Maaga akong nagising ngayong umaga kahit na napuyat ako kagabi habang pinagmamasdan ang natutulog kong husky. Ang sabi sa akin ng nurse, mahaba raw kung matulog ang mga matatanda tulad ni Mae Yai. Kung minsan, hindi raw sila nagigising sa oras kung kailan sila madalas gumising. Nangangamba rin kasi akong magigising si Mae Yai na walang sino mang makikita sa tabi niya. Mabuti na lang at hindi pa siya gumigising, kahit na ako naman itong kulang ngayon sa tulog.
Dinala na ng nurse ang almusal ni Mae Yai saka umalis na ulit. Hindi rin naman nagtagal, nagising na rin si Mae Yai saka nakita ako sa tabi niya. Nakangiti siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya tulad kahapon pagkatapos kong pakainin siya ng almusal.
"Ngayon po, mukhang mas masigla po kayo, Mae Yai." Pinunasan ko ang bibig niya saka ngumiti siya. Maliban sa mas malaki ang ngiti niya sa akin ngayon kumpara kahapon, mukhang mas masaya siya ngayon.
"Solo?..."
"Mas mabuti pong hintayin na lang po natin siyang tumawag. Baka po kasi natutulog pa po siya." Napangiti ako sa tuwa kasi pakiramdam ko, mukhang masigla talaga si Mae Yai.
RRRRRrrrrr.
"Oh, heto na po pala siya." Itinapat ko kay Mae Yai ang phone para makita niya. Pinindot ko na para sagutin ang tawag saka binuksan na ang camera. Nang makita ko ang itsura niya, halos bigla akong natawa.
[Handa na ba?]
Nakasuot ng asul na shirt si Solo. Nakaupo siya ngayon sa tapat ng mesa. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang kwelyo ng damit niya na para bang natatakot siyang baka malukot iyon. At base sa nakikita ko, mukhang mas maginoo ang datingan niya ngayon kumpara sa kung ano siya araw-araw.
"Anong meron at bihis na bihis ka?"
[Noong una, gusto ko sanang magsuot ng suit... pero natatakot akong baka isipin ni Mae Yai na masyado nang sobra iyon.]
"Maayos ka naman nang tingnan. Hindi mo na kailangan pang magsuot ng suit." Natawa ako saka sumulyap kay Mae Yai at nakitang nakangiti siya at maganda ang mood. Mukhang hindi pa rin alam ni Solo na naka-loudspeaker na ang tawag para marinig rin ni Mae Yai.
[Hindi pa ba gising si Mae Yai?]
"Natutulog pa... siguro." Sagot ko sa kanya saka umupo sa tabi ni Mae Yai at itinapat sa aming dalawa ang camera. Nanlaki ang mga mata ng husky ko saka biglang dumiretso ng pagkakaupo. Mukhang nataranta siya kaya naman natawa ako nang malakas.
[Ikaw talaga Guitar. Tinutukso mo na naman ako.] Ang lalaking ngayon lang nalaman na sa simula pa lang ay nai-loudspeaker ko na ang phine ko, ngayon ay nakasimangot na.
"Hindi kaya."
[Oh sige na... Sawadee khrap, Mae.] Magalang na nag-waai si Solo kay Mae Yai. Kahit na bihira lang talaga siya ngumingiti, laging may maliit na ngiting makikita sa dulo ng labi niya. Mas magalang din siya ngayon kumpara dati.
"Sawadee khrap, dear." Malambing na sagot ni Mae Yai sa kanya.
"Maraming kwento ngayon si Mae Yai, So. Mas masigla rin siya ngayon." Pagmamalaki ko sa lalaking nasa screen.
Hindi sumagot si Solo, sa halip ay tahimik lang niyang pinagmasdan ang mukha ni Mae Yai. Puno ng pag-aalala ang mukha niya kaya naman unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
Bakit ganyan ang ikinikilos mo, Solo? Hindi ba dapat ay masaya ka?...
[Guitar, sabi mo gustong makipag-usap ni Mae Yai sa'kin.]
"Ano... gawa?"
"Tinatanong ni Mae Yai kung ano raw ang ginagawa mo." Tumulong na ako sa pagpapaliwanag kay Solo kasi ayaw ko na ring ulitin pa ni Solo ang pag-iisip tungkol doon.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...