Chapter 10 - ออกซิเจน Oxygen

632 25 1
                                    

Nang kinailangan kong manatili buong Sabado kasama ang may sakit na si Solo, napagtanto ko na... kapag may sakit siya, itong husky na ito, lalong kumukulit at mas matigas ang ulo.

"So, gising na para makakain ka na ng gamot." Ibinaba ko ang tray ng pagkain saka umupo sa tabi ng husky na nakabalot sa kumot na para bang sushi hanggang sa buhok na lang niya ang kita.

"So..." Pangsampung beses ko na siyang tinatawag saka inalog pero wala pa ring nangyari, hindi man lang siya gumalaw kahit kaunti.

"So..."

"Err..." Isang ungol ang lumabas mula sa kumot bago umikot ang taong nasa loob noon.

"So..." Bumuntong-hininga ako saka nakaisip ng plano. "Ayaw mo na bang makipag-usap sa'kin?"

At biglang...

"Hoii!!!" Nagulat ako nang ang husky na tio na kanina lang ay nakabalot sa kumot na parang sushi ay biglang nagtanggal ng kumot saka hinatak ulit ako para mahiga sa kama... Nakayakap ulit siya sa likod ko tulad kagabi.

Ngayong umaga lang, kaaalis ko lang ng mala-octopus niyang kamay...

"So!" Seryoso kong tawag sa kanya, habang sinusubukang alisin ang braso niya pero lalo lang iyong humigpit. "Magagalit ako, sige."

"Guitar..." Umungol siya ng mahina habang niluwagan ang pagkakayakap sa akin. "Sorry na."

Umusog ako saka tumingin kay Solo na mukhang malungkot bago gamitin ang dalawa kong kamay para pisilin ang pisngi niya.

"Magagalit ako kapag hindi ka bumangon saka kumain... Yung mga sinabi ni Kao, hindi pa natin iyon napag-uusapan. Bakit ba hindi ka man lang nag-aalala para sa sarili mo?"

"Eh, 'yung yakap..." Hinimas ni Solo ang pisngi niya na mamula-mula dahil sa pagpisil ko saka ginamit ang inaantok niyang itsura na para bang nagmamakaawa siya.

"Hindi... hindi pwede..." Sabi ko sa kanya pero nakaramdam ako ng hiya nang makita kong nakangiti siya. Para ba kasing tinatanong niya kung pwede bang yumakap o hindi.

"Huwag mong baguhin ang pinag-uusapan natin. Kung hindi, magagalit ako."

Hindi ako interesado sa taong ito na nakangiti na para bang binibiro ako na naiba ko ang pinag-uusapang namin. Kaya tumayo na lang ako saka kinuha ang pagkain niya. Pero ngayon, tumayo na rin ang malaking husky sa kama niya saka umupo sa gilid noon.

"Kumain ka muna, pagkatapos saka matulog ka na ulit." Kumutsara ako ng kanin saka isinubo kay Solo na bigla namang nagpout saka tumangging lunukin iyon. Siguro, dahil sa hindi maganda ang pakiramdam niya kaya wala siyang ganang kumain.

"Guitar..." Isiningkit ko ang mata ko nang marinig ang nang-aakit na boses na iyon. Naramdaman kong kailangan kong lumihis ng tingin pero hindi ko naiwasang magtagpo ang mga mata namin.

"Ano 'yun?"

"Busog na ko..."

Ang cute niya, sobra...

Ibinaba ko na ang natira niyang pagkain saka bumuntong-hininga at nag-isip paano ko siya mapipilit na ubusin ang pagkain niya. Pero sa itsura niyang iyon, paano ko magagawa iyon.

"Ok, sige kumain ka na ng gamot." Ngumiti ako sa kanya saka kinuha ang gamot niya na agad rin naman siyang sumunod sa sinabi ko.

"Kumusta na pakiramdam mo?"

"Mas mabuti na ngayon."

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling si Solo ng bahagya kaya dinama ko ang noo niya. Hindi na nga iyon mainit tulad kahapon.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon