Chapter 7: Stunned

1.4K 21 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Di mo naman ako kailangang sunduin pa, Aeron." Sabi ko pagkasakay ko ng kotse ni Aeron. Nagdadalawang-isip talaga ako kanina pero sinundo niya pa rin ako dito sa isang coffee shop kung saan ako nakatambay bago pumasok para matapos na yung iba ko pang hindi napapasa na requirements.

Dito lang kasi ako nakaka-wifi eh, basta bibili ka ng kahit na ano sa menu nila. Hassle naman sa mga computer shops kasi maingay talaga at mahirap makapag-concentrate.

"Sabi kase ni Alexander. Saka ayos lang yon." Sabi niya saka bigla niyang nilapit yung katawan niya sakin. Nanlaki yung mata ko. "Safety first, Noreen hehe!" Sabi niya saka kinabit yung seatbelt at nagsimula nang magmaneho.

"Ah! Hahaha!" Tangi kong nasambit dahil sa ilang. "Ay! Oo nga pala, cupcake? Gusto mo?" Alok ko sa kanya nung mga ginawa kong cupcake kagabi na baon ko ngayon sa graduation practice.

"Sure." Inabot ko sa kanya yung cupcake pero tinignan lang niya. "Pwede mo ba akong subuan Noreen? Nagmamaneho kase ako eh."

"Ah, oo naman. Yun lang pala eh." Tinanggal ko na yung papel ng cupcake saka nilapit sa mapula niyang labi na agad din naman niyang sinubo. Ang pula din pala ng labi niya tulad ng kay Alexander. Napapalunok na lang ako habang nakatitig sa labi at sa adams apple niya na nagtataas-baba.

"Uy! Ang sarap ah. San mo nabili? Bibilhan ko rin sana si mama. For sure, masasarapan din yon." Tanong niya.

"Ako lang nag-bake niyan. Kung gusto mo, magbebake ako bukas para sa mama mo."

"Really?" Tumango lang ako. "Sige! Alam mo? Suggestion ko lang ah. Bakit di ka magbenta online?"

"Nako! Baka di pumatok. Hahaha! Pero parang pwede din." Magandang ideya yon ah.

"Imposible! Ang sarap kaya." Napangiti na lang ako. "By the way, Noreen. Kamusta kayo ni Alexander? Grabe ba mga utos niya? Di ka ba sinasaktan nun?"

"Huh? Eh hindi naman." Di naman kase ako sinasaktan non, iba nga ang pinaparamdam nun sakin eh. Aish! Noreen! Stop!

"I'm here. Magsabi ka lang sakin kung sinasaktan ka ng tropa ko, okay?" Tumango ako. Ang bait naman nitong si Aeron. Swerte ng girlfriend niya. Nung una akala ko pare-pareha silang mga hambog eh, iba yata itong si Aeron.

Isa si Aeron sa kalaban ko pagdating sa pataasan ng grado. Matalino din kasi siya kaya lang madalas ay nangongopya lang sa kanya yung mga kaibigan niyang puro pa-gwapo lang ang alam. Hay nako! Sana lahat ng lalaki katulad na lang ni Aeron. Alexander! Hoy! Baka naman. Psh.

Bumaba na kami sa school kung saan magpapractice para sa graduation. Humiwalay agad ako kay Aeron pagdating sa stadium matapos kong magpasalamat. Baka kung ano pang sabihin ng ibang tao, lalo na ng mga kaklase ko.

Dumiretso siya dun sa tabi ng mga tropa niya, nahagip din ng mata ko doon si Alexander na naka-earphone habang nagkukwentuhan naman ang iba pa niyang mga kaibigan.

Parang timang yon. Di naman niya ako kailangang ipasundo eh. Inabala niya pa si Aeron, eh pwede namang siya ang sumundo sakin o kaya kahit maglakad na lang ako.

After ng practice ay binisita ko sila nanay. Nakakatuwa lang na nagsimula na siyang magbenta tulad nga ng sinabi ko. Ang dami agad bumibiling mga estudyante. Hassle lang dito kase masyadong maingay mga estudyante. Nag-iwan din ako ng isang box ng cupcake sa table para sa kanila.

"Nay? Sa tingin niyo ba papatok sa mga estudyante yung mga ganitong cupcake?" Tanong ko kay nanay habang tinutulungan ko siyang magbenta sa ilang mga bata na bumibili ng school supplies.

"Aba! Bakit hindi. Pwede ko ring bentahan yung mga kumare ko jan sa tabi-tabi oh." Natuwa naman ako dahil medyo malapit na rin kami ni nanay. "Oo nga pala, balak ko rin sanang magbenta ng mga meryenda dito."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon