"So..." Tinawag ko ang lalaking papasok sana ng banyo para maligo na. Napag-isip isip ko lang, oras na siguro para pag-usapan namin ang tungkol rito. Habang nagmamaneho siya, lagi iyong pumapasok sa isip ko. At habang tinitingnan kobsiya, lalo kong naiisip ang bagay na ito.
"Ano 'yun?"
"Hindi ba mas maganda kung matuto akong magmaneho?"
Sa totoo lang, maraming beses ko na ring pinag-isipan ang tungkol rito. Noong una, wala akong oras para pag-aralan saka wala rin naman akong sasakyan, kaya naisip kong hindi naman na iyon kailangan pa. Pero nang magkasama na kaming mamuhay tulad nito at laging si Solo na lang ang nagmamaneho, parang hindi naman na siguro iyon tama.
"Ayoko kasing wala na naman akong magawa sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam mo."
Kahit na hindi namin pinag-uusapan ang tungkol doon, hindi pa rin maalis sa memprya ko ang mga oras na nagkasakit siya. Kung wala si Kao o si Jedi noong mga oras na iyon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko noon. Mahirap kung pupunta pa kami sa harap ng university para makapagtaxi, kaya naisip kong mas mabuti kung ipagmaneho ko na lang siya.
Gusto ko namang maging isang taong pwede niyang masandalan sa lahat ng oras.
"Ayos lang naman talaga sa'kin." Tumingin si Solo sa akin. "Pero kung gusto mo talagang matuto, pwede naman kitang turuan."
"Sige, kapag may libre kang oras, turuan mo ako kahit papaano."
Kahit na hindi ko talaga alam kung kailan siya magiging libre...
"Maligo ka muna, So. Ipaghahanda muna kita ng makakain." Sabi ko sa kanya saka itinulak na siya para pumasok na ng banyo.
"Pwede naman akong kumain na lang doon sa pupuntahan natin mamaya."
"Hindi pwede." Tumanggi ako agad. At hindi nakalimutang sumimangot habang nakatingin sa lalaking hindi na naman iniisip ang sarili niya. "Hindi ka pwedeng uminom hangga't walang laman ang tiyan mo. Isipin mo rin naman ang kalusugan mo."
"Guitar..." Tinawag ako ni Solo. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko na para bang nakikiusap sa akin. "Sorry."
"Hindi naman ako galit." Bumuntong-hininga ako saka ngumiti sa malaking husky na nagpapaawa na naman ang itsura.
"Pero pinagalitan mo ako."
"Kasi hindi mo na naman inaalagaan ang sarili mo... kaya nag-aalala na naman ako para sa'yo. Ikaw talagang husky ka, hindi mo ba naiintindihan ang ibig-sabihin ng salitang 'nag-aalala'?" Iniayos ko ang tono ng boses ko saka bahagyang hinimas ang ulo niya para malaman niyang nag-aalala lang talaga ako.
Simula pa noong una, alam ko nang ganito talaga si Solo. Hindi niya inaalagaan ang sarili niya, hindi niya inaalala ang kalusugan niya. Pero matapos kong pakinggan ang kwento ng buhay niya, napagtanto ko na dahil iyon sa walang nag-aalala para sa kanya saka walang nag-aalaga sa kanya kaya siya nagkakaganito.
Pero noon iyon, iba na ngayon.
"So, maaaring noon, walang nag-aalaga sa'yo... pero ngayon, andito na ako..."
"Guitar..."
"Nag-aalala ako para sa'yo... pero hindi naman pwedeng habambuhay na lang kita aalagaan. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?"
Tumango siya, pero nakasimangot pa rin na para bang hindi pa rin niya maintindihan.
Sa totoo lang, ang nasa isip ko talaga, hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Mukha naman nakikinig si Solo sa lahat ng sinasabi ko. Noon, nasabi ko na rin naman sa kanya ang tungkol rito at nangako naman na siya sa akin. Alam kong naaalala niya ang tungkol doon, pero tingin ko, hindi talaga niya alam kung anong ibig-sabihin noon.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...