Chapter 16 - ออกซิเจน Oxygen

477 18 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at nalalapit na ang mga mid-term exam namin, hindi tulad ng sa inaasahan ko. Isang linggo na ang nakaraan noong pumunta kami sa beach. Pagkabalik namin rito, naging abala na ang lahat pati na rin ako para sa mga exam. Ang malala pa roon, kailangan ko pang magdagdag ng oras ng trabaho para mabawasan na ang araw ng shift ko kumpara sa ibang tauhan rito sa café. Si Solo naman, kailangan ding mag-ensayo pa nang maigi. Sabi kasi niya, kadalasan practical ang mga exam niya. Kaya kung dati, may oras pa siyang umupo saka panuorin ako habang nagtatrabaho, hindi na niya iyon nagagawa ngayon. Nag-eensayo na kasi siya hanggang sa gabi. Pagkatapos naman niya roon, susunduin naman niya ako saka sabay na kaming uuwi.

Kring...

Ngumiti ako sa lalaking pumasok ng café saka ibinigay na sa kanya ang maligamgam na gatas niya. Sumulyap sa akin si Solo bago kunin ang baso ng gatas sa akin. Hindi siya tumingin sa mga mata ko saka hindi man lang nagsalita.

Pinilit kong magkunwari na wala akong napapansin sa ginagawa niya saka patuloy ko pa rin siyang binibigyan ng maligamgam na gatas araw araw pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatampo.

Isang linggo na ang nakaraan noong nakabalik na kami rito galing sa beach pero itong husky na ito, walang ekspresyon pa rin ang mukha niya saka ayaw pa rin akong kausapin. Tinatanong ko naman siya lagi bakit ayaw niyang tumingin sa akin pero lagi lang niya akong nginingitian saka aalis. Pero dahil sa ginagawa pa rin niya ang madalas niyang gawain tulad ng paghahatid sa akin, susunduin saka maghihintay para sa gatas niya, para tuloy naisip ko na kung magpapatuloy siya sa pagtatampo niyang ito, sa sobrang cute eh baka hindi ko na gustuhin pang makipag-ayos sa kanya.

Ganito na naman itong husky na ito kasi noong gabing iyon nga sa beach, tumakas takaga ako saka pumunta sa kwarto ng kaibigan ko. Habang lalo niya akong tinatawag sa labas, mas lalong ayaw buksan ng mga kaibigan ko ang pinto. Pero kinabukasan, noong umupo akonsa tabi niya, medyo nakonsensya ako nang makita ang itsura niyang mukha talagang hindi nakatulog. Nang makaupo na ako nang ayos sa loob ng sasakyan, umiwas agad siya ng tingin, hindi ako kinausap saka isinandal ang ulo niya sa bintana. Sinabihan ko siyang isandal ang ulo niya sa balikat ko pero tumanggi siyang makinig hanggang sa ako na mismo ang nagtulak sa ulo niya para isandal iyon sa balikat ko. Noong una, gustong lumayo nitong husky na ito pero nang makita niya ang galit kong mukha, dismayado siyang natulog na lang sa posisyong iyon pero mas mabuti na iyon.

Kahit na nagtatampo siya, masunurin pa rin naman... Tingin ko tuloy, ang cute niya.

Tumayo si Solo, saka hinugasan ang baso sa lababo tulad nang ginagawa niya palagi. Pagkatapos niya roon, kukunin na niya ang bag ko saka ang susi na nasa counter bago tumayo sa labas  saka doon ako hintaying sundan siya at isarado na ang café.

Ilalagay niya sa bag ko ang susi saka susulyap ulit sa akin pero wala na namang sasabihin. Kapag nginitian ko naman siya, tatalikod agad siya saka lalakad papunta sa kotse niya.

Iniisip ko tuloy kung sapat na ba ito para sa ngayon...

Ang cute niya sa ikinikilos niya, pero parang tumatagal na itong sitwasyon namin ngayon. Kung mas lalong maging seryoso itong husky na ito, baka hindi ko na alam ang gagawin paano makikipag-ayos sa kanya.

"So khrap." Tinawag ko siya pero hindi man lang siya lumingon sa akin. Diretso pa rin ang tingin niya sa daan na para bang hindi niya ako narinig hanggang sa bahagya ko na siyang kinalabit para tumingin na sa akin.

Mukha namang maganda itong nangyayari ngayon...

"Gusto mo, sabay tayong mag-aral?" Ngumiti ako nang makita kong may kaunting reaksyon mula sa mukha niya. "Masyado kasing mainit sa dorm ko... Kung pwede sana, ayon... sabay na tayong mag-aral sa kwarto mo?"

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon