"Ano ulit ang sinabi mo, pagkatapos ng klase, saan ka pupunta?"
"Sa university photoshoot."
Sinabi ko naman ang totoo kay Ai'Noh, kanina pa kasi siya nagmamakaawa sa akin na samahan siyang pumunta sa Faculty of Veterinary ngayong gabi. Wala naman ibang rason kundi para kitain ang boyfriend niya pero ayaw niya kasing mapansin ng iba. Kapag mag-isa lang kasi siya, maraming tao ang lumalapit sa kanya saka kinakausap siya. Kadalasan sa mga iyon, mga nakakaaway niya. Gusto ko sana siyang tawanan na lang kaysa sa maawa sa kanya kasi ang cute niyang tingnan kapag nagmamakaawa siya.
"Bakit mo naman kailangang pumunta roon? Trabaho naman 'yun ng Moon at Star ng taon saka ng Photography club..." Napatigil sa pagsasalita si Ai'Noh saka sumingkit ang mga mata na para bang tinutukso ako.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
"Ohh... ganito kasi 'yan."
Tinigilan ko na ang pakikinig sa kanya saka ibinaling na lang ang atensyon ko sa prof namin. Alam din naman kasi ni Noh na kapag nag-aaral ako, ayaw kong nakikipag-usap, kaya nakinig na lang din siya. Naghihintay rin naman ako kailan kaya matatapos itong klase ko...
Ang haba talaga ng lecture...
"Anong meron ngayon sa Moon ng university?"
Pagkalabas mismo ng prof, ang malakas na boses agad ng mabait kong kaibigan na kanina pa naghihintay ng pagkakataong makapagtanong sa akin ang narinig ko. Buti na lang at hindi pumasok sina Beer at Wine... kung hindi, magtatanong din ang mga iyon hanggang sa maguluhan na ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ai'Gui..." Sineryoso ni Noh boses niya saka tinigilan na ang panghahalungkat ng kung ano sa akin saka kinausap ako ng matino. "Alam mo naman, 'di ba? Katulad nito ang kwento namin ni Sun noon, saka marami din kaming pinagdaanan."
"Alam ko." Naalala ko yung mga oras na malungkot siya dahil nasaktan niya ang damdamin ni Sun. Itong mapanginis na lalaking ito, naging malungkot na aso nang halos ilang linggo. Sa mga panahon kasing iyon, mali naman talaga siya na sinisi si Sun. Kaya ang nagawa lang namin, nanatili malapit sa kanya hanggang sa magkapagbalikan na ulit sila at wala nang problema.
"Ayokong may taong malulungkot."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Alam mo naman, 'di ba, kung ano ang iniisip ni Solo." Sumimangot siya ng kaunti. Medyo nakikita ko ngayon ang maitim niyang aura kaya napabuntong-hininga na lang ako kasi alam kong nag-aalala siya para sa akin.
Ako yung tipo ng taong walang tinatagong sikreto. Kapag tinanong ako ng mga kaibigan ko, sasagutin ko naman agad saka walang nililihim na kahit ano. Kahit naman kanina bago kami pumasok, hinayaan lang niya akong sabihin sa kanya yung tungkol kay Solo kahit na yung plano kong kitain si Solo ngayong gabi.
"Hindi naman siya masamang tao." Maigsi man ang sagot ko, sigurado pa din akong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Alam ko naman iyon... pero kasi napakabait mong tao, Ai'Gui."
"Noh, makinig ka sa'kin." Alam kong nag-aalala siya sa akin kasi marami na akong nasabi sa kanya tungkol kay Solo saka paulit-ulit kong pinatutunayan na mabuti siyang tao. "Alam ko naman iyon. At ikaw na rin naman ang nagsabi na mabait akong tao pero hindi ako nagiging ganito sa lahat."
"..."
"Hinahayaan ko ang sarili kong pumunta sa kwarto niya kasi alam kong mapagkakatiwalaan siya. Isa pa, wala siyang ginagawang kahit na anong masama sa akin, ni isang beses..."
"..."
"Ayaw niyang masyadong nagsasalita. Gusto niyang ang mukha niya, laging mukhang seryoso para magmukha siyang hindi madaling malapitan. Pero isa lang talaga siyang matamlay saka makulit na tao. Alam kong pinipilit niyang gawin ang mga bagay na hindi tulad ng sa nakasanayan niya para lang sa akin..."
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
Любовные романыThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...