Chapter 26 - ออกซิเจน Oxygen

321 11 0
                                    

"Bakit ka nakasimangot?" Tumawa muna ako bago pinisil ang pisngi ng lalaking kanina pa nakasimangot. Simula pa noong sumakay kami rito sa kotse hanggang ngayon na pababa na kami, nakakunot pa rin ang noo niya.

"Kaibigan lang ba talaga?" Seryosong tanong ni Solo habang nakatingin sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Nang makuntento na siya sa sagot ko, bahagya siyang bumuntong-hininga saka tumango para sabihing naiintindihan na niya. Naghanda na rin siyang bumaba ng kotse... pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Guitar?"

"Ang tatlong iyon, anak sila ng isa sa mga benefactor ng ampunan kung saan ako lumaki." Hinimas ko ang kamay ni Solo saka naisip na kailangan kong ipaliwanag sa kanya nang mas malinaw para hindi na siya masyadong mag-isip pa ng kung ano tungkol rito.

"Ang pangalan nila, JAKKAPAD, HONGTAE saka PRAMUK. Noong mga bata pa kami, ang tawag ko sa kanila, '3KINGS'." Napangiti ako nang makita kong ngumiti na siya.

TN: According kay Ms. Houzini, ganoon ang tawag ni Gui doon sa tatlong magkakapatid ay dahil sa meaning ng mga pangalan nila.
JAKKAPAD means Emperor
HONGTAE means King
PRAMUK means Chief of a State

"Madalas bumibisita sa ampunan ang dad nila para magbigay ng mga donasyon. Sa tuwing pumupunta siya roon, kasama niya lagi ang 3Kings. At dahil sa magkakalapit lang ang mga edad namin, nagkasundo kami agad. Ako ang pinakamatanda sa ampunan saka nalalayo ang edad ko kumpara sa edad ng ibang mga bata roon. Pagkatapos ng klase, umuuwi ako agad para alagaan ang ibang mga bata, kaya wala ako masyadong mga kaibigan noon. Pero nang makilala ko sila, lagi nila akong sinasama para makipaglaro sa kanila. Kaya masasabi kong mga kababata ko sila."

Tumango si Solo saka bahagyang pinisil ang kamay ko. Iniisip siguro niya na nalulungkot ako kapag kinukuwento ang mga bagay tungkol doon. Ngumiti ako sa kanya at umiling para sabihing ayos lang kasi hindi ko naman naramdaman na mababa ang tingin ng iba sa akin noon. Ramdam ko ang pagmamahal sa pamilya ko kaya naman kahit na ganoon, ayos lang sa akin kahit na wala akong masyadong kaibigan. Noong dumating ang 3Kings sa buhay ko, masasabi kong sumaya din talaga ako.

"Pumupunta sila doon para makipaglaro sa'kin tuwing bakasyon sa school. May bahay kasi ata ang dad nila na malapit lang sa ampunan kaya lagi silang pumupunta roon. Pero para dumalaw saka makapagpahinga lang sila kaya pumupunta sila roon. Kapag nagsimula na rin kasi ang klase sa school, hindi na ulit sila pupunta roon maliban na lang kapag may mahabang holiday..." Napangiti ako bahagya habang iniisip ang mga pangyayari noong kabataan ko, inaalala ang mga katapangang meron kami dati saka iniisip kung magiging ano kami paglaki namin.

"Noong una, mga matitigas ang ulo nila. Sa sobrang kulit nila, madalas dinadala sila ng dad nila kay Mae Yai para maturuan ng disiplina. Sa mga panahong iyon, malapit ang loob ko kay Mae Yai at laging nasa tabi niya."

Noong una, naiinis talaga ako sa kanila, pero hindi ko na lang din alam kung bakit bigla kaming naging mga magkakaibigan.

"Mga tatlong taon din ang lumipas, mga nasa labing-isa o labindalawang taon na kami, pumunta sila sa ampunan saka mukhang malungkot sila. Hindi na sila mukhang masiyahin tulad ng dati. Sabi nila, lilipat na raw ang pamilya nila sa ibang bansa. Pagkatapos noon, hindi ko na ulit sila nakita pa. Noong umalis na sila, isinarado na rin ang ampunan..."

"Guitar... huwag ka namang maging malungkot, oh." Kung sino pa talaga ang nasabing huwag akong malungkot, siya talaga itong nakasimangot at mukhang malungkot. Pero... isang banayad na haplos ng kamay niya ang naramdaman ko sa pisngi ko kaya nawala agad ang lungkot na nararamdaman ko.

OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon