"Teacher, dito po pwede kayong maligo." Itinuro ni Nong Ja ang isang batis na hindi kalayuan sa bahay namin. Mga ilang minutong lakaran lang naman para makarating roon at kahit na tumango ako para sabihing naintindihan ko ang mga sinabi niya, hindi ko pa rin talaga maisip paano kami maliligo rito.
"Dito mismo tayo maliligo?" Tinanong ko si Nong Ja at nang mapasulyap ako sa bunso naming dire-diretso lang papunta sa batis para lumusong, halos mapatakbo ako papunta sa kanya pero mas mabilis sa akin ang lalaking nasa tabi ko. Agad na binuhat ni Solo si Nong Moon saka kumunot ang ulo na para bang gusto niyang pagalitan si Nong Moon. Nang maibaba na sa lupa ni Solo ang bunso namin, mahigpit niyang yinakap ang leeg ni Solo saka pinipigilan ang sarili niyang umiyak.
"Hindi naman po, teacher. Madalas po sa kabilang dulo po kami naliligo. Wala po kasi masyadong naliligo roon."
Tumango at naintindihan ko na ang sinasabi niya kaya hinayaan ko na si Nong Ja na puntahan at makipaglaro na sa mga kaibigan niya. Lumakad na ako palayo sa kanila saka nakita ang husky kong kayakap ang tuta niya. Hindi naman umiiyak si Nong Moon pero namumula ang mga mata niya kaya naman mas lalo siyang naging kaawa-awa. Nakakapit pa rin nang mahigpit ang mga braso niya kay Solo saka tumangging umalis. Pinulot ko ang laruan ni Nong Moon na nahulog sa lupa saka pinagpag ang alikabok na dumikit roon bago ibalik sa kanya.
"Anong problema?"
"Itong batang ito, tumakbo papunta roon sa tubig kaya heto, pinagalitan ko saka nagsimula nang umiyak." Sagot ni Solo sa akin. Karga pa rin niya ang bunso namin at hindi niya hinihimas ang ulo nito. Sa halip ay tinatapik niya ang likod ng bunso namin para gumaan ang loob niya. "Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang umiyak, dapat mag-isa lang siya bago umiyak."
"Wala ka talagang puso." Tinukso ko ang husky ko kaya naman napanganga na lang siya. Nang akmang kukunin ko si Nong Moon sa kanya, lalong gustong sumama ng bunso namin para sa akin na siya magpabuhat pero itong husky ko, lalo ring sumimangot.
"Masyado ka kasing mabait. Kapag nagtagal, maii-spoil na siya."
"Naaawa lang naman ako sa kanya."
Sa tuwing nakikita ko ang mga bata rito, naaalala ko ang mga panahong kailangan kong alagaan ang mga nakababata kong kapatid. Ako kasi ang pinakamatanda kaya ako ang dapat maging mabuting ehemplo sa kanila na tuturuan sila o pipigilan sila kapag may masama silang gagawin. Pero sa tuwing nakikita ko silang umiiyak, agad rin naman akong lalambot saka pagagaanin ang loob nila.
"Bakit kaya ako na naman itong napapagalitan ngayon." Nanggigigil na kinamot ni Solo ang ulo ng bunso namin hanggang sa magtaka na ito. Hindi naman nagsalita ang bunso namin pero tumawa na lang siya na para bang nasisiyahan siya.
"Nong Moon, kaninong bahay ka nakatira ngayon?" Hindi ko pinansin ang pagrereklamo ng husky ko. Sa halip ay tinanong ko si Nong Moon na yakap ang laruan niya.
"Kay Grandma Jit po."
"Nakababatang kapatid ka ba ni Nong Ja?" Tinanong ko siya nang may halong pagkagulat. Nasabi kasi sa akin ni Auntie Jit na apo niya si Nong Ja pero nang pagkumparahin ko ang mga mukha nilang dalawa, medyo magkaiba naman.
"Hindi po." Umiling si Nong Moon. "Sabi po ni Grandma Jit, wala daw po akong magulang rito tulad ng iba, pero aalagaan daw po niya ako para lumaki akong isang mabuting tao."
Sandali akong natahimik hanggang sa napansin na iyon ng lalaking nasa tabi ko. Hinawakan ni Solo ang kamay ko habang buhat pa rin ng isa niyang kamay si Nong Moon. Ang init ng haplos niyang iyon,at hindi ko maitatangging ang sarap noon sa pakiramdam.
Hindi naman ako nalungkot o nabalisa na hindi ko man lang nakilala ang sarili kong mga magulang. Siguro ay dahil sa nasanay na rin ako doon saka namuhay naman ako kasama si Mae Yai. Sa tuwing pinagmamasdan ko na nga lang si Nong Moon, ipinapaalala niya sa akin ang kabataan ko.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomansaThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...