Chapter 15 - ออกซิเจน Oxygen

489 19 0
                                    

Hinawakan ko ang labi ko... Kanina pa iyon, pero pakiramdam ko parang katatapos lang mangyari noon. Hanggang ngayon, nananatili pa rin ang init ng halik niya at hindi iyon mawala-wala.

Para bang nalagyan ako ng selyo niyang nakatatak na sa akin...

Hindi ko alam kung ilang beses na niyang nagawa iyon pero... iyon ang first kiss ko.

Tumingin ako sa paligid saka huminto sa gilid ng pool. May lalaking tumutugtog ng gitara kasama ang banda ng Music faculty. Si Solo ang naunang tumingin sa akin habang patuloy na tumutugtog ng gitara, pero ang ngiti sa dulo ng labi niya at ang mga mata niyang nakatingin sa akin ang naging dahilan para makaramdam na naman ako ng init.

Ibinaling ko sa iba ang mga mata ko nang magsimula na siyang manukso. Mabuti na lang at lasing na 'yung iba kaya wala nang iba pang nanukso.

Pagkabalik namin rito ni Solo, nakita namin na nagsimula na silang uminom sa paligid ng pool. Pagkapasok namin, may isang estudyante ng Music faculty ang kumaladkad sa kanya para mag-gitara. Ako naman, hindi ko mahanap si Ai'Noh kaya naupo na lang ako sa gilid ng pool.

Seryoso... Saan na naman kaya pumunta 'yung mga kaibigan ko?

"Aao!... Ai'Gui." Kakasabi ko nga lang tungkol sa kanila, heto na sila at dumating na... Nakahilera habang naglalakad galing sa beach.

At hindi ba si Kao iyon?

"Oh, kayo guys..." Isiningkit ko ang mga mata ko sa kanila nang hindi sila makatingin sa akin. Kadalasan, pagdating sa inuman, hinding-hindi sila papahuli. Pero ngayon, mukhang hindi man lang sila humawak ng kahit ano roon.

"Alis muna ako, P! Hahanapin ko lang 'yung kaibigan ko." Ito talagang batang ito, nauna nang magdahilan para makatakas.

"Nagugutom na ako." Si Noh, sumunod na ring tumakas.

"Parang gusto ko munang lumangoy." Sabi ni Wine sabay talon sa pool.

Iniisip ko tuloy ngayon kung maaalala mo bang hindi ka marunong lumangoy, Wine.

Tumingin ako sa natitirang kaibigan ko sa harap ko na mukha namang normal kumpara doon sa dalawa. Maliban sa nakakatingin pa naman siya sa mata ko, nakatingin siya sa akin na may ngiti sa labi niya.

"Wala lang..." Sabi ni Beer saka tinapik ang balikat ko. "Pero gusto kong magkaroon ng espesyal na tao para sa'kin..."

"Ai'Shiaa, Beer!"

Masyado ko ata silang minaliit. Sa totoo lang, dapat alam ko nang hindi sila papayag na palampasin ang bagay tulad noon.

"Huwag mong hayaang mahuli kita, Beer!" Napasigaw na lang ako sa kanya kasi tumakbo na siya para hanapin si Noh.

Teka, kung narinig nila iyon... ibig sabihin, nakita rin nila!

"Gui!!!"

Medyo nataranta ako saka napalingon kay Noh na sumigaw sa kabila.

"Iyon ba..."

"Wala talaga akong nakita!"

Ang sama mo talagang kaibigan!

Maliban sa mga kaibigan kong tinutukso ako, 'yung lalaking nag-gigitara, patuloy pa rin sa pagtugtog... pero nakatingin sa akin saka pinipigilang tumawa, anong gusto niyang iparating sa akin ngayon?

Siguro kailangan kong itulak paalis ng kama itong malaking husky na ito mamayang gabi...

Yung bandang ito talaga, tamang tama lang na sa Music faculty nag-aaral. Maliban kay Solo na tumutugtog ng gitara, 'yung kumakanta rin, hindi man lang tumigil para uminom. May iba lang sa kanila na wala nang malay sa sobrang kalasingan, hindi tulad nitong mga katabi ko ngayon na halos lahat, ang lalakas magsiinom. Ako na lang yata ang huling estudyante ng Engineering na hindi pa umiinom ng alak ngayon.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon