"Aalis tayo ng alas-singko!"
Malakas na hiyawan ang dumagundong nang may sumigaw pagkalabas ng klase ng prof. Abalang abala ang lahat kasi 4:40 na ng hapon. Kung hindi ko dinala ang bag ko kaninang umaga, siguradong magkakaproblema ako kasi yung ibang mga nakadorm, hindi na nakauwi para kunin ang bag nila. Iyon siguro ang hindi kagandahan kapag kailangan pang bumiyahe palabas ng campus. Masyado kaming nagpupursigi sa pag-aaral saka wala na halos oras para magpahinga, kaya parang inihanda na namin lahat ng kailangan namin saka kinailangang magmadali tulad nito.
"Dumating na 'yung sasakyan natin P!" Sumigaw si Jo mula sa pinto. Mukhang tumakbo siya papunta rito kasi pawis na pawis siya. Mukha tuloy siyang nakakatawa kaysa sa maawa kami.
"Huwag kang magmadali. Tipunin mo muna lahat ng kasama!" Sumigaw din si Noh para sagutin siya saka pinaalis na ang junior namin, saka ipinagpatuloy ang paglalaro sa phone niya.
Base sa narinig ko kay Jo habang nakikipag-usap sa kaibigan niya, mukhang 'yung ibang estudyante na mula sa iba't-ibang year, nakalabas na kaya siguro nagmamadali na rin siya, konsiderasyon na din sa grupo ng mga taga Music faculty. Nalaman ko kay Solo na kaunti lang ang kasama sa kanila, kaya napag-usapan an rin namin paano hahatiin sa grupo para makabawas sa gastusin, na kung saan wala naman kaming prinoblema tungkol doon.
"Hia, tumayo ka na jan, sige na."
Umupo ako saka tumingin kay Jo na nakaluhod na sa harap ni Noh at nagmamakaawang tumigil na sa paglalaro pero natawa ako nang halos tumungo na siya sa pagmamakaawa sa kaibigan ko. Isa pa, ako na lang saka si Noh, Wine, Beer at Jo ang hindi pa lumalabas.
"Tapusin ko muna itong nilalaro ko." Sabi ni Noh bago itulak ang ulo ni Jo, pero alam kong gusto lang talaga niyang inisin ang junior namin. Sa tingin ko, kapag kasi may nahuli saka nagbabagal, tiyak na magkakaproblema si Jo.
"Hia, maawa ka naman sa'kin, please. Ayaw kong matapon ng 'di oras sa dagat."
Iyon din ang nga ang nasa isip ko...
"Tara na, Ai'Noh. Tumigil ka na dyan sa paglalaro."
Tumango ako para suportahan ang mga sinabi ni Beer. Sa wakas at pumayag na rin si Noh saka itinago na ang phone niya. Hindi rin nakalimutang ngumiti kay Jo bago lumabas.
Sa totoo lang, hindi naman talaga namin kailangang magmadali kasi nakaparada lang naman sa tapat ng faculty namin ang mga sasakyan namin. Mas matagal na oras pa nga ang kailangan para tipunin ang lahat kaysa sa oras ng byahe, saka wala pa namang alas-singko. Pero mukha yatang nagkamali ako ng akala kasi nang papunta na kami sa sasakyan, nakita kong maayos namang nakapila ang lahat, saka hindi gaanong kagulo tulad ng inaasahan ko. At ang grupo namin ang nasa huli, kaya...
"Jo! Sigurado ka ba?!" Isang malakas na boses ang narinig namin galing sa isa naming junior na Second year na hindi naman din kalayuan sa amin. At para naman doon sa taong inaasahan na mapaparusahan, nagmaktol muna bago tumakbo pabalik para tingnan ulit.
"Doon na lang kayo maupo sa sasakyan ng mga taga-Music faculty, P. Puno na talaga dito." Sumigaw si Jo para sabihin sa amin saka itinuro ang sasakyan sa likod namin.
Tumango na lang ako saka hindi na nag-isip ng kung ano kasi wala rin naman kaming problema sa mga taga-Music faculty. Kung tutuusin, wala rin naman akong naging problema sa kahit na sino. First year pa lang kasi, natutuhan na naming makihalubilo sa iba, at kung may problema man, pwede ko naman tanungin si Ai'Noh. Pero siguro wala namang problema kasi nakasakay na rin naman kami sa sasakyan.
"Waaahhh."
Pero tingin ko, mali na naman ako sa pag-aakalang wala kaming magiging problema sa grupo nila kasi pagpasok ko pa lang gn sasakyan...
BINABASA MO ANG
OXYGEN ออกซิเจน (Tagalog trans.) - I love you more than the air I breathe
Storie d'amoreThis is an authorized Tagalog translation of OXYGEN novel authored by CHESSHIRE. In this work, I will use the English translation of the novel made by Houzini since I don't know Thai yet and I'm still in the process of learning their language. ...