lang akong kalmado at kunyare ay di apektado.

"Magaling naman na ako eh, siguro next week papasok na ulit ako."

"Sa kumpanya ka pa rin ba nila Aeron papasok?" Tanong niya.

"Oo, nakakahiya na nga eh. Ang tagal kong nawala pero tinanggap niya parin ako at pinabalik." Kwento ko.

"Syempre mahal ka ni Aeron."

"Huh?" Umiling lang siya. Narinig ka naman yong huli niyang sinabi. Kunware na lang di ko narinig.

"Ahm, Noreen, ano nga palang plano mo tungkol doon sa pagkidnapped sayo?"

"Ah tungkol ba dyan? Napag-isip isip kong kausapin yung mga lalaking nahuli at paaminin sila na ang fiancée mo nga ang nagplano ng lahat ng nangyari sakin." Yung mga lalaking kasabwat ni Vanessa, nasa kulungan na ngayon.

Bahala na kung anong isipin niya. Kahit kampihan niya pa si Vanessa ay di niya mababago na ito talaga ang dahilan ng lahat ng nangyari sakin.

"Kung totoo nga yang sinasabi mo, asahan mong si Vanessa ang kakampihan ko. She can't live in jail with my child."

Ngumiti ako sa kanya. "I know. Hindi naman ako umaasang ako ang kakampihan mo, saka siya lang naman ang maghihirap eh."

"What do you mean?" Takang tanong niya.

This is it. Oras na para malaman ni Alexander ang nalalaman ko. Alam kong wala akong maipapakitang pruweba pero lalabas at lalabas pa rin ang katotohan. Hindi ito para sakin, para kay Alexander ito.

Huminga ako nang malalim saka nagsalita.

"Hindi totoong buntis si Vanessa."

Hindi siya sumagot at umiling lang. Pilit na tinatanggap ang katotohanan.

"Hindi magandang biro yan Noreen."

Napapikit ako ng mata ko.

"Mukha ba akong nagbibiro? Alexander, alam ko ang katotohanan kaya nga ako pinadakip ni Vanessa eh. Dahil natatakot siyang malaman mo ang totoo...na niloloko ka lang niya." Paliwanag ko.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon