Loving You Mr. Pervert
By Psycho_kweenChapter 30
Everleigh Noreen's PoV
"Noreen, pumunta ka ah! Magtatampo ako sayo." Sabi sakin ni Keisha.
"Oo naman. Hehe!" Napakamot ako sa ulo ko.
"Yun! Thanks Noreen! Wear something hot ah! Hahanap tayo ng boys!" Excited niyang bulong saka umalis na.
Hay nako naman!
Hindi ako sigurado kung pupunta ba ako sa birthday party niya. Una sa lahat, wala akong hilig na pumunta sa mga ganyang okasyon, ikalawa, sa isang club/bar gaganapin. Which means, inuman yun. Hay! Bakit ba kase ang hilig pumarty ng mga tao ngayon eh?
After a long tiring day, natapos din ako sa mga gawain ko. Pumasok muna ako sa office ni Aeron para magpaalam. Pagdating doon ay naabutan ko siyang may katawagan sa phone.
"Okay, Lex. You know? Di nako magtataka kung masundan pa yang pinagbubuntis na Vanessa." Tatawa-tawang sabi ni Aeron habang nakatalikod sakin at kausap yata si Lex sa telepono.
Teka?! Pinagbubuntis ni Vanessa?
"Buntis si Vanessa?"
Nagulat si Aeron sa presensya ko kaya binaba niya muna yung tawag at tumingin sakin.
"Ah...Aeron sorry. Diko sinasadyang marinig yung usapan niyo. Pero....pero totoo bang buntis si Vanessa?" Tanong ko. Nako! Sabihin mong ibang Vanessa yan Aeron! Hays!
"Si Vanessa? Yeah, she's pregnant with Alexander's baby kaya nga ni-rarush na ang kasal nila."
Dahil sa sinabi ni Aeron, nagkaroon uli ako ng dahilan para malungkot at lalong mawalan ng pag-asa kay Alexander. Nakakapanlumo naman yung mga narinig ko. Teka? Bakit nga ba ako patuloy na nangangarap na maging kami ni Alexander? Hay nako! Ewan.
"Wow. Congrats naman sa kanila..."
Nilapitan ako ni Aeron saka niya hinawakan ang pisngi ko.
"Common, don't fake it Noreen. Look at you, sorry pero mukha kang miserable na patuloy na naghahabol kay Lex. He's not the right guy for you. Maganda ka, mabait, masipag at matulungin. Bakit hindi mo na lang ituon ang atensyon mo sa ibang tao. Sa taong aalagaan ka at ituturing ka nang higit pa sa mga expectations mo, mamahalin ka ng buong-buo at walang pag-aalinlangan." Niyakap niya ako.
Lalo akong naiiyak sa sinabi niya. Alam kong sarili niya ang tinutukoy niya. Pareho lang kaming uhaw sa atensyon ng mga taong napaka-imposibleng maging amin. Bakit ganon? Bakit kung sino pa yung gusto mo, yun pa yung hindi pwede?
"Mahirap ba akong mahalin, Aeron? Ano bang meron sa Vanessa na yun na hindi nakikita sakin ni Alexander? Ginawa ko naman ang lahat eh." Kahit garalgal na yung boses ko ay naglabas parin ako ng hinanakit kay Aeron. Ang sakit lang kase. "Ako na lang ba dapat yung laging nagdudusa?"
"Shhh...no. Don't say that Noreen." Hinigpitan niya pa yung pagkakayap sakin.
"Sir?...Noreen?..."
Mabilis akong kumalas sa yakap ni Aeron nang biglang pumasok at magsalita si Keisha.
"Ahm...sorry sir Aeron. Ibibigay ko na sana sa inyo ito." Inabot ni Keisha yung clearbook kay Aeron.
![](https://img.wattpad.com/cover/198535022-288-k556748.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...