Chapter 27 - ออกซิเจน Oxygen

380 15 4
                                    

Nitong mga nakaraang linggo, masyado akong naging abala dahil nagsimula na ang final exam namin. Hindi na ako nagtratrabaho ngayon sa café kaya naman kinaladkad ako ng mga kaibigan ko para mag-aral sa dorm ni Wine. Abala rin sa pag-eensayo si Solo. Sabi niya, may exam siya sa Thai music na hindi pa niya masyadong gamay kaya kinailangan na niyang humingi ng tulong kay Kao. Iniisip ko ngayon, bakit kailangang si Kao. Mukha talagang kaya niyang tugtugin ang lahat tulad ng sabi ng iba.

Madalas kaming hindi magkasama ni Solo kasi pareho kaming abala sa pag-aaral para sa exam namin kaya nagkaroon ako ng oras para minsang makatawag at makipag-usap kay Kao para makinig sa mga maipapayo niya sa akin para doon sa plano kong gawin sa birthday ni Solo. Noong una, wala talaga ako sa wisyong gawin ang kahit ano dahil sa sobrang nag-aalala ako para kay Mae Yai. Pero alam ko rin namang wala na akong magagawa tungkol doon... kaya naman hindi ko na lang bibiguin si Mae Yai.

Salamat na lang din kay Kao sa pagiging mausisa niya. Napansin niyang hindi normal ang ikinikilos ko nang magsimula akong magreklamo sa phone. Sinabi agad niya sa akin na habang nag-eensayo sila, mukhang hindi mapakali si Solo saka hindi maituon ang buong atensyon sa pag-eensayo nila. Lagi raw siyang tumitingin sa relo niya na para bang hinihintay niyang mag-breaktime na.

Dahil sa mga nalaman ko ang mga bagay na iyon, napagtanto kong hindi ako nag-iisa sa problema kong ito. Sa tuwing nawawalan na ako ng buhay, ng pag-asa saka masyado nang nag-iisip ng kung ano-ano, meron din isang tao na nalulungkot din.

Pinipilit kong maging positibo, nag-iisip ako ng mga magagandang bagay saka kumilod nang normal tulad ng pag-aaral kasama ang mga kaibigan ko. Kapag tapos nang mag-ensayo sa pagkanta, isa ring pantanggal ng stress ang pakikipag-usap kay Kao. Sa gabi, uuwi ako saka madadatnan ang husky kong naghihintay para sa akin doon sa mesa. Magluluto ako saka sabay kaming kakain at iinom gamit ang couple glass namin habang nag-uusap hanggang sa pareho na kaming dalawin ng antok. Sa huli, yayakapin namin ang isa't-isa hanggang sa dumating na naman ang isang panibagong araw.

Mga simpleng kasiyahan ko ang mga iyon na nakatutulong na pagaanin ang mga alalahanin ko.

"Isang papel na lang." Sabi ni Wine bago ibinagsak ang katawan niya sa mesa. Ang boses niya, para bang hindi na niya kaya ang exam namin. Sa aming lahat, siya ang mukhang pinakaproblemado.

"Oo, isa na lang." Sagot ko sa kanya kasi ako na lang ang libre sa amin kasi si Noh, may kausap na sa phone doon sa may balkonahe habang si Beer naman, kanina pa tulog. Sabi niya, bago pa man kami pumunta rito ni Noh, noong nakaraang gabi pa niya tinuturuan si Wine para sa exam. Gaano man ako katalino, hindi naman siguro mabuting ibato na lang lahat ng ito sa akin.

Sa aming apat, kasama si Beer na magaling talaga sa pag-aaral, itong si Wine ang pinakamahina sa grupo namin. Hindi naman sa tanga o bobo siya, sadyang tamad lang siya saka madalas tumatakas sa klase. Kaya naman, ang mas matanda niyang kakambal ang tumutulong sa kanyang mag-aral para sa exam. Pero kapag inilabas na ang resulta, lagi naman siyang pumapasa. Iyon nga lang talaga, nakakapagod ding turuan siya palagi kapag malapit na ang panahon ng mga exam namin. Minsan nasabi rin ni Noh na dahil sa kambal sila, napapaisip tuloy siya kung ibinigay ba ng mga magulang nila ang lahat ng mga magagandang parte kay Beer. Pero inalis din agad ni Noh ang ideyang iyon sa isip niya kasi kung hindi magaling na estudyante si Wine, hindi siya ang mauunang tinawagan sa amin para sa intership... Higit pa roon, kilala rin ang lugar na iyon.

"Pagod na ako." Dumaing siya nang malakas saka itinulak ang lahat ng gamit sa mesa hanggang sa nahulog na nga ang iba roon sa sahig. Kung kinimkim lang niya sana iyon, hindi ko sana papansinin. Pero mas nagiging mahirap ngayon na kailangan kong manatiling nakaupo rin rito saka panatilihin siya sa kinauupuan niya.

"Tiisin mo na lang muna, isang araw na lang naman." Sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya.

"Eh..."

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon