8:00am
"Ai'Gui! Anong nangyari, bakit ka narito?" Dinig ng lahat ang malakas na boses na iyon ni Ray, sumigaw ba naman siya mula sa pasukan ng auditorium kaya napalingon tuloy lahat ng tao. Sa sobrang hiya ko, napatakbo ako papunta sa kanya bago pa siya sumigaw ulit.
"Sinarado ko ang café ngayong araw. Narito ako para tumulong."
"Huh? Sa nakaraang apat na taon, ngayon ko lang narinig na isinara mo ang café. May espesyal ka sigurong rason." Nabatukan ko siya nang maramdaman kong pinagtritripan niya ako.
"Bawal bang makita ang mga junior natin?"
"So... pumunta ka dito para makita ang mga junior sa faculty mo... o para makita 'yung junior na taga-Music Faculty?"
"Gusto mong sipain kita?"
Tumawa lang siya saka tumakbo papasok ng auditorium pagkatapos kong magsalita.
Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok na rin sa auditorium. Nakasabit na ang mga tag para sa mga Second at Third year. Ang ibang tauhan naman, abalang nag-aayos para sa event mamaya. Nang makita ako ng mga junior ng Engineering Faculty na namumukhaan ko, binati nila ako. May isang grupo na abalang gumagawa ang napalingon din sa akin, napaisip tuloy ako na dapat nga pala tumutulong din ako sa pag-aayos. Umalis ako roon saka hinanap si Ray na nakikipag-usap naman kay Gin, hindi malayo sa kinaroroonan ko.
"May maitutulong ba ako rito?" Binati ko si Gin. Bago magsimula ang event, naglibot-libot muna ako para hanapin ang isa kong kaibigan na mukhang seryoso yata.
"Magbabantay na lang. Ang iba, nakasalalay na lang sa kakayahan ng mga junior." Pumunta ulit si Gin sa auditorium para tingnan ulit. "May isa na lang problema."
"Ano iyon?"
Bumuntong-hininga si Ray saka may tinawagan sa phone niya nang walang tigil.
"Ganito kasi iyan, P'Gui..." Tumango lang si Gin kay Ai'Ray para sabihing siya na ang magpapaliwanag sa akin. "Katatawag lang ng flower shop saka sinabing hindi nila maide-deliver ang mga bulaklak dito, P."
"Mga bulaklak?"
"Ang mga bulaklak kasi na iyon ang gagamitin para sa Popular Vote. Ang perang kikitain sana doon, ibibigay diretso sa student council. Kaya ngayon, malungkot saka nagkakaganyan si P'Ray."
Tumango naman ako. Isa sa mga student council si Ray, may dahilan naman siya para malungkot lalo na at naranasan pa nila ito sa aktwal na araw. Normal lang talaga na maramdaman nila iyon.
"Sabi nila, may problema sa transportasyon." Sabi ni Ray. Mukha talaga siyang pagod na pagod saka hindi maialis ang tingin sa phone niya. "Kailangan nating makahanap ng taong magdadala ng mga iyon dito. Ang problema, masyadong malayo rito ang flower shop na iyon saka mamayang alas-tres ng hapon magsisimula ang pagbebenta. Hindi pa rin kami makahanap ng gagawa noon para sa amin."
"Wala na bang ibang flower shop na pwedeng mabilhan?" Hindi ko maiwasang magtaka, kasi alam kong maraming flower shop dito. Siguradong mayroon kahit isa sa mga iyon ang makapagbebenta sa amin.
"Huwag mong kalimutang marami tayong in-order. Wala kasing ibang shop na kayang ibigay ang gusto naming dami. Saka 'yung shop na iyon ang may pinakamurang presyo. Kailangan talaga natin ngayon ng taong kukuha ng mga iyon saka tutulong para lagyan ulit ng tatak."
Ang tatak na tinutukoy niya ay ang sticker na ilalagay sa tangkay ng bulaklak. Noong panahon namin, ang mga bulaklak na iyon ang gagamitin para bilangin ang mga boto para sa Popular Vote Award at ang mga bulaklak na may tatak lang ang bibilangin. Ngayong taon, ganoon ulit ang gagawin nila.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
Roman d'amourThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...