Sa tatlong araw na nagtratrabaho ako, pumupunta si Solo sa café para makita ako. Darating siya sa tuwing magsisimula na ang shift ko. Oorder siya ng isang tasa ng kape saka tahimik na uupo sa isang sulok ng café. Mabuti na lang at sa tuwing shift ko, wala masyadong tao kaya madalas ko siyang makausap saka sabihang umuwi na muna hanggang sa hindi ko na lang din napansin na ang Moon ng University, nakaupo pa rin doon sa sulok na iyon. Kadalasan, inuuna ni Solo gawin ang mga trabaho niya pero kapag natapos naman na niya ang mga iyon, lilipat siya ng upuan saka pagmamasdan na lang ako. Kapag tapos na naman ang trabaho ko, hihintayin niya akong bigyan siya ng gatas para inumin. Sa mga araw naman na wala akong pasok sa trabaho, pupuntahan naman niya ako sa dorm ko tuwing gabi, hihintayin akong bumaba para ibigay ang gatas sa kanya bago bumalik sa condo niya.
Hindi ko na rin alam kung kailan ako nagsimulang masanay sa presensya niya...
Alam kong hindi normal na lagi kaming nagkikita kami tuwing gabi bago matulog. Pero ayos lang naman...
Kung pareho naman kaming nasisiyahan sa ganoon, tingin ko patas lang naman.
"Guitar..." Napatigil ako sa pagpupunas ng mesa nang marinig ko ang isang boses na araw-araw na tumatawag sa akin. Ngayon, medyo late siya kumpara dati kasi malapit nang magsara ang shop.
"Bakit late ka na ngay..." Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang kondisyon niya.
Basang-basa ang buong katawan ni Solo... Tumutulo pa rin ang tubig mula sa buhok at mukha niya. Isa pa, basang-basa din ang uniporme niya hanggang sa kita na ang nasa loob. Mukha rin siyang pagod na pagod na gusto ko na lang siyang pauwiin para matulog.
Hindi pumasok si Solo kasi alam niyang basang-basa siya. Nanatili lang siyang nakatayo sa labas. Pinilit ko siyang pumasok saka pinaupo sa tapat ng counter.
"Pwede namang punasan ulit ang sahig, pero kapag nagkasakit ka, anong gagawin natin?" Pinagalitan ko siya bago bumalik sa counter. Buti na lang at may natira pang hindi nagamit na towel.
"Pasensya na..."
Ngumiti ako ng bahagya para maging komportable siya saka malamang hindi ako galit sa kanya. Pero kung makikita mo naman kasi talaga ang kalagayan niya, sino bang hindi magagalit.
"Ano bang ginawa mo? Bakit basang-basa ka? Saka late ka na dumating ngayon." Pagkasabi noon ay nilagay ko ang tuwalya sa ulo niya saka marahan iyong pinunasan. Nakasandal ngayon si Solo sa counter at nasa harap niya ako habang pinupunasan siya kaya nakikita ko nang mabuti ang mukha niya.
Kita kong nakangiti siya...
Bihira lang ang ganoong ngiti niya, pero masyado nitong naaapektuhan ang puso ko. Paano ba ang gagawin ko, hindi pa rin talaga ako sanay doon...
Dahil wala na talaga akong ibang nagawa, ibinaba ko na lang ng kaunti ang tuwalya sa ulo niya para matakpan ang mga kumikinang niyang mata.
"May video shoot kasi kanina..."
"Yung sinabi mo ba sa akin kahapon? Akala ko ba sa hapon iyon." Kahapon, nang pauwi na kami, sinabi ni Solo sa akin na mayroon silang video shoot para sa university. Pero ang sabi niya sa akin, magsisimula sila ng alas-kwatro ng hapon.
"Hapon na nang magsimula 'yung video shoot... pero nausog pa din hanggang gabi."
"Bakit naman sobrang tagal?"
"Hindi ko kasi kayang gawin."
"So, sige na lumabas ka na muna saka hintayin ako sa tapat ng café. Saglit lang, susunod na rin ako."
Tumango naman siya saka lumabas at naghintay sa tapat ng café nang walang sinasabi.
Paano kaya niya nakakayang kausapin ako kahit basang-basa siya? Isa pa, hindi niya ipinapakita saka sinasabi sa akin na nilalamig siya.
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
عاطفيةThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...