Chapter 20 - ออกซิเจน Oxygen

444 16 0
                                    

Ting Ting Ting

"Err... inaantok pa ako eh."

Ting Ting Ting

"So... paki-silent muna ng phone mo, please."

Ting Ting Ting

"So..."

Pinilit kong iminulat ang mga mata ko saka ang una kong nakita ay ang orasan na nakalagay malapit sa lamp na nakalagay sa tabi ng kama. Kahit na medyo malabo pa ang paningin ko, sigurado akong number 5 ang nalalagay roon.

Alas-singko pa lang ng umaga... saka inaantok pa ako. Halos tatlo o apat na oras pa lang kasi ako nakakatulog.

Ting Ting Ting

"So!" Medyo lumakas na ang boses ko saka agad na bumangon at tumingin sa lalaking nakasandal sa ulunan ng kama habang nakatingin sa phone niya na may ngiti sa labi niya. Hindi maialis ang tingin niya sa screen ng phone at para bang hindi man lang niya narinig ang tawag ko sa kanya.

"So khrap." Sumimangot ako tapos umusog ng kaunti para kalabitin ang binti niya. Medyo aburido ako ngayon kasi nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog saka itong husky na ito, para bang mas interesado pa siya sa phone niya laysa sa akin.

"Guitar?" Sa wakas, umalis na rin sa pagkakatitig ang mga mata niya sa phone niya at tumingin na rin sa akin. Noong una, medyo kakaiba pa ang itsura niya pero ngumiti rin siya agad saka nagsimula nang tumawa.

Kung sa ibang pagkakataon siguro, magiging masaya akong makita siyang tumatawa... pero hindi ngayon!

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tinanong ko siya at halatang-halata ang pagkaaburido sa boses ko at hindi ko naman sinubukang itago ang nararamdaman kong iyon.

Ang bagay na nagpapaaburido talaga sa akin ay iyong tipong mapipilitan akong gumising kahit na sobrang inaantok pa ako!

Ang punto ko kasi rito, holiday kasi ngayon!

At isa pa, alas-singko pa lang ng umaga!

"So!" Tinawag ko ulit siya saka tumigil na siya sa kakatawa. Pero pagkatapos, nagsimula naman siyang kuhaan ako ng mga litrato.

"Ang cute mo talaga, Guitar." Sabi niya habang nakangiti at ipinakita sa akin ang phone niya na may litrato kong nakasimangot, mapula ang mga mata saka gulong-gulo pa ang mga buhok ko.

"Ang pangit niyan. Burahin mo lahat 'yan."

"Ayaw." Sumimangot siya saka lumayo sa akin nang sinubukan kong agawin sa kanya ang phone niya para burahin ang mga litratong iyon.

"Kapag binura mo 'to, kakagatin kita."

Ano kamo?

Hindi ko talaga iyon inaasahan. Nawala agad ang antok sa sistema ko. At para naman doon sa lalaking nagbanta na kakagatin raw ako, ngayo'y nakangiti saka mukhang kuntento nang pinagmamasdan ang phone niya kaya nalimutan ko na rin ang mga sasabihin ko.

"Aso ka ba talaga?" Para bang tinutukso ko siya saka hinimas ang ulo niya bago umupo sa tabi niya sa ulunan ng kama.

Hindi ko inaasahang mawawala talaga agad ang antok at pagkaaburido ko nang ganoon na lang.

"Gustong-gusto mo talagang iniisip na ganyan ako, pero..." Ibinaling niya ang tingin niya mula sa phone niya papunta sa akin. Isang mapaglarong ngiti ang nakita ko sa labi niya pero nawala rin agad iyon. "Kung ang pagiging isang aso ay paraan para makagat kita... edi ayos lang sa'kin na maging aso."

"So!" Hinampas ko ang braso niya nang makita ko ang kakaibang tingin niya sa akin na binagtas mula ulo ko hanggang paa na para bang sinusuri niyanangbbuong katawan ko.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon