Chapter 22: Leave

879 13 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Who the hell stole my fucking jewelries?!!"

Nasa dulo ng floor na ito yung masters bedroom, kwarto ng parents nila. Rinig na rinig mula doon hanggang dito sa kwarto yung sigaw ng mommy niya.

Agad kaming napalabas ng kwarto at ganun din si Vanessa.

Paglabas ng mommy niya ay galit na galit ito at hawak-hawak niya yung jewelry box na wala nang laman.

"Sinong demonyo ang kumuha ng mga alahas ko?!" Galit na galit nitong tanong samin. Napa-akyat din sila Nicollo at yung daddy niya na galing sa baba.

"What's the matter, hon?" Sabi ng daddy niya habang pinapakalma yung asawa nito.

"Someone stole my jewelries! Nawala lahat ng laman nito!" Binato niya yung box sa sahig na gumawa ng malakas na tunog.

"Hindi mo ba na-misplaced?" Tanong ng asawa niya.

Napahawak lang ito sa sentido at iritableng umiling. "I'm sure it was stolen!"

"Calm down." Sabi ng daddy niya. "Now, sino kumuha ng laman ng box? Andun yung passports namin." Mahinahon na sabi nito habang nakaharap samin.

"Sino?!" Nanggagalaiti na naman sa galit yung mommy niya.

Bigla namang umeksena si Vanessa.
"Tita, calm down. Bakit hindi niyo i-check yung mga gamit namin? Baka isa dito ang kumuha ng mga jewels at passports niyo." Suggestion ni Vanessa saka ako tinignan ng makahulugan.

"Sige na Nicollo, check mo yung mga kwarto." Utos ng dad nila.

Sinimulang i-check ni Nicollo yung kwarto ni Vanessa.

"Oh common! Matagal niyo na akong kakilala tapos sakin pa talaga ang uunahin niyong i-check? Gosh! Do i look like a thief?!" Maarte niyang sabi.

"Mom, you sure na hindi mo namisplaced?" Tanong ni Alexander habang pinapakalma yung mommy niya.

"Misplaced? Nawala lahat?!"

Tinulungan na ng mga maids si Nicollo na maghanap sa kwarto ni Vanessa.

"After dito, i-check niyo na rin yung maids quarter!" Inis na sabi ng mommy niya.

"Mom, wala dito!" Sigaw ni Nicollo saka lumabas. Next naman na chineck nila ay yung kwarto na tinutulugan ko.

Chineck nila yung cabinets saka yung mga bag ko.

"Ma'am, eto po yung passports niyo ni sir."

Nanlaki yung mga mata ko nang lumabas yung isa sa maids mula sa kwartong tinutulugan ko at iabot sa mommy nila yung mga passports.

"Eto yung mga jewelries mo, ma." Nakatingin sakin si Nicollo habang inaabot sa kanya yung mga alahas.

"My gosh! What a thief!" Sabi sakin ni Vanessa habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Agad akong nagsalita at umeksena.
"Hindi ako ang kumuha niyan." Giit ko. Paanong mapupunta yun sa gamit ko, eh ni hindi nga ako pumapasok sa kwarto nila.

"Then who?! Sa mga gamit mo yan nakita obviously!"

Hindi ako magnanakaw! Yan din ang tanong ko. "Hindi po ako ang kumuha niyan!" Tanggol ko sa sarili ko.

"Don't fool us! Look Lex, nagdala ka ng magnanakaw dito sa bahay?! Paano kung inisa-isa niya na pala yung mga gamit natin ha? Ang laki kase ng tiwala mo sa babaeng yan! Eh hindi naman siya parte ng pamilyang 'to!" Sigaw ng mommy niya.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon