Chapter 25: Plan

985 13 0
                                        

Everleigh Noreen's PoV

"Hi Noreen." Bati sakin ni Aeron paggising ko. Binaba niya yung phone niya na sa tingin ko ay nilalaro niya kaninang nahihimbing pako. "How are you?" Tanong niya saka niya ako nilapitan.

"Okay na." Bukod sa masakit pa yung tagiliran at yung arms ko ay okay naman na ako. Good thing at hindi daw ako nagtamo ng head injury sabi sakin ng doctor dahil may possibility na magka-temporary amnesia ako.

"I'm so sorry. Kung alam ko lang na mangyayari sayo iyon, sana pina-stay lang kita kung saan ka man that time. I don't want to see you hurt." Nginitian niya ako at laking gulat ko nang....

Nang halikan niya ako...sa noo.

That was sweet. Hindi ko alam kung anong irereact. Nabigla ako sa ginawa niya. Kahit pa sa noo lang yun.

"Aeron, wala ka namang kasalanan. Wag mong sisihin yung sarili mo..."

"Noreen, alam mo naman kung gaano kita kamahal. Ayokong nakikita kang malungkot at nasasaktan. Now, I want you to tell me kung anong gusto mong sabihin sakin about kay Lex. If you're in a condition, pero hindi kita pipilitin. I'll give you time"

Ewan ko ba kung bakit ganito kabait si Aeron. Pero sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung malaman niya? Na sex slave lang ako?

"Aeron. Wala. I mean yung kanina, wala yun. May nasabi lang sakin si Alexander na kinabigat ng loob ko. Nothing serious." Palusot ko. Alangan namang sabihin ko kay Aeron na , woy Aeron sinabihan akong parausan, maarte at kung ano-ano pa ni Alexander.

Edi nagulat yun kung bat sinabi sakin ni Alexander, mamaya magka-alaman pa dito. Mahirap na. Iniingatan ko lang ang sarili ko mula sa mga mapanakit na bibig ng mga tao sa paligid.

"That bullshit." Mura niya na siyang ikinabahala ko. "I'll punch his face kapag pumunta siya dito!"

Hinawakan ko yung kamay niya. "Aeron...wag. Wag kayong mag-away please. Wala na naman sakin yun eh." Ayoko namang mag-away sila dahil sakin. Sino ba naman ako diba?

"Too late. Galit ako sa kanya dahil muntik ka nang mapaano. I won't let that happen again."

Naku naman! Masama pala talaga siyang magalit.

"Aeron. Wag. Ayokong mag-away kayo dahil sakin. That's too much."

"Sorry...don't worry nagbabanta lang ako. He's still my best friend." Sabi niya saka tinuon ang pansin sa nilalaro niya sa cellphone. "Take a rest." Napatango na lang ako.

Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman kung ganon.

Kamusta kaya si Alexander? Nasan kaya siya?

Napa-iling ako. Bakit ko ba iniisip yung lalaking yon? Pinagsalitaan niya ako ng masama. Dapat hindi ko na siya iniisip tutal naman wala namang pake yun sakin. Sino ba naman ako diba?

Sana hindi na magkrus ang mga landas namin. Hindi ko alam kung anong irereact ko kapag nakita ko siya eh. Kung matutuwa ba ako o magagalit? Naaalala ko kase yung mga sinabi niya sakin. Ang sakit pala kapag galing sa taong mahal mo. Nakakapang-hina ng loob. Para akong namaliit ng paulit-ulit.

"Noreen..."

Napatingin ako kay Aeron na mukhang tapos na sa pinagkakakabalahan niya.

"Hmm?"

"I have an offer for you. Wag mo sanang tanggihan."

Ano kaya yon? Wag ko daw tatanggihan.

"Ano yon?"

"I want you to be my secretary."

Secretary? Trabaho ba ang offer niya? Sobra-sobra na yata yung mga ino-offer ni Aeron ah. Pero trabaho yun eh. Ang hirap tanggihan dahil kelangan ko rin yun. Bukod sa hindi naman ganon kataas ang kinikita sa online business ko ay wala na rin akong trabaho.

"S-Sige..."

"Thank you! Don't worry ite-train naman kita. Gusto kong sa company ka na lang magtrabaho para nakikita kita lagi." Sabi niya saka ngumiti.

Nakakatuwa naman. Salamat talaga at nakilala ko si Aeron. Isa siyang blessing sa buhay ko. Sa kabila ng pag-reject ko sa pag-confess niya, tinrato niya pa rin akong kaibigan. Walang nagbago. Bakit ba hindi na lang kase si Aeron ang minahal ko? Kung pwede lang diktahan ang puso nagawa ko na. Kahit kapalit man lang yun ng mga nagawa niyang kabutihan sakin eh.








Vanessa Barquin's PoV

"Argh! Fuck that bitch!" Sigaw ko saka pinagbabato yung mga pillows. I'm here sa mansyon nila Aira. Sa kwarto niya to be specific.

"Girl, pumunta ka lang ba dito para magkalat?" Sabi niya habang naka-upo sa kama at tinitignan ako. "What happened ba?"

Napairap ako.

"That bitch Noreen! Nakita ko siyang bumaba sa kotse ni Alexander nong isang araw! Hell her! Anong ginagawa niya don?!" Sigaw ko saka binato ulit yung isa pang throw pillow.

"My gosh girl! Syempre mag-jowa sila diba? Normal lang na maghatidan sila."

"Hindi lang yan ang kinakagalit ko! Noreen and Alexander had sex!" Mga hayup!

"What?!" Gulat na sigaw ni Aira. "Paano mo naman nalaman? Nakita mo na ba sila?" Pang-iintriga niya.

"No! Pero may contract sila. Sex-slave si Noreen bitch ni Lex! So that means, si Noreen ang naka-una kay Lex! Hindi ko matanggap! Fuck!" Sigaw ko.

"Really? Paano mo naman nasabi na si Noreen ang nauna? What if may iba pang naka-sex na babae si Lex bago si Noreen?"

"No! That's impossible! Bago ako pumunta ng Europe, nasabi sakin ni Lex na virgin pa siya at pinromise niya na wala siyang ibang makaka-sex kundi ako lang! And then, nalaman ko na lang na si Noreen, that bitch? Nagalaw na. Worst is, ni Lex pa!"

"Arte mo girl! Ikaw nga nagpagalaw dun sa friend ni Lex eh, ano nga name non? Ah! Aeron! Saka doon sa lalaking european kahit walang kayo eh."

Biglang sumama yung tingin ko kay Aira. "Stop that!"

"Okay fine." Natatawa pa niyang sabi.

I remember Aeron. Siya yung friend ni Lex. Yeah! Naka-sex ko na nga yun, that time boyfriend ko pa si Lex. Pero wala namang nakakaalam. And that european guy? Nakilala ko lang yun sa Europe, we did that kapalit ng malaking halaga. Nangangailangan talaga ako ng pera non eh. Pero nakakainis lang kase vinideo niya yung ginagawa namin at until now naka-save pa yun sa usb ko kung san ko tinatago lahat ng kabalbalan ko. Dapat siguro i-delete ko na lahat ng laman non bago pa may makakita. Pati yung footage ng pagsabotahe ko kay Noreen at mga screenshot ng chat namin ni mommy about sa plano naming pagpapakasal ko kay Lex for a money.

Ang totoo kasi niyan nabank-rupt na yung negosyo ni mommy sa Europe kaya kelangan ko daw gumawa ng paraan para masalba yon within this year. At ang tanging alam ko lang na paraan ay ang makipag-balikan kay Lex at makasal sa kanya. In that way, masesave ang negosyo ni mommy at pwede pa itong mag-increase.

May bonus pa, makakasal pa ako sa pinakamamahal kong lalaki, si Lex. At mangyayari lang yun kung wala itong si Noreen asungot! That bitch!

"Natahamik ka jan?" Tanong ni Aira.

Napatingin ako sa kanya saka ngumiti.

"What if...burahin ko sa landas namin si Noreen?" Napangiti ako sa bright idea na pumasok sa isip ko.

"Girl, what do you mean?" Tanong ni Aira. "Ayoko ng mga ganyang ngiti, Vanessa. Wag mo akong idadamay sa mga kalokohan mo."

"Ano pang silbi mo dito kung hindi mo ko tutulungan? Don't worry, ako nang bahala, you'll just help me with the details." Napapangiti ako sa naiisip ko.

"Gosh! Kinakabahan ako sayo. Pero sige, kung mag-eenjoy ako, why not?" Nginitian ko siya. That's right.

"You'll surely enjoy everything, Aira. Makukuha ko in instant ang dapat na para sakin and that bitch Noreen? She'll be gone in our life!"

Loving You Mr. Pervert (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon