Habang pinagmamasdan ang kondisyon ni Solo ngayon, parang gusto kong balikan ang grupo saka magreklamo ulit.
Hindi na maganda ang nararamdaman ni Solo at nanghihina na siya nang lumabas ng Photography Club pagkatapos ng trabaho nila. Napansin ko ding mas mabigat ang paghinga niya saka nagsimulang bumagal ang paglalakad niya. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin siya nagsasabi tungkol sa nararamdaman niya, kahit na isang beses. Maayos naman ang naging takbo ng shooting at hindi na masyado umubos ng oras kaya hindi na natapos ng late.
Hinatak ko ang braso niya para umupo siya sa batong mesa na nasa tapat ng building ng Music Faculty na madadaanan lang namin kasi nararamdaman kong medyo tagilid na ang paglakad niya saka nakasimangot na siya ng bahagya. Nakaparada ang kotse niya sa parking lot ng kabilang building. Hindi na iyon malayo kumpara sa nilakad namin kanina pero natatakot ako, baka mahimatay na siya bago pa man kami makarating sa kotse niya.
Nagsisisi talaga ako ngayon na hindi ako marunong magmaneho...
"Kumusta ka na?" Naramdaman kong sobrang init ng noo niya nang hawakan ko iyon. Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may mga taong magagawi rito saka isipin kung papaano kami makakauwi.
"Guitar..." Hinawakan ni Solo ang mangas ng damit ko saka bahagyang umiling na para bang pinipilit niyang huwag siyang mawalan ng malay. Inalalayan ko ang ulo niya kasi kung sakaling mamali siya ng pag-iling ay lalong sumakit pa ang ulo niya.
"Kaya mo bang tiisin? Pagkauwi natin, hahanap agad ako ng gamot." Hinawakan ko ang kamay niya habang inaalala ang mga nangyari kanina. Kung paanong hinayaan ko lang siyang gumawa roon o kahit pababaan man lang ang temperatura sa loob para mas guminhawa roon, imbis na nagalit ako saka kinalimutan ang kalagayan niya.
"Lo!"
Tumingin ako sa pinagmulan ng boses na iyon saka nakitang papalapit sa amin ang may-ari noon. Siya yung lalaking nakatayo sa likod ko saka kumanta para sa performance ni Solo noong Moon and Star talent show. Siya rin ang kumanta sa concert pagkatapos ng event noong araw na iyon.
"P'Gui, wadee." Bumati siya sa akin saka ngumiti. "Ako pala si Kao, kaibigan niya... anong nangyari sa kanya, P?"
Umupo si Kao sa tabi ni Solo saka ginamit ang daliri niya para tusuk-tusukin ang ulo ni Solo na para bang gusto niya siyang inisin. At ito namang taong iniinis, nagpakita lang siya ng striktong mukha saka tinulak palayo ang kamay ng kaibigan niya. Wala naman akong nakikitang mali sa mala-isip bata nilang ginagawa sa isa't-isa.
"Hindi maganda ang pakiramdam ni So. Hindi ka marunong magmaneho 'diba? Hindi rin kasi ako marunong." Tumungo ako para tingnan ang lalaking nakasandal ang ulo ngayon sa tiyan ko saka nag-alala para sa kanya.
"Para kang asong nagmamakaawa diyan." Sabi ni Kao. "Hindi mo na kailangan pang mag-alala, P. Kasama kong kakain si Jedi. Hintayin lang muna natin siya, ipagmamaneho niya kayo pauwi."
"Maraming salamat... at ikaw naman saka 'yung kaibigan nyo, ano namang ginagawa niyo? Hanggang ngayon hindi pa rin kayo umuuwi."
"Nagpapractice ako tumugtog, P. Si Jedi naman, nag-aaral siya."
Tumango ako sa kanya. Wala akong alam tungkol sa mga doktor pero tingin ko, kailangan talaga nilang mag-aral ng mabuti.
"Mag-aral kayong mabuti ha."
"Sa ngayon kasi P, sobrang dami naming ginagawa... kada faculty, may kinukuha para gumawa ng mga activity kasama ang mga junior. Pati ang faculty namin kailangan ding pumunta sa beach." Sabi ni Kao habang itinungo ang ulo niya sa mesa. "Itong si Solo, kailangan magperform sa stage sa unang pagkakataon doon sa beach."
Naalala ko noong isang linggo nga pala, sinabi ni Solo sa'kin na may performance siyang gagawin doon sa beach. Pero hindi niya sinabi kung kailan.
"Kailangan mong pumunta P."
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
Любовные романыThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...