Chapter 40 - ออกซิเจน Oxygen

206 13 1
                                    

[Third person's POV]

.

.

.

Para naman doon sa taong kailangang mag-aral at magtrabaho nang sabay...

"Pupuntahan ko si Guitar."

Tumingin si C Siwarokin sa mukha ng nag-iisa niyang anak at nasa tabi naman niya ang matagal na niyang kaibigan at assistant na sinusubukang pigilan ang sarili na tumawa habang pinagmamasdan ang Khun Chaai niya.

"Tiisin mo muna." Pang-labinlimang beses nang inuulit ni C ang parehong mga salitang iyon.

"Dad naman, isang buwan mo na akong pinagtitiis." Sumimangot si Solo saka halatang hindi na nasisiyahan.

"At para naman doon sa taong gusto mong puntahan, maayos naman niyang natiis, 'di ba?"

Nang marinig iyon ni Solo, lalo siyang napasimangot. Iniisip palang ang tagal ng oras na hindi niya nakikita ang mukha ni Guitar, naaburido na agad siya. At heto, nang may nagsabi nga sa kanyang natiis naman iyon ng Guitar niya, mas lalo siyang naaburido.

"Aalis ako ngayong araw." Determinado talaga si Solo. Alam niyang marami siyang dapat na trabahuhin pero handa siyang iwan iyon para puntahan ang taong nasa isip niya.

"May meeting ngayong araw." Tumayo si C habang nakatingin sa mga paa ng anak niyang nagsimula nang umatras.

"Basta aalis ako!"

"Hawakan niyo siya!"

Pagkautos noon ni Khun Tan, agad na hinawakan ng mga tauhang nakatayo sa may pintuan ang Khun Chaai nila at hindi binigyan ng pagkakataong makatakas ang taong gustong umalis.

"Bitawan niyo ako!" Nagpumiglas nang sobra si Solo at sinubukang makaalis kasi hindi lang isa ang nakahawak sa kanya. Pero kahit na ganoon pa siya kalakas, wala pa rin siyang laban sa kanila.

"Kung hindi mo alam kung paano maghintay, hindi ka magtatagumpay." Sabi ni C habang lumalapit sa galit niyang niyang anak na tumangging makinig.

"Khun Tan..." Sumingit na si Jay na kanina pa nakatayo at pinapanood ang sitwasyong nangyayari saka hinawakan ang braso ni C. Ayaw niyang bumalik sa dati ang relasyon nitong mag-ama na nito lang din ay unti-unti nang umaayos. Pareho ang ugali ng dalawang taong ito sa lahat ng aspeto. Kapag nagalit si C, masisira ang lahat!

"Dad! Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Solo hanggang sa umalingawngaw na iyon, mas lalong naging nakakatakot ang mga mata niya at lumala pa ang pagkaaburido niya.

"Dalhin niyo siya sa maliit na bahay roon, kumpiskahin ang phone niya, patayin niyo rin ang internet, huwag niyo siyang hahayaang makaalis at huwag niyong hahayaang may matawagan siya. Huwag na huwag niyong tatanggalin ang mga mata niyo sa kanya hangga't hindi ko sinasabi."

"DAD!"

"Khun Tan." Nakita ni Jay na lumala na ang sitwasyon kaya naman agad siyang pumagitan sa mag-ama. "Kailangang pumasok sa klase ni Khun Chaai."

"Kung hanggang ngayon, hindi mo pa rin talaga maintindihan, huwag mo nang asahan na makakaalis ka pa."

"Pakawalan mo ako! Ano ba'ng naiintindihan mo tungkol sa akin?!"

Sinunggaban ni C ang mukha ng anak niya at itinitig ang malamig niyang mga mata hanggang sa hindi na nakapagsalita ang anak niya.

"Huwag lang sarili ang isipin mo, So." Sabi ni C at binitawan na ang mukha ng anak niya at ipinakaladkad siya sa mga tauhan niya palabas ng kwarto.

"Khun Tan..."

Hinilot ni C ang ulo niya. Dati na niyang naranasan ang mga ganitosa ibang tao kaya naman naalala na naman niya ang mga alaalang ayaw na niyang maisip ulit.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon