Chapter 14 - ออกซิเจน Oxygen

497 18 1
                                    

"Gusto kita, So."

Errr...

"Waaaaaaaaaa."

"Anong masasabi niyo?"

"Huwag ka nang malungkot, Nong Rak." (Nong Rak = Nong K)

"Magpasalamat ka dapat sa'kin."

"Kakaiba talaga 'tong kaibigan ko ngayon."

Mukhang nasabi ko ang mga salitang iyon nang hindi na pinag-isipan pa, pero habang naririnig ko ang mga panunukso nila, nakakahiya talaga.

Napakamot na lang ako ng ulo saka natawa nang bahagya. At para naman doon sa lalaking sinabuhan ko na gusto ko siya, nakatayo lang saka hindi gumagalaw. Dumaan na ang ilang saglit, wala pa rin siyang sinasabi na kahit ano.

"Hoii!" Lumapit na si Kao saka bahagyang itinulak ang nakangiting si Solo hanggang sa bumalik na siya sa katinuan.

Nang makatanggap ako ng isang malaking ngiti mula sa kanya, gusto ko tuloy ulit sabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Wala naman siyang ibang naging reaksyon. Ngumiti lang siya saka tumalon pababa ng stage saka hinatak ang braso ko para sundan siya.

Nagkatinginan kami ng lalaking nakatayo sa tabi ko kanina saka tinanguan ko siya ng bahagya. Kahit na hindi ko siya kayang tanggapin sa buhay ko, junior ko pa rin siya saka wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Gusto ko pa rin na manatili ang magandang samahan namin. Wala naman na ding sinabi si K at ngumiti pa rin siya sa akin pero dama ko ang lungkot niya.

"Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!"

Narinig ko ang sigaw ni Noh mula sa likuran namin saka napakurap na lang ako nang marinig ko na naman ang nanunukso niyang boses.

Hinatak ako ni Solo, mabilis ang lakad niya hanggang sa tumigil na rin kami. Mukhang medyo malayo na rin ang narating namin kasi nang lumingon ako sa likod, wala nang ibang tao akong nakita saka malayo na rin doon sa resort.

"So..."

Humarap si Solo sa akin saka binitawan na ang braso ko. Tulad ng dati, seryoso pa din ang mukha niya kaya nahirapan akong malaman kung ano tuloy ang iniisip niya.

Anong reaksyon iyon?...

"Guitar..." Ang lalim ng buntong-hininga niya bago iniunat sa taas ang mga kamay niya saka tumingin sa langit. Ang tagal niyang nakatingin doon kaya napatingin na rin ako sa taas.

Ang dilim lang naman ng langit, wala akong makitang kahit ano.

"So, ganito kasi..." Natigil ako sa pagsasalita nang tumingin ako sa kanya saka makita ang malaking ngiti sa labi niya na mas malaki pa kaysa noong nasa stage siya.

"Gusto kita, Guitar."

"..."

Noing sinabi ko bang gusti ko siya, ganito rin ba ang naramdaman niya?...

Naiintindihan ko na ngayon bakit nakatayo lang si Solo sa stage ng sobrang tagal, kasi ganoon din ang nangyari sa akin ngayon. Nablangko ang utak ko saka ang lakas ng tibok ng puso ko.

Bigla na lang niyang sasabihin sa akin iyon...

Hindi man lang ako binigyan ng oras para makapaghanda...

"Huwag mong takpan ang mukha mo."

Tinitigan ko si Solo at nagalit nang hatakin niya ang kamay ko. Dahil sa hindi ko na matakpan ang mukha ko... tumingin na lang ako nang matagal sa langit.

"Bakit ka nakangiti?"

"Kinikilig ka kasi."

"Hindi ka ba kinikilig."

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon