Chapter 2 - Oxygen ออกซิเจน

833 27 1
                                    

Admin Cute Page:
Wala na akong ibang sasabihin pa, kitang-kita na sa litratong 'to. Gusto nila ang isa't-isa, 'di ba? #SoloGui Ooh! Lakas na talaga ng tili ko, as in.

P.S. Salamat, Khim Pattaraporn para sa litratong ito.

📷Litrato ni Gui habang nagse-selfie at nakangiti. Nasa likod niya si Solo at magkatabi ang mga mukha nila. Hindi nakatingin si Solo sa camera kasi hindi maialis ang mga mata niya sa taong nasa tabi niya. Napakaamo talaga niyang tingnan.📷
2.2k likes 733 comments 125 shares

Ray RayRay:
Bakit bigla na lang akong nakakakuha ng sandamakmak na balita tungkol dito? @GuiJirayu @SoloSiwarokin
71 likes 2 comments

...

"P'Gui... ang saya ko talaga. Mga isang oras pa lang naipo-post ito ng admin pero ang dami na agad likes. Tingnan mo 'to, P."

Hindi naman ako interesado sa sinasabi ni Khim. Tumingin lang ako sa post ng admin pero wala naman akong reaksyon.

Kung ako tatanungin bakit kami nagkaroon ng litratong mukha kaming magjowa... balikan natin ang mga talagang nangyari. Kahapon kasi, ganito iyan.

[Flashback]

"Pwede ba kitang kuhaan ng litrato? Gustong-gusto lang kasi makakuha ng isa kong junior dito sa café." Tinanong ko ang binatang naglalakad sa tabi ko. Tumaas lang ang kilay niya na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko, pero tumango pa rin siya nang walang sinasabi sa akin.

"Pwede naman..."

Nagpasalamat ako sa kanya. Inihanda ko na ang camera ng phone ko para makuhaan ko na siya ng litrato, pero ibinaba ko rin ng takpan ng kamay niya ang lens ng camera.

"... pero dapat kasama ka."

Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero tumango pa din ako ginawa kong nakafront-cam ang camera saka itinapat sa aming dalawa, pero dahil sa pareho kaming lalaki na may malapad na balikat, hindi tuloy namin alam kung paanong anggulo kami pupwesto. Habang naghahanap kami ng tamang pwesto, humakbang palikod si Solo saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko saka tumingin sa camera.

"Salamat."

Pinindot ko agad ang camera at umalis sa posisyon namin nang medyo makaramdam ako ng pagkailang sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Pagkatapos noon, lumakad na kami papunta sa dorm nang tahimik. At iyon nga, naipadala ko agad kay Khim ang litrato nang hindi maiisip na magiging ganito ang pwedeng kalabasan.

[End of Flashback]

"Kyahhhhh! P'Gui... P'Gui... P'Gui..."

Nagulat ako nang sumigaw si Khim kaya dali-dali akong humingi ng pasensya sa mga customer sa café. Pumunta ako sa kinauupuan ni Khim, nakatingin siya sa phone niya habang tumitili sa harap ng counter.

"Anong meron? Bakit ka ba sumisigaw?"

"Tingnan mo ito, P! Hieeuu... Hindi ko na talaga kaya 'to!"

Hindi ko na lang pinansin si Khim na nakabaluktot na ang katawan habang nakatayo, pero kinuha ko ang phone niya at binasa ang comment section sa ilalim ng litrato namin ni Solo.

Anakin Skywalker:
Ano 'tong nakikita ko? Hindi lang ako nakapunta ng isang beses sa rehearsals, may nangyari agad na ganito. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw mo nang dalhin ang kotse mo at gustong maglakad na lang pauwi kahit na malayo. @SoloSiwarokin
138 likes 52 comments

Kao Ashira:
Anong ibig sabihin nito? Nalilito ako. Noong una, nakita ko naman siyang nagmamaneho ng BMW i8 pero bigla na lang niyang sinabing gusto niyang maglakad na lang pauwi. Meron ka bang dapat sabihin sa'min? Nako, nakikipagmabutihan ka kay P, ahh.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon