[Third person's POV]
.
.
.
'Hayaan mong matutuhan ng anak mo kung ano man ang gusto niya.'
Iyon ang huling habilin mula sa ina ni Solo Siwarokin bago pa man siya tuluyang iwan na nito. Ipinanganak si Solo sa isang mayamang pamilya. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng mga hotel sa iba't-ibang mga bansa na balak ding palakihin pa sa Thailand. Pagkatapos niyang makapagtapos ng high-school, pinili niyang magpatuloy sa pag-aaral sa lugar kung saan nagmula at university kung saan nag-aral dati ang ina niya, habang ang ama naman niya, nanatili pa rin sa ibang bansa para bantayan ang negosyo nila.
Nagdesisyon siyang mag-aral ng musika. Naituro na sa kanya ang mga basic sa pagtugtog ng iba't-ibang uri ng gitara noong bata pa lamang siya. At dahil sa iyon ang huling habilin sa kanya ng kanyang ina, pinayagan siya ng ama niyang iyon ang kunin niyang kurso. Pero sa huli, kahit na anong mangyari, kailangan pa rin niyang bumalik at ipagpatuloy ang negosyo ng pamilya niya.
Mataas ang ekspektasyon ang inaasahan ngayon kay Solo dahil siya ang kaisa-isang anak... at tanging tagapagmana ng sa pamilya ng Siwarokin.
Hindi na siya muling sumaya pa simula noong namatay ang ina niya apat na taon nang nakakaraan. Hindi na siya ulit ngumiti, hindi na ulit tumawa tulad noong kasama pa niya ang ina niya. Hindi siya interesado sa ama niya na lagi lang abala sa pagtatrabaho. Kahit nga noong namatay na ang ina niya, hindi pa rin tumigil kakatrabaho ang ama niya. Hindi niya maintindihan bakit hindi man lang niya nakakasama ang ama niya, pero hindi na rin niya gustong malaman pa ang dahilan kasi laging nasa tabi naman niya ang ina niya.
Noong araw na namatay ang ina niya, nakatayo siya sa tapat ng puntod hawak ang isang puting rosas na gusto ng ina niya. Ni isang patak ng luha, walang lumabas sa mga mata niya, hindi siya nalungkot na gusto niyang umiyak. Pakiramdam lang niya, walang laman at bakante ang kalooban niya, walang naiisip na kung ano. Kahit na umalis na ang ama niya na wala man lang sinasabi, tahimik lang siyang nakatayo sa tapat ng puntod.
Simula ng araw na iyon, hindi na siya makatulog ng maayos. Tuwing gabi, magigising na lang siya sa kalagitnaan ng gabi, hindi dahil sa nananaginip siya, nagigising na lang siya basta.
Nang mamatay ang ina niya, naisama na rin ang ngiti at ang kasiyahan niya...
...
Pagkatapos magreport sa university, lumapit sa kanya ang isang senior kasama ang kaibigan na nagpakilala bilang si Kao. Habang nakaupo at naghihintay, Hindi lang niya tinututukan pero hindi rin naman siya natutulog. Mukha naman siyang nakikinig sa sinasabi ng senior niya pero hindi niya alam o wala lang talaga siyang pakialam hanggang sa kinalabit na siya ni Kao para makuha ang atensyon niya.
"Tinatanong ka ni P."
Tumunhay siya saka pinasingkit ang mga mata.
"Payag ka ba Solo?"
"Umm." Tumango siya para sabihing ayos lang sa kanya, pero napangiti ng pagkalaki ang tao sa tabi niya.
"Sa tingin ko, hindi ka talaga papayag." Nananakot ang mukha ni Kao pero bigla lang din siyang tumawa.
"Papayag?"
"Ao... sabi niya, ikaw ang magiging Moon at pumayag ka naman."
Sabihin mo nga sa akin, kailan...
Pero sa huli, tinanggap pa rin niya saka hindi na lang nagsalita pagkatapos. Lagi siyang pinupuntahan ng mga senior para makita ang performance na ineensayo niya. Alam naman niyang kailangan niyang mag-ensayo hanggang sa araw ng kompetisyon. Kung ikaw kasi ang mapipili bilang Moon ng faculty, kailangan mo ring maghanda para makuha ang titulo bilang Moon ng university.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomansaThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...