Chapter 0 - Oxygen ออกซิเจน

2.6K 57 2
                                    

OXYGEN
Chapter 0

Kung ang magmahal ay katulad na lamang ng aking pag-iral...

.

.

.

Ang hangin at paghinga ay isa sa mga mahahalagang bagay na nakatulong sa mga tao upang mabuhay sa mundong ito.

Ang hangin ay binubuo ng iba't-ibang mga elemento. Oxygen ang pangalawa sa pinakamarami rito, at hindi mabubuhay ang tao kung wala ito.

Sa buhay ko, tila ba'y siya ang "Oxygen".

"Kinakailangan"

...

"Gui, isa ngang baso ng malamig na cocoa, samahan mo na rin ng dalawang sugar cubes."

Nakangiti ako ngayon sa isa sa mga regular na customer ng café sa university habang masaya siyang namimili sa menu.

Pagmamay-ari ang café na ito ni P'Kaew. Matapos siyang makapagtapos ng pag-aaral, nakakita agad siya ng trabahong akma para sa kanya kaya nabawasan ang oras niyang magbantay sa café. Ako naman, kailangan kong kumita ng pera para matustusan ang mga pangangailangan ko, kaya naman nagboluntaryo ako na bantayan ang café para sa kanya. Karamihan sa mga trabaho ko rito, natatapos ko na bago magsara ang café tuwing alas-diyes ng gabi, maliban na lang sa mga panahong nagpapalitan ng shift ang mga empleyado depende sa sitwasyon.

"Bakit ikaw ang nagtratrabaho ngayong hapon? Madalas sa oras na ito, si Nong Khim and nandito." Kinuha ni Mui ang baso ng cocoa at humigop ng kaunti.

"Hindi maganda ang pakiramdam ni Khim kaya pinauwi ko na lang muna siya. Nagkataon namang wala akong gagawin kaya ako na ang nagpresentang pumalit muna para sa kanya..."

Si Khim ay isa sa mga tauhan na isang taon nang nagtratrabaho rito sa café at kapapasok lang niya sa ikalawang taon ng pagkokolehiyo niya. Noong una sabi ni P'Kaew, hindi na siya tatanggapin rito dahil may sapat nang tauhan ang café, pero nang makita ko ang sipag at pagsisikap ni Khim na nagmula pa sa building ng Faculty of Humanities na matatagpuan malayo sa café pero pumunta pa rin dito kahit na sa ganitong init ng panahon para humingi ng trabaho, ako na ang pumilit kay P'Kaew na tanggapin siya.

"Ang bait mo talaga, Gui. Sino kaya ang maswerteng babae, hmmm?" Tumawa si Mui pati na rin ang mga kaibigan niya. Napangiti na lang ako sa kanila kasi hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Siya nga pala, naka-pout ka sa post ngayon. Paniguradong maraming tao ang pupunta rito sa café mamaya." Nagpasalamat ako kay Nun, kaibigan ni Mui. Masaya ako at tumutulong siyang makaakit ng mga customer para pumunta rito.

Kung tatanungin ano'ng page iyon...

"Ay oo, tama! Kapag ipinost mo iyan sa 'Cute Page', malamang maraming pupunta rito saka siguradong matutuwa niyan si Gui."

Ang page na iyon ay para sa mga gwapong mga kalalakihan. May isang beses na akong kinuhaan ng litrato habang nagtratrabaho at nai-post iyon sa page. Hindi talaga kapanipaniwalang sa mga panahong iyon na umabot sa libo-libo ang mga followers ng page, pero agad rin naman iyong tinanggal. Pero kahit na ganon, salamat pa rin sa mga taong kumuha ng mga litrato. Nakatulong iyon para dumami ang customer ng café at kumita pa ng mas malaki.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon