[Third person's POV]
.
.
.
[Kailangan mong pumunta, So.]
Napabuntong-hininga ang may-ari ng titulong University Moon nang marinig ang boses ng isang senior sa kabilang linya ng telepono.
"Ayokong pumunta."
Kapag sinabi niyang hindi siya pupunta, hindi talaga siya pupunta. Si Solo na mismo ang nagsabi ng mga salitang iyon. Kung pumayag siyang pumunta, mababalisa lang siya mamaya. Ngayong inaantok na siya saka medyo sinusumpong, sinabi na niyang hindi siya pupunta, kaya ibig-sabihin hindi siya pupunta.
Matutulog na ko!
[Pupunta rin si Ai'Gui.]
"Magpapalit lang ako ng damit saglit."
[Ang bilis noon ahh. Kitaan na lang mamayang 8pm sa Uncle Bor's Bar.]
"Uhmm."
Syempre, ibang usapan na pagdating kay Guitar.
Ayaw niya talaga sa lugar na iyon kasi masyadong maingay, pero kailangan niyang pumunta sa loob. Naiirita na siya hanggang sa gusto na niyang umuwi pero nanatili pa rin siya dahil na rin sa rason kung bakit talaga siya pumunta roon. Iyon lang ang nasa isip niya habang pinipilit ang sarili na pumasok sa loob kahit na pagod at matamlay na siya.
"Hey!" Isang malakas na boses ang narinig mula sa mahabang mesa na maraming nakaupo sa paligid noon at kasama na roon ang senior na pumilit sa kanyang pumunta roon.
"Uminom ka muna. Saglit na lang at darating na rin si Gui."
Kumuha siya ng isang baso ng alak bago lumakad papunta sa madilim na sulok ng bar saka doon umupo at tiningnan ang phone niya.
Gui Jirayu:
Pupunta ako... :)Muntik na talaga siyang maduda na niloloko lang siya tungkol doon...
Napaisip siya saka aksidenteng naisandal ang ulo sa haligi sa tabi niya saka nakatulog.
Masasabing kapag masyado siyang tinititigan, nararamdaman niya iyon. Pero pagkamulat ng mga mata niya, nagulat siya sa titig ng taong kanina pa niya hinihintay saka bigla noong hinawakan ang kamay niya.
"Huwag mong kusutin ang mga mata mo."
"Masakit."
"Tumingin ka sa'kin. Mamaya, maghugas ka ng mukha mo. Huwag mo na ulit kukusutin nang ganito ang mga mata mo."
Dahil sa tumangging ngumiti si Gui, tumingin na lang si Solo sa kanya para iparating na gagawin niya iyon.
Ayaw niyang mapagalitan, gusto niyang makita ang ngiti nito... pero masaya siyang nag-aalala si Gui para sa kanya.
"Kapag masakit, ipikit mo muna saglit ang mga mata mo, ha." Sa huli, ngumiti na rin si Gui tulad ng dati.
Hinawakan ni Solo ang kamay ni Gui na hindi ganoon kalambot dahil na rin sa pagtatrabaho at inilagay sa pisngi niya. Ang mainit na haplos ng kamay ni Gui na kanyang natanggap ang naging dahilan para makaramdam siya ng kaginhawahang hindi niya maitatanggi.
"Hmm... hindi na masakit."
Pagkatapos noon ay inaya na siya ni Gui na umuwi. Pero nang makita niyang nagrereklamo ang mga senior kay Gui, nairita siya. Siguro dahil sa inaantok na talaga siya, nang marinig niya ang mga salitang iyon para bang gusto niyang makipag-away.
Maliban sa boses ni Guitar.
Nakakaubos ng enerhiya ang magmaneho pauwi sa condo niya, mabuti na lang at may natitira pa naman kahit papano sa kanya.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...