Kapag may mga taong umaakyat ng bundok o burol, laging may isa sa kanilang mangungusap tungkol sa pagsikat o paglubog ng araw, at isa na ako sa mga taong iyon na gustong makita ang tinutukoy nila. Pero siguro dahil umakyat ako rito hindi para gumala, nakalimutan ko na ang tungkol roon. Nagkaroon ako ng oportunidad na mamuhay rito nang matagal, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masaksihan ang kahit ano roon. Ang mga taong naninirahan sa siyudad, dapat talaga nilang namnamin ang ganda ng kalikasan sa tuwing may pagkakataon sila. Pero noong inakala kong hindi ko na iyon masasaksihan ngayon, hinawakan ang kamay ko ng lalaking nasa tabi ko.
Sa mga oras na ito, nakatayo kami ni Solo sa lugar kung saan una naming nakatagpo ang mga taga-baryo, at dala-dala na niya sa balikat namin ang mga bag namin.
"Ayos lang naman kung magpalipas pa tayo ng kaunting oras rito."
"Pero..."
"Sumikat na ang araw." Sabi ni Solo habang ang mga mata niya ay nakatingin sa kagiliran kung saan sumikat ang araw.
Tumingin din ako sa magandang tanawing hindi ko pa nasasaksihan buong buhay ko. Ngayon ko lang nalaman na sobrang ganda nito. Tuluyan nang nawala sa utak ko ang takot na maabutan kami ng mga bata bago pa man kami makaalis. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakatayo rito habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Naibalik lang ang atensyon ko nang hinawakan na ng lalaking nasa tabi ko ang kamay ko saka tumango.
Ibig sabihin noon, oras na para umalis na kami.
Tumingin ako sa landas na dinaanan namin sa huling pagkakataon. Inalala ko ang mga samahang nabuo namin rito nitong mga nakaraang araw at gumaan na ang pakiramdam ko. Ngayon, ang hinihiling ko na lang ay maging masaya sila saka gumanda na rin ang pamumuhay nila rito.
At kailangan ko na ring bumalik sa sarili kong buhay.
"Gui."
Ang boses na iyon...
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Hindi sumagi sa isip kong pinaglalaruan lang ako ng tenga ko. Tandang-tanda ko pa sa memorya ko ang boses na iyon at hinding-hindi ko iyon malilimutan. Isang bagay ang naging dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko ang mga taga-baryo at ang mga bata na kumakaway sa amin. Hindi sila umiiyak tulad ng inakala ko at sa halip, masaya silang nakangiti, kahit na si Nong Moon.
"Ingat po kayo, teacher!" Sabay-sabay na sumigaw ang mga bata kaya naman napangiti ako at kumaway rin sa kanila.
"Guitar..." Bumulong si Solo sa akin. "Tumingin ka roon."
Tumingin nga ako kung saan nakatingin ang mga mata niya at nagulat ako sa nakita ko. Naroon ang isang matandang babae na nakasuot ng puting damit at nakatayo malapit sa isang nakahiwalay na malaking puno.
Siya ang may-ari ng boses na nakapagpalingon sa akin kanina...
"Narito siya para ibigay ang basbas niya."
Pagkatapos magsalita ni Solo, lumuhod ako sa lupa. Ramdam ko ang init sa mga mata ko at matapos ang ilang saglit, tumulo na ang luha ko at hindi ko iyon pinigilan. Pero sa pagkakataong ito, ang mga luhang iyon ay hindi dahil sa malungkot ako, luha iyon ng kaligayahan. Ngumiti ako sa kanya at pinagdikit ang mga palad ko saka yumukod sa lupa. Hindi na mahalaga sa akin kung marumihan na ng lupa ang katawan ko.
Salamat Mae Yai... para sa lahat ng mahahalagang alaala... at para na din sa lahat.
"Guitar..." Tinulungan ako ni Solo na tumayo at hinayaan niya akong tingnan ang anino ng taong nakita ko kanina sa tabi ng malaking puno na unti-unti nang naglalaho.
"Salamat." Tumingala ako sa kanya at ipinikit ang mga mata ko nang pinunasan ng kamay niya ang mga luha ko.
"Namumula ang mga mata mo."
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
RomanceThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...