Pagkatapos ng lahat ng exam namin, bumalik na rin sa normal ang mga buhay namin. Kumpara dati, mas kakaunti na ang mga customer sa café hindi tulad noong mga panahong may mga exam pa kami na andaming mga estudyante na may dala-dalang mga libro saka doon mag-aaral hanggang gabi. Ngayong tapos na namin ang mga exam, nawala na rin ang stress sa sistema namin. Nakabalik na rin kami sa normal naming buhay tulad nang dati. Yung tipong hindi na kailangan pang maghanap ng tahimik na lugar para mag-aral.
Ngayong araw, pumunta ako ng café, pero hindi para magtrabaho. Pumunta ako rito bilang customer...
"P'Gui, sawasdee kha."
"Sawasdee khrap, Khim." Ngumiti ako sa kanya saka pumunta sa lamesang malapit sa counter.
"Tagal nating hindi nagkita, P. Miss na kita, sobra." Sabi ni Khim saka umupo sa tabi ko. Iniba niya ang ekspresyon ng mukha niya... at nagmukha siyang kahina-hinala.
"Hindi ba, may trabaho ka?"
"Hayaan mo muna si Tae saglit doon." Sabi ni Khim sa akin. Nanatili siyang nakaupo at nakatitig sa mga mata ko.
"Teka, sabihin ko muna kay P'Kaew na bawasan ang sahod mo. Mabuti siguro kung ganoon."
"Huwag naman, P'Gui... Iniisip ko lang kasi."
"Tungkol saan naman?" Ngumiti ako saka hindi naman ako nakaramdam ng pressure kasi hindi ko pa naman alam kung anong iniisip niya.
"Tungkol sa'yo, P'Gui... saka kay Solo."
Pero tulad nga ng inaasahan ko, ito na naman ang gusto niyang pag-usapan.
"Kung ganoon, ano naman pala ang iniisip mo tungkol doon?"
"Sabi kasi nilang lahat, sabay raw lagi kayong umuuwi ni Solo. Meron mga kumakalat na tsismis na kayo na daw ni Solo. Meron ding nagsasabing magkasama na kayo sa iisang bahay." Nakatingin ang mga malalaking mata ni Khim sa akin na para bang naghihintay sa mga sasabihin ko. Ganoon pa rin ang ngiti ko sa kanya, wala man akong sinasabi pa, pero hindi ko naman balak itanggi.
Kasi iyon naman talaga ang totoo...
Kring.
Napalingon ako sa pinto ng café. Dumating na rin ang tatlo kong kaibigan na makikipagkita rito sa akin. Pumunta sila agad sa akin saka napansin kong kasunod rin pala nila ang isa ko pang kaibigan na matagal ko na ring hindi nakikita.
"Sawasdee, Gui."
"Sawasdee khrap, Sun." Binati ko si Sun na ngayon ko lang ulit nakita simula noong magsimula na ang semestre. Siguro dahil sa masyado kaming abala sa pag-aaral hanggang sa wala na rin kaming oras para pumunta pa sa kung saan. Kaya hindi rin kami nagkaroon ng pagkakataon para magkita.
"Kayo talaga guys, wrong timing naman ang pasok niyo." Nag-pout si Khim at tumanggi pa ring tumayo sa kinauupuan niya.
"Bakit na naman? Ano ba kasing pinag-uusapan niyong dalawa?" Pagkatapos magtanong ni Wine, hinatak niya agad si Khim saka nagbulungan silang dalawa
Nakalimutan kong hindi ko nga pala dapat hinayaang magsama itong dalawang ito...
Siguradong maya-maya lang... kailangan ko na namang punan ang kuryosidad ng dalawang ito na mas malala pa kaysa sa iba. Magtatanong na naman sila nang magtatanong hanggang sa mapasagot nila ako.
"Hmmm..." Humigop ako saglit ng kape. Hindi ako interesado sa kakaibang tingin sa akin ni Wine saka ng iba ko pang mga kaibigan. Pagkatapos nilang mag-usap usap, nakangiti na si Khim. Si Wine naman, siya naman ang nagtanong sa akin tulad ng inaasahan ko. "Kung ganoon pala, Gui... kailangan mong sagutin lahat ng tanong ni Khim, gusto rin naman naming malaman ang mga iyon."
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...