Kadalasan walang klase tuwing unang araw ng semestre. Darating lang ang mga prof para ibigay ang mga detalye para sa bagong mga schedule saka kakausapin lang kami para sa internship namin bago tapusin ang klase sa tanghali.
Kailangan kong mas pagbutihin pa ngayong semestre, ngayon na kasi ang huling term namin bago kami pumasok ng internship sa susunod na semestre. Kailangan ko tuloy ayusin ang schedule ng trabaho ko, gagawin kong tatlong araw na lang kada linggo saka payagan na ring umalis sa trabaho ang mga junior bago matapos ang semestre. Sa ngayon, kung gastusin lang naman para sa pagkain, isama ko pa yung mga ipon ko, kaya ko naman magtipid, hindi na problema sa akin iyon. Hindi rin naman kasi ako 'yung tipong magastos.
"Gui, tara kain tayo."
Tumango ako bago ayusin ang mga gamit ko saka lumabas na kasama ng mga kaibigan ko. Ang grupo namin, maliit na porsyon lang ng mas malaki naming grupo. Lahat kasi ng mga estudyante sa iba't-ibang course ng Engineering, malalapit sa isa't-isa. Ganito talaga kaming mga taga-Engineering. Pero kung tatanungin talaga ang pinakamalalapit sa akin, 'yung tipong madalas kaming magkita kita, iyon ay sina 'Beer' at 'Wine' - kambal sila, at si 'Noh' na kanina pang umaga na hindi ko nakikita.
"Base sa balita, totoo naman iyon, 'di ba?"
Napatigil ako nang marinig ko ang tanong ni Wine pero tumuloy lang din ako sa paglalakad saka walang sinabi sa kanya.
"Ai'Gui! Huwag mo na lang sagutin, aminin mo na lang." Sumunod siya sa akin saka umakbay.
Ano ba kasing dapat kong sagutin... wala naman sinabing mali 'yung balita.
"Ai'Beer..... halika nga, kunin mo 'tong kakambal mo." Tinulak ko si Wine papunta sa kakambal niya na nasa likod lang habang tahimik na nakangiti at walang sinasabi. Kinuha naman niya ang kakambal niya.
"Alam mo naman na ang sagot, bakit ka pa nagtatanong, Wine?"
"Alam ang alin, Beer?"
"Kung wala lang 'yon..." Lumapit si Beer sa akin bago niya itaas ang kamay saka umakbay sa akin. Tapos ngumiti siya at sinabing, "Kung wala lang 'yon... bakit ka naglalakad rito?"
Tumigil ako sa paglalakad saka nilingon ang kambal sa likod ko na may malaking ngiti sa mga mukha nila. Nakaramdam ako ng kakaiba... kasi hindi ko rin alam paano nga kami nakapunta nat naglalakad rito.
Tumingin ako sa signboard na nakalagay sa tapat ng isang malaking building.
MUSIC...
Nang makita ko ang mga mata ng ibang taong nakatingin sa amin na para bang nakakita sila ng isang estranghero. Nginitian ko na lang sila kasi di ko na rin alam ang gagawin ko, sigurado kasing nagtataka sila bakit may napadpad roong isang estudyante ng Engineering na nagtratrabaho sa café.
"Anong mga dahilan ang meron ka para dito?"
Narinig ko pa lang ang tanong ni Wine, gusto ko na lang sanang hindi na lang iyon pansinin. Pero sa huli, nagdahilan pa rin ako.
"Gusto ko lang kumain dito."
"Ai'Gui, kung sakaling hindi mo man alam, walang cafeteria sa faculty na 'to."
"..." Napangiti na lang ako sa sobrang hiya saka tumingin sa paligid, buti nakakita ako ng mga estudyanteng nakasuot ng uniporme.
"Ibig kong sabihin, gusto kong kumain doon sa Medical Faculty na malapit lang rito." Pagkatapos kong sabihin iyon, naglakad ako agad papunta sa Medical Faculty na hindi naman kalayuan.
"Aminin mo na lang kasi... Aminin mo na!"
"Ang swerte niyo naman kung magkita kayo diyan sa Medical Faculty. Humanda ka sa'kin, Ai'Gui! Marami pa akong hahalungkatin sa'yo!"
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...