Magkamukha talaga sila... sa katangian man nila o sa panlabas na itsura... kahawig talaga niya si Solo. Kung hindi lang ibinibilang ang marangal niyang tindig saka malamig na aura, maaaring mapagkamalan ng ibang tao na iisa lang sila o magkapatid lang.
Minsan na rin akong nasabihan na mas magugulat pa talaga ako kapag nakita ko na si Khun Tan kumpara noong unang beses kong nakita si Khun Jay, at ngayon napatunayan na nga iyon. Kasi si Khun Jay, dalawampu't siyam na taong gulang na siya pero ang inakala ko, mas bata pa siya kaysa roon. Pero itong taong nasa harapan ko ngayon, mahigit talumpung taong gulang na pero mukha lang siyang kuya ni Solo.
Pumasok sa loob si Khun Tan nang hindi nagsasalita, hindi naman na sumama sa loob ang tauhan niya. Sa tingin ko, gusto ni Khun Tan na pribadong makipag-usap sa akin. Pagkatapos kong maisara ang pinto, kumuha ako ng tubig saka dinala iyon sa sofa.
"Gaano katagal na kayo magkakilala?" Tinanong ako ni Khun Tan. Walang ekspresyon ang mukha niya kaya hindi ko malaman kung nasisiyahan ba siya o galit.
"Simula po noong magsimula na ang semestre. Noong pumunta po rito si Solo para mag-aral."
"Kung gusto ko palang paghiwalayin kayo, kailangan ko siyang pabalikin sa England, tama ba?"
Hindi ako nakapagsalita agad matapos kong marinig ang tanong niyang iyon. Nagulat ako na ang taong tulad niya, makapagsasalita nang diretso ng ganoong mga salita na para bang hindi na iba sa kanya ang bagay tulad noon. Magpakita man lang sana siya ng kaunting pagkailang o kung ano man, 'di ba?
Pero ayos lang...
Mukhang hindi naman ako ang klase ng taong gugustuhin ni Khun Tan para sa anak niya.
"Nangangamba po akong hindi gagana ang paraang iyan, Khun Tan." Ngumiti ako nang makita kong tumaas ang kilay ni Khun Tan na para bang tinatanong ako pabalik. "Habang mas sinusubukan niyong paghiwalayin kaming dalawa... mas lalo naming ginugustong magkita at magsama."
"Tingin mo ba, magiging patas iyan?"
"Hindi ko po alam kung hanggang saan po ang nalalaman niyo tungkol sa akin, Khun Tan."
"Alam ko kung ano ang estado mo sa buhay. Kung paano ka namuhay sa buong buhay mo saka kung gaano kahirap iyon."
"Maliban po doon?"
"Kailangan ko pa bang ipaliwanag ang buong buhay mo?"
Ngumiti ako nang makita kong nagsimula nang magpakita ng hindi pagkasiya ang mukha niya... Seryoso, magkamukha talaga sila.
"Paumanhin po. Gusto ko lang naman po sanang sabihin na... sa totoo lang, hindi niyo pa po talaga ako kilalang lubusan." Tumingin ako sa mga mata niya. "Kung sakali po kasi, malamang ay alam niyo po na hindi ako ang tipo ng taong madaling mapalapit sa isang tao. At kung mangyari man po iyon..."
"..."
"Hindi ko na po siya pinakakawalan."
"Hindi ko sinabing bumitaw ka sa kanya. Pero paghihiwalayin ko kayong dalawa."
Hindi na rin naman naiiba sa inakala ko.
"Madalas pong sabihin ng ibang tao na maliit lang itong mundo natin. Ganoon din naman po ang iniisip ko. Kaya naman po kahit saan niyo man po siya dalhin, gagawa po ako ng paraan para mapuntahan siya. Abutin man po ng isa, dalawa maski po sampung taon, at balang araw muli kaming magtatagpo. At sa tingin ko rin naman po, hindi lang ako mag-isa ang gagawa ng paraan para magkita ulit kami."
Kasi imposibleng tutunganga lang ang husky ko saka walang gagawa para doon.
"Maaaring sabihin niyo na kulang pa talaga ang mga nalalaman ko. Praprangkahin ko na rin po kayo, bigyan niyo po ako ng pagkakataong mag-aral. Naniniwala naman po ako sa abilidad ko."
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...